Pages

Thursday, March 1, 2012

Triplets isinilang sa BMC noong Pebrero 29

LUNGSOD NG MALOLOS – Triplets na Leap Year pa.

Ito ang pambihirang kapalaran ng mag-asawang Philip at Analyn Santos ng bulubunduking bayan Donya Remedios Trinidad sa Bulacan.

Si Analyn ay nagluwal ng tatlong sunod-sunod na sanggol sa loob lamang ang tatlong minuto sa Bulacan Medical Center (BMC) noong Miyerkoles, Pebero 29.  Ito ay sa pamamagitan ng caesarian operation.





Unang iniluwal ni Analyn ang panganay sa triplets dakong 12:38 ng tanghali, nasundan naman ng 12:39 at ang huli ay 12:40.

Dalawang lalaki at isang babae ang triplets, at  pinangalanang Simon, Sakira at Shiennie.

Ayon sa mga opisyal ng BMC, normal naman ang mga sanggol.

Tuwang-tuwa ang mag-asawa ngunit aminado silang mahirap ang mag-alaga at magpalaki ng tatlong sabay-sabay, dahil sa pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay.

Sa kabila ng kasiyahang ito kailangan ng gamot ng mga bata.

Batay pagsusuri ng mga duktor, nagpositibo sa Hepatitis B ang ina ng triplets kayat posibleng mahawa ang triplets.

Dahil dito kailangan mabakunahan agad ang mga sanggol.

No comments:

Post a Comment