Pages

Wednesday, February 8, 2012

Di ako susuko, ani Palparan



MALOLOS—Hindi ako susuko, hindi ako pugante, at inosente ako!

Ito ang may paniniyak na pahayag na retiradong heneral Jovito Palparan na ipinalabas ng isa kanyang mga abogado na si Jesus Santos noong Lunes, Pebrero 6.

Ayon kay Santos, ang isang pahinang pahayag ay hiniling ni Palparan na ipamahagi niya sa mga mamamahayag upang mapakinggan ang kanyang panig, partikular na ng Human Rights Watch at ng administrasyong Aquino.

Sa nasabi ring pahayag, nilinaw ni Palparan na hindi pa siya lumalabas sa bansa, ngunit tiniyak niya na hindi susuko sa kabila ng hamon ng mga militante sa kanya.

 “I am just around, but I will try my best not to surrender,” ani Palapran.

Sinabi ng retirading heneral na binasagang “Berdugo” ng mga militanteng grupo na isa sa dahilan kung bakit hindi siya susuko ay dahil sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya na hindi naaayon sa batas.

“I will not allow myself to be a victim of this farce. My name is clean, and I have served our great AFP with all my mind, soul and body,” aniya.

Binigyang diin pa niya na “I am not a fugitive” at ipinaliwanag na ang warrant of arrest na ipinalabas laban sa kanya ay iligal dahil iyon daw ay bunga lamang ng di tamang paunang imbestigasyon

Ayon sa pahayag ng heneral, isang malinaw na paglabag sa proseso batas ang isinampang kaso laban sa kanya, sapagkat ang walong kasong isinampa sa kanya sa Department of Justice ay ibinasura na.

Sinabi niya na nais lamang siyang idiin ng administrasyong Aquino.

“The government clearly intends to pin me down because when the case reached the Department of Justice, an entirely new charge of kidnapping and serious illegal detention was recommended and with undue haste was immediately filed in court,” ani Palparan.

Idinagdag pa niya na, “what I’m pleading for is for my side to be heard in a preliminary investigation to show that I am an innocent of the charges imputed on me.”

Kaugnay nito, sinabi nina Fr. Rolly De Leon, tagapagasalita ng Alyansa para sa Karapatang Pantao-Bulacan (ALMMA-Bulacan) na dapat ay mauklong ang heneral dahil sa paglabag sa karapatang pantao.

Gayundin ang naging pahayag ni Oscar Empenio, ama ni Karen Empenio, isa sa dalawang mag-aaral ng University of the Philippines na dinukot sa bayan ng Hagonoy noong Hunyo 26, 2006.

No comments:

Post a Comment