Pages

Tuesday, November 6, 2012

Almera planong iuurong ang kandidatura bilang gobernador


 MALOLOS—Iuurong na ni Jaime Almera ang kanyang kandidatura bilang gobernador ng Bulacan.

Ito ang pahayag na ipinalabas ni Almera sa kanyang Facebook account noong Sabado ng umaga, Oktubre 27.

Ang pahayag ni Almera ay kanyang inilabas isan glinggo matapos magsimula ang imbestigasyon ng Commission on Elections(Comelec) sa mga apparent nuisance candidates o mga kandidatong panggulo sa halalan sa lalawigan.

“Iwi-withdraw ko na yung aking COC filed for governor of Bulacan, this coming week,” ani Almera sa kanyang pahayag na inilabas noong Oktubre
27.

Iginiit pa niya na pinal ang kanyang desisyon, ngunit hindi niya inilahad ang dahilan kung bakit niya iuurong ang kanyang kandidatura.

Gayunpaman, humingi si Almera ng paumanhin sa kanyang mga kaibigan.

“Pasensiya na sa nasabihan ko.  Bahala na sila muna.  Thanks and God bless to all,” ani ng indipendienteng kandidato bilang gobernador.

Kung matutuloy ang pag-urong ni Almera ng kanyang kandidatura, ito na ang ikalawa niyang pag-urong.

Batay sa tala ng Comelec, si Almera ay unang nagsumite ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang kandidatong gobernador ng Bulacan noong 2004.

Ngunit ito ay binawi ng kanyang ama, na ayon kay Almera ay mayroong pag-ayon niya.

Matatandaaan na noong Oktubre 20 ay sinimulan ng Comelec Bulacan ang pag-iimbistiga sa kakayahan na makapagsagawa ng malawakang kampanya ng anim na indipendienteng kandidato sa panglalawigang posisyon.

Kabilang sa anim na indipendiente ay sina Almera at Ernesto Balite na kapwa residente ng Malolos at nagsumite ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagkagobernador.

Ayon kay Abogado Elmo Duque, ang provincial election supervisor ng Bulacan, ang pag-iimbistiga nila ay naglalayong matiyak na may kakayahan ang mga kandidato.

Bahagi rin ito ng kanilang paglilinis sa talaan ng kandidato upang hind imaging katawa-tawa ang halalan sa Mayo 2013.

 Sa nalalapit namang pag-urong ni Almera, tanging sina Gob. Alvarado ng National Unity Party (NUP) ay indipendienteng si Balite ang malalabi na kandidatong  gobernandor sa Bulacan.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Alvarado sa kanyang lingguhang programa sa Radyo Bulacan noong Sabado ng umaga ang pakinabang ng kawalan ng malakas na katunggali sa halalan.

Sinabi niya na higit niyang matututukan ang pamamahala sa lalawigan at pagapapatupad ng ibat-ibang programa.

Ayon sa gobernador, karaniwang naiipit ang pamamahala sa panahon ng halalan at nababawasan ng political will ang mga kandidato.

Ito ay dahil umiiwas ang mga kandidatong pulitiko na madismaya ang mga botante.

“Pag halalan, puro suyuan iyan para hindi magtampo ang mga botante,” ani ng gobernador.

Iginiit pa niya na“biniyayaan tayo ngayon dahil halos ay walang kalaban kaya matututukan ang mga problema ng lalawigan.”

Kabilang sa mga programa nais niyang tutukan at ipagpatuloy ay ang pangangalaga sa kalikasan.

Dahil dito inatasan niya si Eugenio Payongayong, ang bagong hepe ngBulacan Environement and Natural Resources Office (Benro)tugisin ang mga pabrikang nagsasanhi ng polusyon sa kailugan ng Bulacan.

Bukod rito, iniatas din niya ang pagsasagawa ng malawakang pagtatanim ng punong bilang bahagi ng Greening Program, at pagpapatupa dng batas sa pagsisinop ng basura at batas sa pangangalaga ng tubig at hangin.

“Our efforts in rehabilitating the Marilao-Meycauayan rivers will be useless kung walang parallel implementation of the law,” ani Alvarado.

No comments:

Post a Comment