Pages

Monday, January 2, 2012

Palparan tiniyak na di bibigyan ng pabor



MALOLOS—Hindi bibigyan ng pabor ng korte si retired Major General Jovito Palparan hanggat hindi siya sumusuko.

Ito ang pahayag ni Abogado Edre Olalia noong Lunes ng umaga matapos ang kauna-unahang pagdinig sa kasong kidnapping at serious illegal detention na laban kay Palparan at mga aksuadong sina Lt. Felipe Anotado, M/Sgt. Rizal Hilario at S/Sgt. Edgardo Osorio.

Kaugnay nito, hiniling sa korte nina Erlinda Cadapan at Concepcion Empeno na ibaloik sa Bulacan Provincial Jail sina Anotado at Osorio na sumuko noong Disyembre 21 ngunit inilipat sa Fort Bonifacio noong Dosyembre 23.

Sina Erlinda at Concepcion ay ina nina Serlyn Cadapan at Karen Empeno, ang dalawang mag-aaral ng University of the Philippines na dinukot ng mga armadong kalalkihan noong gabi ng Hunyo 26, 2006 sa Brgy.. San Miguel sa bayan ng Hagonoy.

Bilang abogado nina Cadapan at Empeno, sinabi ni Olalia sa mga mamamhayag matapos ang unang pagdinig sa kaso ang naging pahayag ni Judge Teodora Gonzales ng RTC Branch 14.

“Sabi ni Judge Gonzales na categorically, Palparan cannot expect relief from the courts,” ani Olalia.

Ito ay dahil daw sa hindi pa sumusuko o nagpapakita sa korte si Palparan matapos sampahan ng kaso noong Disyembre.

Ayon pa kay Olalia, nasa hurisdiksyon na ng korte ang kaso, nguniut ang katauhan nina Palparan at Hilario ay wala pa sa hurisdiksyon nito.

Hinggil naman sa paglilipat kina Anotado at Osorio sa Fort Bonifacio, sinabi ni Olalia na naging biglaan iyon at hindi naipabatid sa kanila ng korte

“It was done ex parte, we were not informed about the transfer,” ani Olalia
.
Sinabi naman ni Abogado Narzal Mallari na kumakatawan sa mga akusado, na nanganganib ang buhay ng kanyang kliyente sa Bulacan provincial jail kaya’t inilipat.

Para naman sa mga ina nina Cadapan at Empeno, dapat ibalik sa Bulacan Provincial Jail sina Anotado at Osorio.

Ito ay upang matiyak na hindi bibigyan ang mga ito ng special treatment. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment