Ang mga larawan sa special feature na ito ay pawang kuha sa Sto. Cristo Catholic Cemetery sa Baliwag, at kuha ni Dino Balabo. |
BALIWAG,
Bulacan—Kinatatakutan ng marami ang mga lumang sementeryo kaya’t umiiwas na
magpagabi doon lalo na kung nag-iisa.
Kapag Undas o Araw ng mga Santo at mga Kaluluwa na ginugunita tuwing una at ikalawang
araw ng Nobyembre, animo’y parke o piyesta sa mga sementeryo dahil sa dami ng
mga tao na dumadalaw sa puntod ng yumaong mahal sa buhay.
Ayon
sa mga dalubhasa, ang mga nasabing araw ay dalawa lamang sa pinakamahahalagang
araw sa buhay ng pamilyang Pilipino dahil iyon ang mga araw na nagsililbing
daan upang sila’y muling magkita-kita.
“Reunion”
ang wikang karaniwang ginagamit ng mga dalubhasa sa paglalarawan ng pagtitipon;
at ang lugar ng nasabing okasyon ay sementeryo na itinuturing ding “ikalawang
tahanan”, ayon kay Jaime Corpuz ng Heritage Conservation Society (HCS) Bulacan.
Ang
pananaw na ikalawang tahanan ang sementeryo ay higit na nagkakulay ng di
sinasadyang makita ng Mabuhay ang mga musoleo sa loob ng Sto. Cristo Catholic
Cemetery sa bayang ito.
Karaniwan
sa mga musoleo sa nasabing sementeryo ay kongkreto at ibat-iba ang anyo.
May
anyong bahay na may dalawa hanggang tatlong palapag, may parang kapilya o maliit
na simbahan at may krus pa sa tuktok, mayroon din parang waiting shed.
Ang
ibang puntod naman ay may mga pigura ng ibat-ibang iskultura, bukod sa ibat-iba
ang kanilang mga kulay.
Bilang
pangulo ng HCS-Bulacan, sinabi ni Corpuz sa Mabuhay na dapat pangalagaan ang
mga pampublikong sementryo sa lalawigan,
maging ang mga pag-aari ng simbahan.
Ito
ay dahil sa bukod sa itinuturing na ikalawang tahanan ang mga sementeryo, ito
rin ay himlayan ng mga dakilang mamamayan na naging bahagi ng kasaysayan, at
ang mga disenyo ng musoleo at mga iskultura doon ay kayamanang pagkalinangan.
“Those
are historical and cultural time pieces na dapat ingatan at alagaan,” ani
Corpuz.
Iginiit
pa niya na ang mga sementeryo ay tahanan ng mahahalagang koleksyong
pangkasaysayan na naghahatid ng kaalaman sa nakaraang panahon.
“Hindi
lang nakikita ng ating mga lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng mga
sementeryo,” ani Corpus at idinagdag na ang mga ito ay maaaring magsilbing
destinasyon ng mga turista.
Ipinayo
pa niya na dapat bumuo ng mga programa pang turismo at pangkalinangan ang mga
pamahalaang lokal tulad ng “Lakbay-Kaluluwa” kung saan ay bahagi ay bahagi ng
pag-aaral sa koleksyong pangkalinangan sa mga sementeryo.
Inihalimbawa
niya ang Sto. Cristo Catholic Cemetery kung saan nakahimplay ang puntod ng
bayaning si mariano Ponce, at ang sementero sa Meycauayan kung saan
matatagapuan angmga punto ng mga Obispo ng simbahang katoliko.
Inayunan
din ito ni Isagani Giron ng Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan na nagsabing ang
pinakamatandang sementeryo sa lalawigan ay ang Malolos Catholic Cemetery kung
saan nakalibing ang ilan sa mga kasapi ng 20 kababaihan ng Malolos na nagsulong
na pagtatayo ng paaralan sa mga kababaihan noong panahon ng Kastila.
“Dapat
pagtulungan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), City
government ng Malolos at simbahang katoliko ang pagsasaayos ng mga libingan
tulad ng Malolos Catholic Cemetery,” ani Giron.
Ipinaliwanag
din ni Giron na ang pagtatayo ng sementeryo at paglilibing doon ng mga pumanaw
ay nagmula sa kaugaliang Europeo, partikular na ng mga Kastila.
Ayon
kay Giron, ang kaugalian ng mga katutubong Pilkipino maging ang mga Tsinong
unang nanirahan sa bansa ay kakaiba sa kaugalian ng mga Kastila.
Ito
ay dahil ang mga katutubong Pilipino ay mga unang Tsino ay sa gilid ng ilog
naglilibing ng kanilang mahal sa buhay.
Para
naman kay Father Ruel Arcega, ang pag-alala at pagdalaw sa mga yumao ay isang
pagkilala ng mga Pilipino sa katuruan ng simbahan hinggil sa muling pagkabuhay.
“Ito
ay pagkilala natin sa muling pagkabuhay, at sa huling araw ng paghuhukom, ang
muling pagsasama ng kaluluwa at katawan katulad ng ipinakita ni Panginoong
Hesus at Birheng Maria,” ani Arcega.
Hinggil
naman sa naglalakihan at mga engrandeng musoleo, sinabi ng pari na ito ay isang
palatandaan ng agwat ng mayaman at mahirap.
“Sa
pangkulturang pananaw, ipinakikita ng iba ang agwat ng mahirap at mayaman dito
sa lupa, pero sa Diyos, lahat ay pantay-pantay,” ani Arcega.
Inayunan
din ni Corpuz ang pananaw na ito dahil mapapansin sa mga sementeryo ang
kalagayan ng mga puntod ng pamilyang may kaya at pamilyang mahihirap.
Ang
mga mahihirap ay maliliit at walang disenyo ng punto, at kung minsan ay sa mga
puntod na “apartment-type” inihihimlay ang mahal sa buhay na pumanaw.
Batay
naman sa pahayag ng isang sepulturero sa bayan ng Hagonoy, ang mga nakalibing
sa puntod na apartment type ay karaniwang tumatagal ng limang taon.
“Nasa
limang taon ang kontrata diya, pero pag hindi pa gagamitin yung nitso, pwede
pang ma-extend,” ani ng sepulturero sa Sta. Ana Catholic Cemetery sa
Hagonoy (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment