Pages

Wednesday, March 14, 2012

PROMDI: Generally peaceful


 Ang titulo ng pitak na ito sa linggong ito ay ang pahayag ni Police Senior Superintendent Fernando Mendez, ang direktor ng pulisya sa Bulacan.

Sabi niya sa mga dumalo sa isinagawang Provincial Peace and Order Council (PPOC) meeting noong Marso 7, “generally peaceful and Bulacan.’
***
Ang pahayag ni Mendez ay nakakatulad ng karaniwang pahayag ng mga pulis kapaga natapoas ang malalaking selebrasyon, tulad ng Semana Santa, Todos Los Santos, Pasko at Bagong Taon.

Hindi ba’t kapag natapos ang mga nasabing pagdiriwang, inilalalarawan ito ng mga opisyal ng pulis sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga katagang “generally peaceful?”
***
Ang pahayag ni Mendez ay kaugnay ng sunod-sunod na insidente ng krimenalidad sa lalawigan ng Bulacan mula Enero hanggang Pebrero.

Ang mga nasabing insidente ay naghatid ng pangamba, di lamang sa mgga Bulakenyo, kungdi maging kay Gob. Wilhelmino Alvarado.
***
Bakit?  Aba, di ba’t isinusulong ni Alvarado ang mabuting pamamahala, na ayon sa kanyan ay magbubunga ng kaayusan at kapayapaan, na magbubunga naman pagpasok ng mga negosyante sa Bulacan na maghahatid ng dagdag na trabaho.

Ibig sabihin, sabihin, pag maraming insidente ng kriminalidad, namamayagpag ang mga kriminal.  Dahil dito, walang dagdag na trabaho.
***
Bakit?  Walang madadagdag na oportunidad sa trabaho sa mga Bulakenyo, dahil hindi magkakalakas ng loob ang mga negosyante na mamuhunan sa Bulacan kung di mapigil ang mga krimkinal na posibleng umagaw ngkanilang puhunan at ari-arian.

Sa madaling salita, taliwas sa pangarap ni Alvarado at bawat Bulakenyo ang pamamayagpag ng mga kriminal sa Bulacan. Nagpapahiwatig ito na hindi mabuti ang pamamahala sa lalawigan.
***
Sa kabila ng kalagayang ito, iginiit ni Mendez na higit na bumaba ang bilang ng krimen sa lalawigan sa taong 2011 kumpara noong 2010.

Higit din daw bumaba ang bilang ng krimen sa unang dalawang buwan ng 2012 kumpara sa katulad na panahon noong 2011.
***
Sa bawat  pag-uulat ng pulisya, sa Bulacan man o hindi, palagi nilang sinasabi na bumababa ang bilang ng krimen sa kanialng nasasakupan.

Sa pagkakatanda ng Promdi, taon-taon ay ganyan ang ulat ng pulisya sa Bulacan mula sa pa sa panahon ni dating Gob. Josie Dela Cruz.
***
Ang tanong, bakit marami pa rin ang naitatalang insidente ng krimen sa Bulacan sa kabila ng ulat ng pulisya na bumaba ang bilang ng mga ito sa bawat taon?

Dahil ba sa hindi nahuhuli ang mga kriminal? At nagpapahinga lamang, pagkatapos ay muling gagawa ng krimen?
***
Narito ang ulat ni Mendez: Bumaba sa 14,155 ang bilang ng krimen na naitala noong 2011, kumpara sa 20,202 noong 2010.

Malaki anga ang ibinaba, halo0s 6,000 ang nabawas.
***
Sa kabila nito, lumalabas na 14,155 pamilya pa rin ang biktima ng krimen sa lalawigan ng Bulacan.  Kung isasama ang pamilya ng suspek, aabot sa 28,310 pamilya ang apektado ng krimen sa Bulacan sa 2011.

Kung ang bawat pamilya ay binubuo ng apat na kasapi, lalabas na umaabot sa 113,240 katao ang apektado ng krimen sa Bulacan.
***
Bakit pamilya?  Ito ay dahil kapag ang isang kasapi ng isang pamilya ang nabiktima o nasangkot sa krimen, buong pamilya ay apektado.

Kung nabaril at nasugatan, buong pamilya nagpapagamot.  Kung namatay, buong pamilya nagpapalibing at nagdadalamhati.  Kung nadakip ng pulis ang suspek, buong pamilya rin ang lumalakad at naghahanap ng abogado at iba pang tulong.
***
Ibig sabihin, sa bawat krimen, tiyak na dalawang pamilya agad ang apektado ay hindi magkaroon ng kapayapaan. 

Kung 28,310 ang pamilyang biktima at sangkot sa krimen, ito ay nangangahulugan na 113,240 katao ang nawalan ng kapayapaan sa Bulacan.
***
Iyan ba ang ibig sabihin ang “generally peaceful?” Tandaan natin na ang bayan ng Obando ay halos 60,000 lamang ang populasyon, at ang Donya Remedios Trinidad (DRT) ay may 18,000 lang ang populasyon.

Ibig sabihin, halos dalawang bayang kasing laki ng Obando ang walang kapayapaan; at halos anim na bayan na ang populasyon ay kasing laki ng DRT ang walang kapayapaan.
***
Kung 14,155 ang krimeng naitala sa Bulacan noong 2011, ibig sabihin halos doble nito ang bilang ng salarin kaya’t umaabot sa 28,310 ang kriminal sa Bulacan. Kadalasan kasi isa hanggang tatlo ang suspek sa krimen.

Ang isang barangay ay karaniwang may populasyong 5,000.  Ibig sabihin, halos anim na barangay sa lalawigan ang bilang ng kriminal sa Bulacan.
***
Nakakapangamba yan.  Di ba’t nung namamayagpag ang Dominguez Group na binubuo lamang ng ilang kasapi ay halos buong Gitnang Luzon ang nangamba?

Mas higit na nakakapangamba yung 28,310 bilang kriminal na hindi nahuhuli, di ba?  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment