Pages

Wednesday, January 4, 2012

2011 TOP STORIES: #9. Kabataan, Edukasyon at Palakasan

Jessie Khing Lacuna

Bulacan after capturing the overall championship in the 2011 CLRAA.




Nagningning ang mga kabataang Bulakenyo sa ibat-ibat larangan sa taong 2011.
 Kabilang sa kanila ang mga mag-aaral ng Bulacan State University na nakaimbento ng dengue detecting device (3-D) na nagwagi ng unang karangalan sa ika-pitong Smart Wireless Engineering Education Program (SWEEP) ang Smart Communications.

Ang bumubuo ng 3-D Team ay sina Donn Angelo Teodoro, Ronald Capule, Reymond Gabayoyo, Fatima Suerte Felipe, Melody Ann Leonardo, at Laurence Louie Lugue.
Isang ordinaryong estudyante ang paglalarawan ni Bryan Yulo Dela Cruz sa kanyang sarili.

Tinanghal namang topnotcher sa Civil Engineering Board Examinations  si Bryan Yulo Dela Cruz ng Bocaue.  Siya ay nagtapos san g kolehiyo sa University of the Philippines  sa Los Banos Laguna.

Naging kinatawan naman ng Pilipinas sa World Chess Championship sa Brazil noong Nobyembre si Dennis Gutierrez III, isang walong taong gulang na mag—aaral ng Probex School sa Malolos.

Si Dennis III ay kasapi ng 36-kataong koponan ng bansa na lumahok sa 12th Southeast Asian Age Group Chess Championships na isinagawa sa Tarakan, East Kalimantan Indonesia noong Hunyo 12.

Hindi naman nagpaiwan ang  ang Robotics Team ng Dr. Yanga’s Colleges Incorporated  (DYCI) na nakabase sa bayan ng Bocaue ng masungkit ang ika-apat na karangalan sa World Robot Olympiad na isinagawa sa Abu Dhabi noong Nobyembre.

Ang bumubuo ng DYCI Primes ay sina Alexandra Mae Guevara, Claire Receli ReƱosa, at Chelsea Andrea Morales na pwang mag-aaral ng DYCI High School.

Naging mabunga rin ang paglahok ng 17-taong gulang na manglalangoy na si Jessie Khing Lacuna sa sa ika-26 na South East Asian Games na isinagawa sa lungsod ng Palembang sa Indonesia noong  Nobyembre.

Nasungkit ni Lacuna ang isang medlayang pilak at dalawang medlayang tanso.

Bukod dito, muling tinanghal na pangkalahatang kampiyon sa ika-16 na sunod na beses ang Bulacan sa CLRAA noong Pebrero na isinagawa sa Malolos.

Ito ay sa kabila na ang mga manlalarong Bulakenyo ay nahati sa tatlong schools division.  Ito aya ng Bulacan provincial schools divisions at ang city schools division mula sa Malolos at San Jose Del Monte.

No comments:

Post a Comment