Pages

Saturday, June 14, 2014

2 gusali ng ICSM naabo, higit sa P20-M ang pinsala




MALOLOS— Tinupok ng apoy sa loob lamang ng halos tatlong oras noong Biyernes ang dalawang gusali ng Immaculate Conception School of Malolos (ICSM) na sa loob ng mahigit 70 taon ay nagsilbing bantayog sa paghubog sa mga kabataan sa lungsod na ito.

Tinatayang aabot naman sa mahigit P20-M ang halaga ng pinsala ng sunog na umabot ng anim na oras bago tuluyang naapula, samantlang isang rumespondeng bumbero ang nasugatan sa sunog na umabot ng ikatlong alarma.

Kaugnay nito, tiniyak ng pamunuan ng ICSM na magbabalik sa klase ang may 1,600 mag-aaral nito sa loob ng dalawang linggo makaraang magpalabas ng pahayag ilang oras matapos ang sunog.

Nag-alok naman ng mga pasilidad ang pamahalaang lungsod ng Malolos para pansamantalang magamit ng  ng mga mag-aaral, ngunit mas pinili ng pamunuan ng paaralan ang pasilidad ng Simbahan ng Barasoain na kanilang isasaayos sa susunod na isang linggo.

Himala namang nakaligtas sa sunog ang katabing Basilica Minore na noong 1899 ay ipinasunog ni dating Heneral Antonio Luna habang tumatakas ang mga rebolusyunaryo mula sa paparating na puwersa ng mga Amerikano.


Ang Basilica Minore na dating kilala bilang Katedral ng Malolos,ang sentro ng pamunuan ng Diyosesis ng Malolos sa Bulacan at Lungsod ng Valenzuela.

Ang sunog sa ICSM ay nagsimula bandang alas-3 ng madaling araw noong Biyernes,Hunyo 13.  Ang apoy nito ay nakontrol sa ganap na alas-5:09 ng umaga at tuluyang naapula sa ganap na alas-9:14 ng umaga.

Ayon sa security guard ng City of Malolos Water District (CMWD) na nakilalang si Abdul Hassan, nagsimula ang sunog ng magliyab ang kawad ng kuryente sa poste sa labas ng bakod ng paaralan.

Ito ay agad na gumapang sa dalawang gusali at sa loob lamang ng ilang oras ay natupok ito.

Kinatigan ni Monsignor Pablo Legazpi, rector ng ICSM ang pahayag ni Hassan ng kanyang sabihing mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa malakas ang hangi at yari sa kahoy ang dalawang gusali.

Ikinuwento niya na ang dalawang gusali ay itinayo noong 1937.


Hinggil sapinamulan ng sunog, sinabi ni Legazpi na tuwing gabi ay ibinababa nila ang breaker ng kuryente sa mga gusali upang walang dumaloy na kuryente.

Ito raw ay bahagi ng kanilangpag-iingat sa dalawang matandang gusali na yari sa kahoy na nasunog.

Nilinaw pa ni Legazpi na kapapalit lamang nila ng mga kawad ng kuryenteng nakainstalasyon sa gusali, bukod pa sa magkakahiwaly ang linya para sa ilaw, bentilador at mga airconditioners upang matiyak na hindi iyon mag-o-overload.

Sa kanyang pagtaya, aabot sa mahigit P20-M ang halaga ng ari-ariang nasunog kasama ang limang sasakyang ginagamit para sa pagsundo at paghahatid sa mga mag-aaral.

Batay naman sa pahayag ng Bureau or Fire Protection (BFP) walang tao sa loob ng paaralan ng maganap ang sunog, ngunit isang rumespondeng bumbero ang nasugatan sa pag-apula sa apoy.

Siya ay nakilalang si FO1 Edward Sullivan ng BFP-Malolos.

Kinatigan din ng BFP-Malolos ang mabilis na pagkalat ng apoy, kaya’t sa umpisa pa lang ng sunog ay itinaas na nila sa ikatlong alarma ang pagtawag ng saklolo sa mga kapwa bumbero.

Sa kasalukuyan patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.  Dino Balabo

Monday, June 9, 2014

Di tapos na kalsada’t tulay sumalubong sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase


Calumpit bridge



CALUMPIT, Bulacan—Handang-handa ang mga paaralang pampubliko sa lalawigan sa pagbubukas ng klase noong Lunes, Hunyo 2, ngunit ang sumalubong sa kanila ay mga di pa natatapos na kinukumpuning tulay at mga lansangan.

Kaugnay nito, pinalalahanan Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kontraktor ng mga pagawaing bayan sa lalawigan na madaliin ang mga proyekto upang hindi makaabala at di abutan ng tag-ulan.

Ikinagalak naman ni Gob. Wilhelmino Alvarado ang maayos at payapang pagbubukas ng klase sa buong lalawigan kung saan ay daan libong mag-aaral ang nagbalik eskwela.

Ipinagmalaki ng punong lalawigan ang paghahanda sa 457 paaralang elementarya  at 87 paaralang sekundarya sa lalawigan na noong nakaaarang linggo ay nilinis at kinumpuni kaugnay ng pagsasagawa ng taunang Brigada Eskwela.

Bukod dito, ipinagmalaki rin ng punong lalawigan na sapat ang mga silid aralan salalawigan dahil sa halos 2,000 silid aralan na naitayo sa nagdaaang dalawang taon.

Ang konstruksyon sa mga  nasabing silid aralan ay pinondohan ng kapitolyo at ng Department of Education (DepEd).

Hinggil sa kapayapaan at kaayuna, naging maagap dinang kapitolyo sapag-uutos sakapulisan upang magtalaga ng mga pulis sa mga istratehikong lugar upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan.

Ngunit ang sa kabila ng mga paghahandang ito, ang naiwasan ng maraming mag-aaral partikular na sa sekundarya ay ang trapiko sa mga piling lansangan sa lalawigan sanhi ng mga di pa natatapos konstruksyon at rehabilitasyon ng mga lansangan at mga tulay.

Kabilang dito ang tulay sa bayang ito na noong huling linggo ng Mayo ay bumagsak; at ang tulay sa bayan ng Balagtas na sa kahabaan din ng MacArthur Highway.

Ang tuilay sa Balagtas ay nadadaanan ng mga sasakyan tulad ng mga bus at public utility jeepney.

Ngunit ang tulay sa bayang ito ay hindi dahil kasalukuyan pa itong kinukumpuni, bukod pa sa pagbagsak ng gitnang bahagi nito noong Mayo 25.

Dahil sa sarado pa ang tulay sa bayang ito,ang mga tao ay nagsisitawid sa pinatatag na hanging bridge na katabi nito.

Ang mga motorsiklo naman ay isinasakay sa mga bangka at itinatawid sa ibayo ng Ilog Angat.
 
Malis Elementary School sa Guiguinto. Larawang kuha ni Anjeline Domingo
Ito ay dahil sa hindi pa natatapos ang idinadagdag na tig-isang metro espasyo sa magkabilang gilid ng hanging bridge.

Ayon sa DPWH, kapag natapos ang nasabing dagdag na espasyo, makakatawid na rin ang mga mottorsiklo sa nasabing hanging bridge.

Hinggil naman sa konstruksyon at mga rehabilitasyon ng mga lansangan, hindi pa rin natatapos ang lansangan sa bahagi ng bayang ito, maging sa Hagonoy, Paombong at Lungsod ng Malolos.

Mahaba pa rin ang kalsadang kinukumpuni sa kahabaan ng MacArthur Highway sa bahagi ng mga bayan ng Bocaue, Marilao, at Lungsod ng Meycauayan.

Ayon sa ilang magulang,kailngang gumising ang kanilang mga anak ng maaga upang makatiyakna makakarating sa oras sa paaralan.

Ito ay upang makaiwas din sa mabagal na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.

Bukod rito, iginiit ng ilan na dapat ng ipakumpuni ang hanging bridgena nag-uugnay sa Barangay Iba, Hagonoy at Barangay Iba Este sa bayang ito.

Maging ang hanging bridge sa Sitio Parong-parong sa Barangay San Agustin sa bayan ng Hagonoy ay ipinanawagang maipakumpuni agad.

Nagpasalamat naman ang mga guro at mag-aaral sa Barangay Abulalas sa Hagonoy dahil nakumpuni na ang hanging bridge sa kanilang lugar.  (Dino Balabo)

Diwa at konsepto ng kalayaan ng bansa, nagmula kay Plaridel





MALOLOS—Kailan at kanino nagsimula ang mga katagang “malaya” at “kalayaan” sa Pilipinas?

Ito ang pangunahing katanungan inilahad ni King Cortez, isang mananaliksik kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng ika-116 guning taon ng pagdiriwang ng kalayaan ng bansa sa Hunyo 12.

Kaugnay nito, inaasahang pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdiriwang sa ng Araw ng Kalayaan sa Bicol, samantalang si Metropolitan Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang inaasahang magsisilbing panauhing pandangal sa makasaysayang simbahan ng Barasoain.

Makakasama ni Tolentino si Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) Director General Joel Villanueva na napabilang sa listahang may 100 kongresistang nasasangkot sa pork barrel scam.

Batay sa pananaliksik ni Cortez, ang mga Tagalog na katagang “malaya” at “kalayaan” ay nagmula sa dakilang Bulakenyong bayani na si Gat Marcelo H. Del Pilar na siya ring panglalawigang bayani ng Bulacan.

Ang 35-anyos na si Cortez ay nagtapos ng kursong BA Communication sa Universidad De Manila at kasalukuyang nagtuturo din sa nasabing pamantasan.

Siya ay nagtrabaho bilang isang security guard sa Macau, naging bahagi ng mga samahang nagboboluntaryo saibat-ibang bansa at napasama sa komite sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio noong nakaraang taon.

Sa kanyang pagtuturo sa UdM, naging kontrobersyal si Cortez dahil sa ang kanyang karaniwang bihis ay uniporme ng isang security guard.

“Pag nagtuturo po akoay nagugulat ang mga estudyante at kapwa guro dahil nakasuot security guard ako,” aniya.

Kabilang sa kaniyang itinuturo ay ang kasaysayan kung saan at tampok ang mga bunga ng kanyang pananaliksik.

Kabilang dito ay ang pinagmulan ng mga salitang “malaya” at “kalayaan.”

Sa esklusibong panayam ng Mabuhay kay Cortez, nilinaw niya na unang nalathala sa pahayagang Diaryong Tagalog ang mga nasabing kataga.

Ang Diaryong Tagalog ay inilathala ni Del Pilar sa Maynila noong 1882.

Ayon pa kay Cortez, ang paglalathala ng mga salitang “malaya” at “kalayaan” ay nakapaloob sa artikulong “Amor Patrio” na isinalin ni Del Pilar sa Tagalog—Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.

“Before na ma-publish sa Dirayong Tagalog ni Del Pilang ang mga salitang “malaya” at “kalayaan”, di alam ng mga Pilipino, maging ng mga personalidad  tulad ni Rizal ang salitang iyon.  Si Del Pilar ang nagpa-uso ng “malaya” at “kalayaan” at sa kanya nagsimulaang konsepto nito.”ani Cortez.

Bilang patunay na hindi alam ni Rizal ang mga nasabing salita, ipinakita ni Cortez ang sipi ng liham ng bayani sa kanyang kapatid na si Paciano na kanyang sinulat sa Leipzig, Alemanya noong Oktubre 12, 1886.

Narito ang nailalaman ng liham ni Rizal kay Paciano, “Kuya, ipinadadala ko sa iyo ang aking salin ng William Tell ni Friedrich Schiller sa Tagalog. Kayo na ng ating mga bayaw ang magwasto nito. Marami akong salitang di na alam dahil wala akong makausap ng Tagalog dito. Kulang ang aking mga salita, halimbawa para sa salitang "freiheit" o "liberty" (sa Ingles). Hindi ko magamit ang salitang "kaligtasan" dahil nangangahulugan ito na napiit siya, o naging esclavo kaya. Natuklasan ko sa salin ng "Amor Patrio" (nalathala sa Diariong Tagalog noong 1882) ang salitang "malaya, kalayaan" na ginamit ni Marcelo del Pilar. Sa kaisa-isang aklat na dala-dala ko-- ang Florante -- wala akong nakitang katulad na salita.”

Bilang patunay na lingid sa mga Pilipino angmga salitang “malaya” at “kalayaan,” binanggit din ni Cortez ang mga naunang sipi ng mga diksyunaryong Pilipino-Espanyol.

Kabilang dito ang diksyunaryong nilimbag ni Tomas Pinpin noong 1610, at nina Buenaventura noong 1613, at Noceda noong 1860.

“Walang salitang kalayaan sa mga diksyunaryong unang nilimbag nina Pinpin, Buenaventura at Noceda,” ani Cortez.

Iginiit niya nab ago ilathalat ni Del Pilar ang Dirayong Tagalog, ang salitang “freedom” sa Ingles ay hindi nangangahulugan ng “kalayaan” sa tagalog.

Ang katumbas ng salitang Ingles na “freedom”  sa salitang Kastila “libertad”, at ang salitang Ingles na “free” ay “libre” sa salitang Kastila.

Muli, bago ilathala ni Del Pilar ang Diaryong Tagalog, ang salitang Kastilang “Libertad” ay isinalin sa tagalog ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Buenaventura bilang “Camaharlicaan,” “Libre,” “Timaua,” at “Maharlica.”

Ang salitang Kastilang “Libertar” at isinalin sa Tagalog ng Vocabulario de Lengua Tagala ni Noceda bilang “Timaua,” at  “mahadlica” o timawa at maharlika.  (Dino Balabo)