Pages
▼
Thursday, August 21, 2014
Thursday, August 7, 2014
Libo-libong trabaho lilikhain ng P10-B puhunang ibubuhos ng mga Koreano sa Bulacan
PANDI,
Bulacan—Inaasahang lilikha ng libo-libong trabaho ang P10-Bilyong investment na
ibubuhos ng mga Koreanong negosyante sa Bulacan sa mga susunod na buwan.
Ito
ay kaugnay ng pakikipag-ugnayan ni Mayor Enrico Roque ng bayang ito sa mga
negosyanteng Koreano kamakailan.
Ang
nasabing investment ay bukod pa sa naunang halos P20-B o mahigit sa
$440-Milyong puhunang ginamit ng Korea Water Resources Corporation (K-Water)
upang mapagwagian ang bidding para sa pagsasapribado ng Angat River Hydro
Electric Power Plant (Arhepp) sa Norzagaray, Bulacan noong nakaraang taon.
Bilang
pangulo ng Liga ng mga Alkalde sa Bulacan, sinabi ni Roque hindi bababa sa
P10-B ang halagang mga puhunang ibubuhos ng mga Koreano sa mga itatayong
negosyo sa ibat-ibang bayan ng lalawigan.
Ayon
kay Roque nakatakdang simulan sa lalong madaling panahon ang pagtatayo ng mga
naglalakihang negosyo sa Bulacan partikular na sa mga bayang walang kapasidad o
kulang sa pondong pinansyal upang makapagpatayo ng sentro ng komersyo gaya ng
mga pamilihang bayan.
Kabilang
sa mga negosyong nakatakdang ipatayo ng mga negosyantent Koreano ay mga
commercial complex at supermarkets kagaya ng Savemore, Puregold, drugstores tulad
ng Mercury Drug, mga bigtime na foodchains gaya ng Jollibee at McDonalds, mga ang
mga pribadong pamilihan para sa mga bayang wala pang pamilihang bayan.
Bukod
dito ay plano rin magtayo sa may 15 ektaryang lupain sa Bulacan ng mga Koreano ng kauna unahang Outlet Store
sa bansa kung saan makikita rito ang aabot sa 400 na kilalang imported brands
mula sa ibat ibang bansa gaya ng Prada, Coach, Ferragamo, at Tods.
“Tiyak
na mag-ge-generate ito ng libo-libong job opportunities sa ating mga
kalalawigan,” ani Roque.
Binigyang
diin niya na isa sa nakitang bentahe ng mga Koreano sa Bulacan ay ang
istratehikong lokasyon nito sa pagitan ng dalawang international airport—ang
Ninoy Aquino International Airport NAIA) sa kalakhang Maynila at ang Clark
International Airport (CIA) sa Lungsod ng Angeles sa Pampanga.
Ayon
pa kay Roque, bukod samga dagdag na negosyong itatayo ng iba pang negosyangte,
tiyak din dadayuhin ng mga turista ang Bulacan dahil sa patuloy na pag-unlad
nito.
“Nagiging
magnet na ng investments at dumadagsa na sa Bulacan ang mga foreign at local
investors dahil sa patuloy na pagyabong nito na bunga ng magandang pamamahala
ng ating mga leaders sa pangunguna ni Gov. Willy Alvarado,” sabi ni Roque.
Kaugnay
nito, ipinahayag ni Gob. Alvarado ang pagpapahayag ng interes ng mga kasapi ng
Filipino American Chamber of Commerce sa Bulacan.
Ito
ay matapos na bumisita sa lalawigan ang mga negosyanteng Fil-Am ilang araw
matapos pasinayaan ang Ciudad de Victoria ng Iglesia ni Cristo sa bayan ng
Bocaue kung saan ay matatagpuan din ang Philippine Arena, ang pinakamalaking
mixed-used indoor arena sa buong mundo.
Ayon
kay Alvarado, ang mga pagbisita at pagkakaroon ng interes ng mga negosyante na
magnegosyo sa Bulacan ay isang palatandaan ang pag-imbulog ng ekonomiya ng
lalawigan.
Una
rito, kinatigan ng Korte Suprema ang pagwawagi ng K-Water sa bidding ng
pagsasapribado ng Arhepp noong nakaraang taon.
Ang
K-Water ay nagwagi dahil sa bid na mahigit $440-M para sa Arhepp, ang power
generating facility ng Angat Dam na kasalukuyang nasa pamamahala ng National
Power Corporation (Napocor).
Batay
sa tala, mahigit tatlo taon na ang nakalipas matapos manalo sa bidding ang
K-Water ngunit ito ay naantala matapos harangin ng mga petisyon sa Korte
Suprema.
Noong
nakaraang taon, kinatigan ng Korte Suprema ang K-Water matapos itong
maki-pagsosyo sa grupo ni Ramon Ang ng San Migue Corporation.
Sa
kasalukuyan ay hininihintay na lamang ang pormal na pagsasalin ng pamamahala sa
Arhepp mula sa Napocor patungo sa K-Water. (Dino Balabo)