Pages

Wednesday, June 6, 2012

Mga natatanging abogado pararangalan ng IBP-Bulacan


Abogado Jun Samonte (kaliwa) at mhga korona impeachment trial.  (Larawang kuha ni Deneese Cortez)

 MALOLOS—Pangungunahan ng bagong mahistrado ng Korte Suprema at isang kasapi ng prosekusyon na naglitis kay Punong Mahistrado Renato Corona ang mga abogadong pararangaloan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Bulacan Chapter.

Ito ay isasagawa sa Hiyas ng Bulacan Pavillion ngayong Hunyo 7 ng gabi.

Bukod sa dalawa, pararangalan din IBP-Bulacan ang Bulakenyong abogado na itinalaga sa Court of Appeals, at ang mga bagong abogado kabilang ang nanguna sa bar examination noong nakaraang taon na ang resulta ay inilabas nito Pebrero.

Ayon kay Abogado Ted Villanueva, pangulo ng IBP-Bulacan, ang parangal ay isang pagkilala sa mga natatanging kasapi ng IBP.

Ito ay naglalayon din na maipakita sa mga kasapi ang posibleng maging modelo sa larangan ng pagiging manananggol.

Abogado Ted Villanueva sa tanggapan ng IBP-Bulacan. (kuha ni Paul Malililin)
“This will coincide with the reception for our new members and it is a good opportunity to introduce to them members that can be their models,” ani Villanueva.

Kabilang sa mga pararangalan ay si Associate Justice Estela Bernabe ng Korte Suprema na nagmula sa paglilingkod sa Makati RTC.

Si Bernabe ay nagmula sa bayan ng Plaridel, at kapatid ni Abogado Zoilo Perlas, ang Regional Election Director ng Commission on Elections (Comelec) sa Gitnang Luzon.

Ayon kay Villanueva, maging si Abogado Renato Samonte, ang dating pangulo ng IBP-Bulacan ay bibigyan din ng parangal.

Si Samonte ay kabilang sa mga abogadong naglitis kay Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Sa nasabing paglilitis, si Samonte ang nagsagawa ng cross examination kay Lito Atienza, ang dating alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Ang iba pang bibigyan ng pagkilala ay sina dating Executive Judge Renato Francisco, at ang papalit sa kana na si Executive Judge Maria Teresa Mendoza-Arcega.

Si Francisco at itinalaga na sa Court of Appeals (CA).

Bibigyan din ng pagkilala ang nagretirong si Abogado Gerry Geronimo na nagsilboing panglalawigang taga-usig o fiscal; at ang mga bagong huwes sa RTC na sina Liza Marie Tecson, Cita Jose-Clemente, at Victoria Ruiz.

Para sa paglilingkod pampamayanan, bibigyang pagkilala si Abogado Jesus Ricardo Degala na isang konsehal ng Lungsod ng Malolos.

Ang mga pamilya naman na may kasaping tatlong abogado ay bibigyan din ng pagkilala, maging ang mga kasapi ng IBP-Bulacan sa loob ng mahigit 30 taon.  Kabilang dito si dating Gob. Tomas Martin na nagtapos ng abogasya sa Ateneo De Manila University.

Ang mga bagong abogado namang bibigyan ng pagkilala ay sina Raul Atadero at Sherwin Tugna.

Si Atadero na nagmula sa Lungsod ng Meycauayan ay tinanghal na bar topnotcher matapos ilabas ang resulta ng eksaminasyon noong Pebero; samantalang si Tugna ay kinatawan ng Citizens’ Battle Against Corruption (Cibac) Party-list.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment