Sunday, November 24, 2013

Justice by 2016 para sa biktima ng Maguindanao massacre




 
MALOLOS—Tuparin ang pangako, ipagkaloob ang katarungan sa mga biktima sa Maguindanao Massacre sa Hunyo 2016.

Ito ang nagkakaisang panawagan ng mga mamamahayag sa Gitnang Luzon ay Pangulong Benigno  Aquino III kaugnay ng ika-apat na taong paggunita sa Maguindanao massacre kung saan ay 58 katao ang pinaslang kabilang ang 32 mamamahayag.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng pag-asa si Hukom Jocelyn Solis Reyes, na posibleng makamit ng mga biktima ang hinahangad na katarungan bago bumaba sa kanyang puwesto si Pangulong Aquino sa Hunyo 30, 2016.

Ang panawagan para sa katarungan sa darating na 2016 ay binigyang diin ng mga mamamahayag at mag-aaral sa Bulacan at Pampanga kung saan isinagawa ang paggunita noong Nobyembre 21 at 22 ayon sa pagkakasunod.

Sa panayam ng Mabuhay kay Fred Villareal ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Pampanga chapter, binigyang diin niya na sa paghiling ng katarungan, dapat ay may nakatakdang panahon.

“Kailangan ay timebound ang ating demand,” sabi ni Villareal ng makapanayam sa telepono noong Martes,Nobyembre 19.

Iginiit pa niya na simula sa Enero ay sisimulan na ng mga sangay ng NUJPang pagbibigay ng countdown para sa kampanyang “Justice by 2016.”

Ito ay tatampukan ng buwanang paggunita sa Maguindanao Massacre na isasagawa tuwing ika-23 ng buwan.


“We cannot have a countdown kung walang malinaw na panahon na dapat itong matupad,” sabi ni Villareal.

Gayundin ang naging paninindigan ng sangay ng NUJP sa Bulacanna kanilang inihayag sa pamamagitanng isang pahinang ;pooled editorial na inilabas na noong Nobyembre 21 kaugnay ng paggunita sa Maguindanao Massacre na isinagawa sa harapng bantayog ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa harapng kapitolyo sa lungsod na ito.

Sa nasabing pahayag, sinabi ng NUJP-Bulacan na ”hinahamon natin ang administrasyong Aquino na tiyakin na makakamit ang katarungan para sa mga biktima sa Ampatuan massacre bago siya bumaba sa tungkulin sa Hunyo 2016.”

Hinamon din ng NUJP Bulacan ang mga  ang administrasyong Aquino at iba pang mga lokal na opisyal na tiyaking ang maayos na working envitonment para samga mamamahayag sa bansa.

Samantala, iginiit ni Rommel Ramos, station manager ng Radyo na Bulacan na samantalang humihiling ng katarungan ang mga mamamahayag sa 2016, dapat ding tiyakin ng pamahalaan ang zero casualty o wala ng mamamahayag na papaaslanging mula ngayong hanggang 2016.

Ito ay nangangahulugan din ng responsableng pamamahayag sa hanay ng mga mamamahayag.

Ang magkakaugnay na panawagang ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mamamahayag na pinaslang sa bansa.

Batay sa huling tala ng NUJP,umabot sa 157 ang pinaslang na mamamahayag sa bansa mula noong 1986.


Ito ay higit na mas mataas sa naitalang 153 noong nakaraang taon.

Para naman sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ),  at Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), binigyang diin nila ang bhilang ng mga mamamahayag na pinaslang sa panahon ng panunungkulan ng bawat pangulo ng bansa.
           
Batay sa pag-aaralng PCIJ at CMFR, umaboty na sa 23 mamamahayag ang pinaslang sa loob ng 40 buwang panunungkulan ni Pangulong Aquino.

Ang nasabing bilang ay mas mataas sa naitalang 21 mamamahayag na pinaslang sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Corazon Aquino; dating Pangulong Fidel V. Ramos (11), at dating Pangulong Joseph Estrada (6).

Sa panahon naman ng siyam na taong panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo,umabot sa 80 ang bilang ng pinaslang na mamamahayag, kasama ang 32 sa Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Ang nasabing araw at itinakda rin ng International Freedom of Expression Xchange (IFEX) bilang International Day to End Impunity (IDEI).

Ang impunity ay nangangahulugan ng kawalan ng napaparusahan sa pamamaslang sa mga mamamahayag. Dino Balabo

Donasyon ng Bulakenyo inihatid na sa biktima ng bagyong Yolanda



 
MALOLOS—Nakipagsabayan ang mga Bulakenyo sa mayayamang bansa sa pagbibigay ng mga donasyong pera at gamit sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.

Tampok dito ang pag-iipon ng SM Supermall ng P100-M calamity fund, pagpapadala ng kapitolyo ng mahigit 100 katao upang tumulong, bukod pa sa pag-iipon ng mga donasyon na tinugon maging ng mga mag-aaral at pahayagang pampaaralan.

Hindi rin nagpaiwan ang ilang mamamahayag sa lalawigan sa pagpapahatid ng tulong sa mga kaibigang mamamahayag sa Samar.

Samantala, tuluyan ng tumulak noong Sabado, Nobyembre 23 patungong Samar at
Leyte ang mahigit 100 kataong delegasyon ng Bulacan.

Ito ay matapos maantala ang biyahe na unang itinakda n oong Nobyembre 19  at muli noong Nobyembre 21.

Ayon kay Gob. Wilhelmino Alvarado ang pagpapahahatid ng delegasyon ng lalawigan ay bilang bahagi ng pag-ayuda para sa mas mabilis na pagbangon ng mga biktima ng bagyo.

“Kapag tayo ang tinamaan ng kalamidad, tayo ang kanilang tinutulungan, ngayon ay pagkakataon natin na ibalik ang pabor,” sabi ng gobernador.

Ang delegasyon ng Bulacan ay binubuo ng mga duktor,narses at mga piling frescue group sa lalawigan ng Bulacan.

Sila ay mananatili sa Samar at Leyte sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Ayon kay Provincial Administrator Jim Valerio, ang delegasyon ng Bulacan ay hindi aasa sa mga pupuntahang bayan.

Ito ay nangangahulugan na kasama sa paghahatid ng tulong ng lalawigan ay ang mga gagamitin gamot, kagamitan at mga pagkain at inumin ng mga bumbuo ng delegasyon.

Ayon kay Valerio, 10 trak at limang ambulansiya ang ipinadala ng Bulacan sa Samar at Leyte.

Bukod dito, may dala na ring krudo at gasolina ang delegasyon na gagamitin sa mga sasakyan.

Sa pagtulak ng delegasyon ng lalawigan, kasamana rin nilang ihahatid ang mga donasyong sinimulang inipon mula noong Nobyembre 23.

Ngunit ayon kay Valerio, magpapatuloy ang kapitolyo sa pagtanggap ng donasyon hanggang Nobyembre.

Ang panawagan ng kapitolyo para sa mga donasyon ay tinugon ng mga pamahalaang lokal sa lalawigan, maging ng mga pribadong Bulakenyo ay mga samahan.

Kasam rito ang Christiaan Brother International (CBI) na binubuo ng mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU).

Maging ang mga bumubuo ng The Communique, ang opisyal na pahayag ng BulSU College of Aerts and Letters ay nag-ipon din ng mga donasyon ay inihaatid sa kapitolyo.

Samantala, inihayag ng SM City Supermall na na nag-iipon din sila ng mga donasyon para ihatid sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa opisyal na pahayag sinabi ng SM Supermalls na mag-iiponsila ng calamity fund na umaabot sa P100-M.

Ang nasabig pondo ay inihahanda para sa pagpapatayo ng bahay, paaralan, mga community center, simbahan at parasa pagkain ng mga biktima.

“We just opened the Operation Tulong Express here at SM City Marilao,” ani Gladiz May Lariza ng SM City Marilao.

Iginiit pa niya na may Operationtulong center din silang binuksan sa iba pang mga sangay partikular na sa Baliwag.  (Dino Balabo)

Tuesday, November 19, 2013

‘Botika’ confab pangungunahan ni Alvarado




GUIGUINTO, Bulacan— Nakatakdang pangunahan ni Gob. Wilhelmino Alvarado ng Bulacan ang kauna- unahang kumperensiya ng mga namamahala sa mga botika sa Gitnang Luzon na isasagawa sa bayang ito sa Biyernes.

Ito ay ang 1st Central Luzon Business Conference na may temang “The Road to Compliance” na isasagawa sa St. Agatha Resort and Country Club sa Brgy. Sta. Rita ng bayang ito sa Nobyembre 22 at 23 sa pangunguna ng Drugstore Association of the Philippines (DSAP) Bulacan Chapter.

Ayon kay Jomar Quiroga, may ari ng MedicAsia Drugstore sa bayan ng Balagtas at tagapangulo ng kumperensiya, si Alvarado ang magsisilbing pangunahing tapagsalita sa nasabing kumperensiya.

“We just confirmed the governor will serve as our keynote speaker,” sabi ni Quiroga. Ipinaliwanag niya na layunin ng kumperensiya na mapag-isa ang mga namamahala sa mga botika sa Gitnang Luzon upang maisulong ang nagkakaisang tinig ng mga namamahala sa mga botika at mapataas ang antas ng serbisyo.

Ayon kay Quiroga, kabilang sa mga usapi tatalakayin ay ang mga bagong patakarang nais ipatupad ng Food and Drug Administration (FDA). “May mga batas na ipinatutupad ang FDA, pero hindi nakokonsulta ang mga drug store owners,” sabi ni Quiroga.

Iginiit pa niya na ang kumperensiya ay isa ring pagkakataon para sa pagpapalawak ng kaalaman sa pamamahala sa botika. Sinabi niya na hindi simple ang pagtatayo isang botika. Kabilang sa mga pangunahing kailangan ay ang pagkakaroon ng lisensyadong pharmacist sa bawat botika.

Inayunan din ito nina Beng Sandoval, Corazon Cataniag at Joy Argao, na pawang may sariling botika.


Ikinuwento nila na may mga tindahang nagbebenta ng gamot na hindi dapat basta ibenta. Ayon kina Sandoval at Cataniag, kung tutuusin, kahit mga gamot na walang reseta ay hindi pwedeng ibenta sa mga pangkaraniwang tindahan.

Ipinaliwanag naman ni Argao na lubhang kailangan ang isang lisensiyadong pharmacist sa pagbebenta ng gamot dahil may mga pagkakataon na ito ang nagbibigay ng payo sa bumibili ng gamot. Iginiit pa ni Argao na mahalaga ang paglahok sa kumperensiya dahil sa mga benepisyong hatid nito.

Kabilang dito ay ang pagsasagawa ng mga kasunod na pagsasanay hindi lamang para sa mga lisensiyadong pharmacist, kungdi para na rin sa mga pharmacy assistant.

Ang nasabing kumperensiya ay itinataguyod ng RiteMed,Unilab, Pharex, Procter and Gamble, DKT Philippines Inc., J. Chemie Laboratories,Inc., at PLDT Nation. Dino Balabo

Saturday, November 16, 2013

TULONG BULAKENYO: Medical team, mga donasyon ipapadala ng Bulacan sa Visayas





MALOLOS—Isang medical team na binubuo ng 54 katao, at mga donasyong pagkain at pera ang ipapadala ng Bulacan sa Samar at Leyte matapos itong masalanta ng bagyong Yolanda.

Kaugnay nito, sinimula ng kapitolyo ng mag-ipon ng mga donasyon noong Martes, Nobyembre 12, samantalang ang ibat-ibang samahan sa lalawigan katulad ng mga simbahan at paaralan ay nagsipag-ipon ng mga donasyon.

Sa pahayag ni Gob. Wilhelmino Alvarado noong Huwebes, Nobyembre 14, ang medical team ay bubuuin ng 24 na doktor at 24 narses mula sa 21 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan.

Bukod dito, anim na espesyalistang duktor mula sa Bulacan Medical Center (BMC) ang pasasamahin sa medical team.

Ayon pa kay Alvarado, ang mga naipong donasyon ng kapitolyo ay isasabay na rin sa biyahe ng medical team, na makikisabay sa unang grupo ng Philippine Medical Association (PMA) na magtutungo sa Leyte at Visayas.

Sila ay sasakay sa isang barko na pag-aari ng isang kasapi ng PMA.

“Mas mabuting maisabay na rin natin ang mga donasyon sa barko para hindi na ibayad sa pamasahe,” sabi ni Alvarado.

Nilinaw pa niya na mga bayan sa tabing dagat sa Leyte at Samar ang tutunguhin ng medical team.

Ito ay dahil sa marami pang mga bayan ang lungsod sa mga dulong bahagi ng dalawang lalawigan ang hindi pa nararating ng mga medical team at relief groups.

Iginiit pa ng gobernador na ang barkong sasakyan ng medical team ay magsisilbi ring tulugan ng mga ito sa gabi, dahil halos walang hotel na matitigilan sa dalawang lalawigan.

Ang medical team ay mananatili sa Samar at Leyte sa loob ng isa hangang dalawang linggo.

Ito ay bilang bahagi ng pagtulong ng Bulacan sa mga nasalanta ng bagyo.

Kaugnay nito, nilinaw din ng Radyo Bulacan sa nasabing panayam kung magkano ang idodonasyong halaga ng kapitolyo sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Ngunit tinugon ito ni Alvarado na, “hindi na ninyo dapat alamin kung magkano ang ibibigay ng kapitolyo sa pagkakataong ito.”

Ang pahayag na ito inilathala sa Mabuhay Newspaper Bulacan fan page sa Facebook at umani ng maraming pagbatikos.

Ilan sa mahigit 7,600 na Bulakenyong nakabasa ang nasabing mensahe ay nagsabi na dapat lang ihayag ng gobernador ang halagang idodonasyon sa mga nasalanta ng bagyo.

Marami ang nagpahayag na ang pondong idodonasyon o gugugulin ng kapitolyo sa mga biktima ng bagyong Yolanda ay hindi pera ni Alvarado, sa halip ay pera ng taumbayan.

May mga nagsabi rin na upang mabawi ang nauubos na tiwala ng taumbayan sa mga pulitiko, dapat at maging malinaw at tapat ang gobernador sa guguguling pera sa pagtulong sa biktima ng bagyo.

Matatandaan na sa nagdang mga taon, nagbigay ng donasyon ang kapitolyo sa mga Lungsod ng Cagayan De Oro at Iligan noong Disyembre 2011 matapos itong masalanta ng bagyong Sendong.

Batay sa tala ng pamahalang lungsod ng Cagayan de Oro, umabo sa P2-M ang halagang ipinagkaloob ng kapitolyo ng Bulacan.

Ito ay nakumpirma ng mabuhay noong Enero 2012 matapos mapasama sa mga mamamahayag na nagsagawang pagbisita sa nasabing lungsod isang buwan matapos ang biglang pagbaha.
 
Noong nakaraang taon, nag-ipon din ng donasyong pagkain at mga kagamitan ng kapitolyo at ipinadala sa mga nasalanta ng bagyong Pablo sa Mindanao.

Bilang pakikiramay noong nakaraang taon, kinansela ni Alvqarado ang magagarbong Christmas party sa kapitolyo at ang natipid na pondo ay ipinadala sa mga biktima ng bagyong Pablo.  Dino Balabo

Pinoys abroad nanguna sa relief fund drive para sa biktima ng bagyo



Photo by Rommel Rutor of dyMS Aksyon Radio-Catbalogan.



HAGONOY—Nasa malayo man sila, hindi pa nakalilimot sa bansa partikular na mga nasalnat ng bagyong Yolanda, at nanguna sa pag-iipon ng pondo na ipangtutulong.

Sila ay ang mga Pilipinong nagsisipagtrabaho o nakatira sa ibayong dagat,na nagsagawa ng magkakahiwalay na relief fund drive, na nais namang tapatan ng mga kumpanyang kanilang pinaglilikuran.

Kaugnay nito, inulat ng Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) NG United Nations noong Huwebes, Nobyembre 14 na umabot na sa 4,460 ang nasabi sa bagyong Yolanda, ngunit ayon sa pahayag ng Makalanyang kinabukasan ay nasa 2,500 pa lamang ang bilang ng mga biktimang nasawi. 

“Nakalulungkot angnagyari sa Visayas,” sabi ni Roderick Dela Cruz, isang lead dam safety engineer ng Souther California Edison (SCE) na nagmula sa bayang ito.

Si Dela Cruz ay nakapanayam ng Mabuhay sa pamamagitan ng Facebook chat noong Biyernes, Nobyembre 15 ng umaga.

Sa kabila ng pahayag na ito, sinabi niya na agad na kumilos ang mga Pilipino sa Estados Unidos upang magsipag-ipon ng pondong ipapahatid sa mga nasalanta ng bagyo.

Ito ay hindi naman nalingid sa ibat-ibang kumpanya, katulad ng  SCE na nangakong papantayan ang maiipong pondo ng mga Pilipino.

Ang pagtugon ng SCE ay inilathala pa nila sa kanilang website kung saan ay inilahad na “to assist the people in the Philippines, SCE’s parent company Edison International will be kicking off a Typhoon Haiyan Disaster Relief Campaign on Nov. 15 in which the company will match each employee-donated dollar up to $25,000. The campaign will go through Feb. 28, 2014. There will also be a Facebook campaign through Nov. 21 for the community where Edison International will match “likes” up to $5,000.”


“Contributions from employees and customers will be donated to Doctors Without Borders, Gawad Kalinga USA and American National Red Cross, nonprofits equipped to help with the immediate needs of those devastated by the typhoon including providing food, water, shelter and medical care.”

Binanggit din sa artikulo ang pahayag ni Janet Clayton, ang senior vice president of Corporate Communications for Edison International and SCE na nagsabing,  “we have a strong Filipino presence in our employee base who may have family and friends impacted by Typhoon Haiyan. It is in times like these that we are reminded that natural disasters can occur anytime and so we need to be prepared.”

Sa nasabi ring artikulo ay inilathala ang pahayag ni Dela Cruz na isa sa mga kinausap ng pamunuan ng SCE upang maarok ang kalagayan ng pinsala sa bansa.

Ayon sa pahayag ni Dela Cruz, nakakadurog ng puso ang pinsalang iniwan ng bagyong Yolanda na may international name na Haiyan.

Sa kabila naman ng kalungkutan ni Dela Cruz nagpahayag din siya ng pasasalamat dahil hindi masyadong naapketuhan ang kanyang pamilya sa bayang ito.

Bilanmg isang senior engineer ng SCE na sa apat na nagdaang taon ay nagpapabalik-balik sa bansa upangtulungan ang gobyerno sa pagbuo ng national dam safety program sinabi ni Dela Cruz sa pahayag sa website ng SCE na  “the magnitude of [the typhoon], it’s really surprising “I was not expecting it — it’s mind-blowing.”

Isa pang kawaning Pilipino ng SCE na nabanggit din sa artikulo ay si Antonio Manimbo, isang telecommunications engineer.

Sa kanayang pahayag, sinabi ni Manimbo na nanonood siya sa isang Filipino news channeling makita niya ang mga imahe ng pinsala ng bagyong Yolanda.

Dahil dito agad niyang tinawagan ang kaniyang pamilya sa bansa at natiyakna ligtas ang mga ito.

Ngunit ilan sa mga kasama ni Manimbo sa FilBarkada, isang grupo ng mga kawaning  Filipino-American ng SCE ang hindi pa rin nakokontakang mga kaanak sa Pilipinas.

Samantala, inulat ng OCHA na umabot sa 900,000 Pilipino ang “displaced” sanhi ng bagyo, at 11.8-Milyon naman ang apektado.

Hinggil sa bilang ng nasawi, iniulat ng OCHA na umabot na sa 4,460 ang namatay batay sa mga ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ngunit batay sa pahayag ng Malakanyang noong Biyernes, iginiit na nasa 2,500 pa lamang ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Dino Balabo