Pages

Tuesday, April 3, 2012

Mayor ng Hagonoy 'lalahok' sa pagtatanghal senakulo



Inaasahang lalahok ang alkalde ng bayan ng Hagonoy sa taunang patatanghal ng senakulo na magsisimula sa Miyerkoles Santo ng gabi.

Ayon kay Herminio Florentino, isa sa mga opisyal ng Samahang Matiyaga Senakulista ng San Sebastian (SMSSS) sa bayan ng Hagonoy, nagpahayag ng bukas nga pagsuporta sa kanilang taunang pagtatanghal si Mayor Angel Cruz.

Sinabi ni Florentino na bukod sa suportang pinansyal, nagpahayag din ng interes ang alklade na maging bahagi ng taunang pagtatanghal.

Ngunit batay sa huling impormasyon, hhindi nakalahok sa pag-eensayo ng mga senakulista ang alkalde, kaya’t binigyan ito ng isang maikling papel sa pagsisimula ng pagtatanghal.

Ang unang pagtatanghal ng SMSSS ay isasagawa sa Miyerkoles Santo ng gabi sa patio ng kapilya ng San Sebastian sa Hagonoy.

Ito ay magsisimula sa ganap na ika-7 ng gabi.

Ito ang ika-91 sunod na taong pagtatanghal ng senakulo sa nasabing bayan.

Ito ay karaniwang isinasagawa tuwing gabi ng semana santa mula Lunes Santo hanggang Biyernes Santo.

Ngunit sa mga nagdaalgn may limang taon, ito ay isinagsagawa tuwing gabi ng Miyerkoles Santo hanggang Biyernes Santo.




No comments:

Post a Comment