Tuesday, April 3, 2012

Mayor ng Hagonoy 'lalahok' sa pagtatanghal senakulo



Inaasahang lalahok ang alkalde ng bayan ng Hagonoy sa taunang patatanghal ng senakulo na magsisimula sa Miyerkoles Santo ng gabi.

Ayon kay Herminio Florentino, isa sa mga opisyal ng Samahang Matiyaga Senakulista ng San Sebastian (SMSSS) sa bayan ng Hagonoy, nagpahayag ng bukas nga pagsuporta sa kanilang taunang pagtatanghal si Mayor Angel Cruz.

Sinabi ni Florentino na bukod sa suportang pinansyal, nagpahayag din ng interes ang alklade na maging bahagi ng taunang pagtatanghal.

Ngunit batay sa huling impormasyon, hhindi nakalahok sa pag-eensayo ng mga senakulista ang alkalde, kaya’t binigyan ito ng isang maikling papel sa pagsisimula ng pagtatanghal.

Ang unang pagtatanghal ng SMSSS ay isasagawa sa Miyerkoles Santo ng gabi sa patio ng kapilya ng San Sebastian sa Hagonoy.

Ito ay magsisimula sa ganap na ika-7 ng gabi.

Ito ang ika-91 sunod na taong pagtatanghal ng senakulo sa nasabing bayan.

Ito ay karaniwang isinasagawa tuwing gabi ng semana santa mula Lunes Santo hanggang Biyernes Santo.

Ngunit sa mga nagdaalgn may limang taon, ito ay isinagsagawa tuwing gabi ng Miyerkoles Santo hanggang Biyernes Santo.




Tonong pangsimbahan lang, bawal ang rock sa pagbasa ng Pasyon




MALOLOS—Muling ipinaalala ng simbahan ang paggamit sa mga tono ng awiting pangsimbahan sa pagbasa ng Pasyon ngayong Semana Santa, samantalang ipinagbabawal ang paggamit ng tonong “rock and roll.”

Ito ay isa lamang sa 14 na puntong tagubiling ipinalabas ng Diyosesis ng Malolos hinggil sa taunang pagbasa ng Pasyon.

Ang tagubilin ay inihanda ni Monsignor Andres Valera, ang vicar general ng Diyosesis ng Malolos, at isa sa pangunahing awtoridad sa liturhiya ng diyosesis.

Ayon kay Valera, layunin ng tagubilin ay na mapanatili ang kaayusan.

“Ang pagbasa ng Pasyon ay isang debosyon at panalangin, kaya ito ay dapat taimtim at magalang,” ani Valera

Bilang pangunahing orotidad sa liturhiyang pangsimbahan, sinabi ni Valero na hindi dapat gumamai ng mga tonong hindi relihiyoso tulad ng rock sa pagbasa ng Pasyon.

Ipinayo niya na mas makabubuting gamiting ay ang mga tono ng mga awiting pagsimbahan katulad ng mga tono ng awiting ginamit sa kursilyo.

Patungkol sa mga gawain sa loob at labad ng mga kapilyang pinagsasagawaan ng pabasa, ipinayo niya na “mas maganda ay maglagay ng kainan sa gilid o labas ng bisita.  Hindi rin maganda ang kumakain ng butong pakwan habang bumabasa ng Pasyon.”

Pinalalahanan din niya ang mga katoliko na iwasan ang pagkakalat sa loob at labas ng kapilya, maging ang paninigarilyo.

Hinggil sa pagkain, ipinaalala niya na ang pag-aayuno at pagbabawas ng pagkain sa panahon ng semana santa partikular na Biyernes Santos.

Bawal din ang pagkain ng mga butong pakwan at katulad nito habang bumabasa ng pasyon.

Para sa mga kabataan, ipinayo niya na dapat itong gabayan ng mga mas nakakatatanda upang maiwasan ang harutan at paglalaro habang bumabasa ng pasyon.

Maging sa sa mga sound system ay nagbigay ng tagubilin si Valera.

Sinabi niya na na mas makabubuting may reserba upang maiwasana ng pagkasira ng mga ito sa sobrang init snahi ng matagal na patuloy na paggamit.

Ang taunang pabasa ay karaniwang isinasagawa sa mga simbahan at kapilya matapos ang Linggo ng Palaspas.

Ito ay karaniwang natatapos pagsating ng ika-12 ng tanghali kung Biyernes Santo, upang mga mga mananampalataya ay makalahok sa ibang gawaing pangsimbahan.

Ngunit ang pagbasa ng pasyon ay isinagawa rin ng mga pribadong samahan at indibidwal katulad ng mga samahalang penitensya sa bayan ng Hagonoy.
Ilan sa mga pribadong indibidwal sa nasabing bayan ang nagsasagawa ng pabasa bago pa dumating ang Linggo ng Palaspas bilang pagtupad sa kanilang taunang panata.  (Dino ,Balabo)

Imbes na mag-penitensiya, maging mabuting Kristiyano



MALOLOS—Tutol pa rin ang simbahang Katoliko sa pagpapapako sa krus at penitensiya kung Semana Santa, at sa halip ay ipinayo sa mga mananampalataya na maging mabuting Kristiyano.

Kaugnay nito, limang deboto ang inaasahang muling lalahok sa taunang pagpapako sa krus sa Barangay Kapintangan sa bayan ng Paombong samantalang natapos na ang panimulang rehabilitasyon sa ilang pasilidad doon.

Ayon kay Obispo Jose Oliveros ng Diyosesis ng Malolos, hindi dapat gayahin ng mga Kristiyano ang pagpapapako sa krus na ginawa ng Panginoong Hesu-Kristo mahigit 2,000 taon na ang nakakaraan.

Sa halip, nakatala sa Bibliya na itinuro ni Hesu-Kristo sa kanyang mga taga-sunod na pasanin ang kanilang krus araw-araw.

“The Lord taught us to come carry our cross daily and follow him.  He did not say come and reenact My crucifixion,” ani Oliveros.

Ipinaliwanag niya na ang krus ay isang simbolo ng pagdurusa ng tao na pinasan ng Panginoon.

 “During the Lenten season we are given the opportunity to mortify ourselves, and mortification means sacrificing or dying to one self,” paliwanag pa ng Obispo.

Binigyang diin niya na ang paggaya sa pagpapapako sa krus ay isa lamang popularized religiosity o pagpapakita ng pagiging relihiyoso.

“We were asked by Jesus Christ to be a good Christian,” ani ng Obispo at itinanong kung ang mga nagpapapako sa krus ay nagsisimba o nangingilin at kung nagsisilbi bilang isang mabuting Kristiyano.

Iginiit pa niya na dapat din samantalahin ng mga Kristiyano ang panahon ng Semana Santa upang magnilay, magsisi, magbago at pagtibayin ang pananampalataya sa Diyos.

Kaugnay nito, tinatayang hindi bababa sa limang deboto ang muling lalahok sa taunang pagpapako sa krus sa Barangay Kapitangan, Paombong sa nalalapit na Biyernes Santo.

Ayon kay Michael Katigbak, isa sa mga lalahok, posibleng dalawang babaeng deboto ang magpapapako sa krus.

“Malamang po ay lima hanggang anim, at dalawa ang babae na ipapako,” ani Katigbak na nasa ika-anim na taon ng pagtupad sa kanyang panata na ipako sa krus kung Biyernes Santo.

Sinabi naman ni Roman Gregorio, ang pangulo ng Samahang Katandaan sa Kapitangan na kasalukuyang din nagsasagawa ang pag-oorganisa para sa kaayusan ng taunang pagpapapako sa krus.

Sinabi ni Gregorio na nagkikipag-uganayan sila sa pamunuan ng mga gumaganap na Hudyo na siyang nagunguna sa pagpapako upang matiyak kung ilan ang lalahok.

Samantala, ibinalita ni Jose Clemente, tagapangulo ng Bulacan Tourism Conventions and Visitors Board (BTCVB) na natapos na ang inisyal na rehabilitasyon sa entablado sa gilid ng kapilya ng Sto. Cristo sa Kapitangan.

Ang nasabing entablado ang siyang pingtatayuan ng krus kung saan ipinapako ang mga deboto.

Bukod sa pinalapad ang laki ng entablado, ipinatanggal din ng BTCVB ang pader sa likod nito upang maging ang mga deboto at turistang nasa likod ng entablado ay mapakanood rin.

Muli ay binigyang diin ni Clemente ang kahalagahang pangturismo ng Barangay Kapitangan.

Iginiit niya na hindi na ito kailangang igawa ng promosyon dahil dinarayo na ito ng mga tao.

Ngunit ang kailangang ay dagdag na rehabilitasyon sa mga lansangan at ilang pasilidad upang higit na mapalawak ang lugar.

Pinuntusan din ni Clemente ang kawalan ng mga directional signs o mga karatula na nagtuturo ng daan patungo sa Barangay Kapitangan.

Napansin din ito ng Mabuhay dahil ni isang directional sign partikular sa kahabaan ng MacArthur Highway mula Guiguinto hanggang Malolos at Calupit ay wala.  (Dino Balabo)

Thursday, March 29, 2012

Himala, misteryo at panata sa Paombong


PAOMBONG, Bulacan – Mas higit na kilala ang bayang ito sa maasim na suka na nagmumula sa sasa, ngunit kapag semana santa, hindi iyon ang dinarayo ng libo-libong turista at deboto.

Ang kanilang destinasyon ay walang iba kundi ang kapilya ng Sto. Cristo na matatagpuan sa Kapitangan, isang barangay sa bukiring bahagi ng bayang ito di kalayuan sa hangganan ng Calumpit, Lungsod ng Malolos at Paombong.

Lunes Santo pa lamang ay marami na ang dumarayo sa Kapitangan na kilala sa taunang pagpapako sa krus ng ilang deboto at mga faith healers o manggagamot.

Ngunit higit na marami ang dumarayo kapag gabi ng Miyerkoles Santo at araw ng Biyernes Santo kaya’t ang makipot na kalsada ng Kapitangan ay tigib ng tao, samantalang ang magkabilang gilid nito ay namumulaklak sa tindahan na nagbebenta ng samut-saring produkto mula sa mga damit, relo, pagkain, prutas, hanggang sa mga pirated compact discs (CD).

Ayon kay Jose Clemente, ang tagapangulo ng Bulacan Tourism Convention and Visitors Board (BTCVB), ang Kapitangan ay isang pangunahing tourist destination na dinarayo sa lalawigan na hindi nangangailangan ng promosyon, ngunit uhaw sa suporta ng gobyerno at pag-oorganisa.

Para naman kay Alexie Dionisio ng Kapatiran ng mga Kalakbay ng Krus (KKK), at isa sa mga debotong dati ay ipinako sa krus sa Kapitangan, ang kapilya sa nasabing barangay ay kabilang sa mga pangunahing pilgrimage site sa bansa kung Semana Santa.

Ngunit ano ang dahilan at dinarayo ng libo-libong deboto at turista ang Kapitangan bawat taon?

Para sa mga residente ito ay dahil sa “mga himala” at “misteryo” sa Kapitangan, ngunit para sa iba, ito ay ang panonood at pagsaksi sa taunang pagpapapako sa krus ng ilang deboto doon.

Para sa mga kritiko, ang pagpapapako sa krus sa Kapitangan ay isang drama at aktuwal na palabas o “live show” na kinagigiliwan ng mga turista; at para sa mga opisyal ng simbahang Katoliko tulad ni Obispo Jose Oliveros, ito ay isang “popularized religiosity.”

Ngunit para sa mga debotong ipinako at ipapako pa sa krus tulad nina Dionisio at Michael Katigbak, ito ay isang pagtupad sa panata batay sa diumano’y mensahe sa kanila ng Diyos na inihatid sa pamamagitan ng mga panaginip o pangitain.

At para sa ibang tagamasid, ang taunang pagpapapako sa krus ay salamin ng kalinangang Bulakenyo na hango sa pinaghalong Katolisismo at Mistisismo.


Ngunit anuman ang pananaw ng bawat sektor, patuloy na dinarayo ang Kapitangan dahil sa pag-asang doon sila makakatagpo at nakatagpo ng katugunan sa kanilang problema.

Isang halimbawa ay ang pagdagsa ng mga deboto sa kapilya ng Sto. Cristo kapag Miyerkoles Santo ng gabi, kung kailan isinasagawa ang pagpapaligo sa imahe nito gamit ang mabangong tubig na hinaluan ng agua colonia at hair tonics.

Sa nasabing gabi, halos mag-agawan ang mga deboto sa pagsahod ng tubig na ipinaligo sa imahe sa pag-asang gagaling ang kanilang karamdaman.

Ayon kay Roman Gregorio, pangulo ng Samahang Katandaang Kalalakihan ng Kapitangan (SKKK), kung minsan ay umaabot sa limang drum ng tubig ang ginagamit sa pagpapaligo at iyon ay kinakapos pa sa dami ng deboto nagsasahod nito sa bote upang maiuwi.

Ang tradisyong ito ay nag-ugat sa magkakaugnay na himala sa mga nagdaang panahon.

Ayon kay Montano “Bok” Sarmiento, isa sa mga kasapi ng SKKK, may isang pagkakataon sa nagdaang panahon na may kalabasang tumubo sa likod ng kapilya at ang malaking bunga nito ay inihanda sa paggunita ng Biyernes Santo.

“Sabi ng matatanda, nagulat sila ng biyakin ang kalabasa dahil punong-puno iyon ng langis at ng ipahid ng ilang may sakit ang langis sa kanilang katawan, sila ay nagsigaling,” ani Sarmiento.

Binanggit rin niya ang kuwento ng matatanda hinggil sa puno ng sampalok sa tumubo sa kaliwang bahagi ng bakuran ng kapilya.

Sinabi ni Sarmiento na batay sa kuwento ng matatanda, hugis krus sa halip na hugis bilog ang ubod ng punong sampalok.

“Basta daw  medyo mataba yung sanga, pag pinutol ay makikita ang krus sa ubod sa halip na hugis bilog,” aniya.

Ang nasabing puno ay sinasabi ring naging mahimala kaya’t ang mga sanga, balat at dahon nito ay unti-unting naubos ng mga dumarayo doon.

Bukod sa mga kuwentong ito, sinabi ni Sarmiento na ang kasaysayan ng pagkakatuklas sa imahe at pagtatayo sa kapilyang pinaglagakan ng Sto. Cristo ay tigib rin ng misteryo.

“Batay ito sa kuwento ng matatanda,” ani Sarmiento sa Punto. “Madawag ang lugar na ito noong araw at minsan ay mag-ama na pumasok sa kakahuyan.”

Ikinuwento niya na nakita ng binatilyo ang isang animo’y punso sa lupa na may kumikislap ng masinagan ng araw, at inakalang iyon ay ginto.

Nabighani ang binatilyo kaya’t agad na tinawag ang kanyang ama at kinulkol ang lupa hanggang sa matambad sa kanila ang imahe ng Sto. Cristo.
Dahil dito, ipinagtayo ng mag-ama ang imahe ng isang damara sa kakahuyan di kalayuan sa kinatagpuan nila sa imahe.

Ngunit kinabukasan nawala sa altar ang imahe, at muling nakita sa lugar kung saan iyon natagpuan ng binatilyo.

“Umaalis daw at nawawala dun sa pinaglagyan at nagbabalik sa kinatagpuan yung Sto. Cristo,” kuwento ni Sarmiento at binigyang diin na ilang beses nangyari iyon.

Dahil dito, nagpasiya ang mga matatanda ng barangay na magtayo ng kapilya at altar para sa imahe sa lugar mismo kung saan iyon natagpuan ng binatilyo.

Hanggang sa kalalukyang ang nasabing imahe ay matatagpuan sa altar sa loob ng kapilya, samantalang ang loteng kinatatayuan ang kapilya ay idinonasyon ng pamilya Tantoco mula sa Lungsod ng Malolos na nagmamay-ari sa lupa.

Ang kasalukyang basketball court sa kanang bahagi ng bakuran ng kapilya ay binili ng mga residente mula sa pamilya Tantoco, ngunit nananatili sa pag-aari ng pamilya ang bukirin sa likod ng kapilya. (Dino Balabo)

PROMDI: Paquiao natutong sumuntok sa Bulacan?




Nasakop na ba ng Salita ng Diyos ang isipan nhg pambansang kamao na si Manny Pacquiao?

Ito ang karaniwang tanong ng marami dahil sa mga huling araw, tuwing mapapanood nila sa telebisyong ang boksingero ay palaging may binabanggit na bersikulo mula sa Bibliya.
***
Hindi masamang mahilig sa pagbabasa ng Bibliya ang pamnasang kamao, sabi ni Father Pedring ng Leighbytes Computer Center sa Malolos.

Mas mabuti raw ito kaysa sugal o kaya ay manok sa sasabungin ang pagtuunan ng pansin ng boksingerong ngayon ay kinatawan na sa kongreso ng lalawigan ng Saranggani.
***
Marami sa atin ang humahanga sa galing sa boksing ni Pacquiao, at marami din ang nanghihinayang na hindi siya Bulakenyo.

Mas proud kasi ang mga Bulakenyo kapag nalaman na ang sikat na tao ay Bulakenyo rin o may lahing Bulakenyo.  Nakaka-relate daw sila.
***
Ngunit alam ba ninyo na hindi man Bulakenyo si Pacquiao, isang bahagi ng buhay niya ay naging bahagi ang Bulacan?

Hindi po ito tsismis dahil ang nagkuwento nito sa Promdi ay walang iba kungdi si Obispo Jose Oliveros ng Diyosesis ng Malolos.
***
Sa panayam ng mga mamamahayag sa Bulacan sa Obispo noong Miyerkoles, Marso 21, pinukaw niya ang diwa ng bawat isa sa amin sa pamamagitan ng isang tanong.

“Alam ba ninyo kung saan natutong sumuntok si Pacquiao,” tanong Obispo.
***
Walang nakasagot sa hanay ng mga mamamahayag.  At lalo kaming nagulat ng sagutin ng Obispo ang sariling tanong.

“Sa Bulacan,” aniya.
***
Batay sa pahayag ng Obispo, bago naging boksinero si Pacquiao ay nagtrabaho sa isang panaderya sa Bulacan bilang taga masa ng tinapay.

Talagaaaaa?  Pero, ang tanong, saan sa Bulacan?
***
Hindi naman ipinagdamot ni Obispo Oliveros ang impormasyon atnagpatuloy siya sa pagkukuwento.

Samantalang kaming mga mamamahayag ay abala sa pagsusulat ng mga impormasyong kanyang sinalita.
***
So, saan sa Bulacan nagtrabaho ang pambansang kamao bilang taga-masa ng tinapay bago siya naging boksingero, yumaman, naging kongresista, at ngayon ay mukhang magigig “Bible Ambassador” ng simbahan.

Ayon kay Obispo Oliveros, si Paquiao ay nagtrabaho sa isang panaderya sa isang bayan sa ika-apat na distrito ng Bulacan.
***
Whoooopsss!  Saan doon, ang laki ang ika-apat na distrito ng Bulacan.  Kabilang doon ang mga Lungsod ng San Jose del Monte (SJDM) at Meycauayan, mga bayan ng Sta. Maria, Marilao at Obando.

Saan nga ba?  Sa SJDM?  Hindi.  Meycauayan?  Di rin? Sta. Maria?  Lalong hindi?  Marilao?  No.
***
Eh, saan nga? Di sa SJDM, di rin sa Meycauayan, sir in sa Marilao o Sta. Maria.

Saan pa, eh di, sa Obando!
***
Hindi lang basta sa Obando, binanggit pa ni Obispo Oliveros yung barangay sa nasabing bayan?

Saan? Eh saan pa, eh di sa Paco!
***
Ayon kay Obispo Oliveros, kinikilala ni Pacquiao ang bahaging ito ng kanyang buhay, ngunit hindi binanggit ang lugar kung saan siya nagsilbing taga-masa ng tinapay.

Ibig sabihin, kumpirmadong nagtrabaho si Pacquiao sa isang panaderya.
***
Pero kung saan man matatagpuan yung panderyang iyon ay hindi pa kinukumpirma ni Pacquiao kung saan.

Hintayin na lang natin ang kanyang kumpirmasyon.
***
Para sa marami sa atin, hindi na mahalaga kung saan panaderya nagtrabaho si Pacquiao.

Ang mahalaga daw ay hindi inililihim ng pambansang kamao ang kanyang simpleng pinagmulan.
***
Ngunit para sa iba nating kababayan, mas higit na mabiobigyan kulay ang bahagi  buhay ng pambansang kamao kung tutukuyin kung saang panderya siya nagtrabaho bago siya naging boksingero.

Ang impormasyoing ito ay higit na importante sa mga nagnanais magsulat ng buhay at kasaysayan ng pambansang kamao.  (Dino Balabo)

Holiday sa Bulacan sa Abril 2

MALOLOS – Mahabang weekend ang naghihintay sa mga Bulakenyo matapos ideklara
ang Lunes, Abril 2, 2012 na “special non-working holiday” sa lalawigan ng Bulacan bilang paggunita sa
ika-224 na kaarawan ng tanyag na makata at mananalumpati na si Gat Francisco “Balagtas” Baltazar.

Ang nasabing anunsyo ay alinsunod sa Provincial Ordinance No.C-004 o kilala bilang “An Ordinance
Enacting the New Provincial Administrative Code of Bulacan”, Chapter II, Section 27, The Provincial
Legal Holidays at Proclamation No. 355, na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. na may
petsang Marso 27, 2012.

Kaugnay nito, hinikayat ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang lahat ng Bulakenyo na sama-samang
gunitain ang araw ng pagsilang ni Balagtas sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga kontribusyon
hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.

Si Baltazar ay ipinanganak sa Panginay, Balagtas (dating Bigaa), Bulacan noong Abril 2, 1788 kay Juan
Baltazar, na isang panday, at Juana de la Cruz na isang dakilang maybahay.

Tinaguriang Prince of Tagalog Poets at sinasabing William Shakespeare ng mga tulang Filipino, pinaka
naging sikat niyang obra ang Florante at Laura.

Ipinangalan din ang sikat na Filipino debate form na Balagtasan kay Baltazar at naging front cover sa
Pahayagang Kastilyano, publikasyon ng mga Kastila, sa loob ng dalawang linggo. (Provincial Public Affairs Office)

Friday, March 23, 2012

NLEX, SCTEX to open "Holy Week Express Lanes"

The North Luzon Expressway and the Subic Clark Tarlac Expressway will implement an express payment program, the “Holy Week Express Lane”.  The program is intended for Class 1 vehicles traveling to the North this Holy Week. Class 1 vehicles include cars, vans and jeepneys.  The program will start at 2 pm of April 4 (Holy Wednesday) and will end at 5 pm of April 5 (Maundy Thursday).  It seeks to shorten transaction time in busy plazas like Dau-Mabalacat in Pampanga, Subic-Tipo and the Tarlac exits in SCTEX.

Under this program a Class 1 motorist exiting Dau and Subic-Tipo or Tarlac via SCTEX may already pay his/her toll fees in full as he/she passes the Balintawak or Mindanao Avenue Toll Plazas.  Motorists exiting Dau will pay a total toll fee amounting to P218.00 while motorists exiting Subic via SCTEX will pay P408.00 and motorists exiting Tarlac via SCTEX will pay P322.00. This program aims to alleviate queuing at the Toll Plazas especially during peak hours of the Holy Week exodus. Designated Express Lanes are located at the   left side of the Toll Plazas.  Motorists intending to use the Express Lanes should keep left as they approach the toll plazas for their entry and exit.

Ambulant Tellers and Spare Lanes

To speed up transactions at the NLEX, ambulant tellers will be deployed   and spare lanes will be opened at the Balintawak, Mindanao Avenue and Dau Toll Plazas during peak hours. At SCTEX, manual lanes will be set up at Tarlac and Tipo Exits. The deployment of ambulant tellers may be expected on the afternoon of April 4 (Holy Wednesday) till the afternoon of April 5 (Maundy Thursday). Deployment is also set on April 7 (Black Saturday) until April 9 (Araw ng Kagitingan) at the Southbound Bocaue, Dau and Mabalacat Toll Plazas.

Additional Traffic Management Personnel

NLEX/SCTEX traffic personnel will extend working hours to ensure the smooth flow of traffic during the Holy Week exodus. Additional traffic vehicles and enforcers will likewise be deployed to ensure high visibility and immediate assistance to distressed motorists. These additional traffic enforcers will be deployed from April 3-10. They will closely monitor traffic in Balintawak, Mindanao Avenue, Dau and Bocaue, Mabalacat, Tipo and Tarlac and will be ready to assist at Interchanges and stretches of expressways in case of traffic build up.

Balagtas Interchange

NLEX recently opened the Balagtas Interchange, which connects to the Plaridel Bypass Road, a DPWH project, making Northbound travel easier for those going to the towns of Plaridel, Bustos and San Rafael in Bulacan and the provinces of Nueva Ecija, Quirino, Isabela and Cagayan. Instead of taking the Sta.Rita Northbound Exit, motorists may now exit through the Balagtas Interchange. Heading back to Manila, motorists may take the South Bound direction of the new interchange.

 Traffic Increase

The Tollways Management Corporation (TMC), operator of the NLEX and SCTEX expects traffic to increase by 15 to 20 percent from the daily average of vehicles this coming Holy Week.. This daily average of vehicles in NLEX is  160,000 and  24,000 in SCTEX .  Traffic is expected to become heavier starting in the afternoon of April 4 (Holy Wednesday) until the morning of April 5 (Maundy Thursday).

On the other hand, heavy volume of vehicles traveling back to Manila is expected from the afternoon of April 7 (Black Saturday) to the evening of April 9 (Araw ng Kagitingan).

More motorists are expected to go to the provinces this year because of the long weekend.

Hotlines

With the experience of TMC in the past holidays, the manpower and equipment that will be deployed are sufficient to ensure safe, fast and comfortable travel inside the expressway. For assistance and inquiries, motorists are advised to call the NLEX hotline (02) 580-8910, 35000 or (0920) 96-SCTEX (72839) for SCTEX. These hotlines are available 24 hours a day. They may also the website www.tollways.net.ph and the NLEX-SCTEX Facebook account Travel On Great Roads.