Pages

Thursday, February 14, 2013

Bulakenyo nagkaisa sa pagsuporta kay Bro. Eddie


 
MALOLOS—Suportado ng mga lider pampulitika sa Bulacan ang kandidatura sa Senado ni Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas sa kabila magkakaiba ang kanilang kinasasanibang partido.

Kaugnay nito, inilunsad ng Villanueva ang kanyang kandidatura sa lungsod na ito noong Martes, Pebrero 12.  Ito ang ikatlong sunod na paglulunsad ni Villanueva ng kanyang kandidatura sa lungsod na ito.

“Walang ibang higit na kakalinga sa ating lalawigan kungdi ang ating kalalawigan din,” sabi ni Gob. Wilhelmino Alvarado sa kanyang talumpating pang-endorso kay Villanueva na kilala bilang isang televangelist.

Bilang tagapangulo ng National Unity Party (NUP) sa lalawigan, sinabi ng punong lalawigan na ang Bulacan ay nahaharap sa mas mabilis na kaunlaran at kailangan nito ang lahat ng tulong.

Ayon sa gobernador, kakailanganin ng Bulacanng isang kaalyado sa Senado at si Villanueva ang isa sa mga mangungunang tutulong kung mananalo.

Gayundin ang mga naging pahayag nina dating Gobernador Roberto Padanganan  at Joselito Mendozana siyang tagapangulo ng Liberal Party sa lalawigan at kasalukuyang kinatawan sa ikatlong distrito.

Maging si dating Gob. Josefina Dela Cruz ay nagpahayag ng suporta sa pamamagitan ng maikling video message na ipinapanood sa mga dumalo sa paglulunsad ng kampanya ni Villanueva.

Si Dela Cruz ay kasalukuyang naglilingkod bilang Post Master General ng Philippine Postal Corporation (Philpost).

Ang mga nabanggit na lider, kasama ang mahigit sa 90-taong gulang na si dating Gob. Tomas Martin ng Nacionalista Party at dating Gob. Ignacio Santiago ay naunang nagpahayaga ng kanilang suporta sa pamamagitan ng paglagda sa isang manipesto.

Ang nasabing manipesto ay nilagdaan din ng mahigit 100 pang lider pampulitika sa lalawigan na nabibilang rin sa ibat-ibang partido.

Nagpasalamat si Villanueva sa pagbibigay ng suporta ng mga Bulakenyong lider.

Sinabi niya na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaisa ang mga lider sa lalawigan upang isulong ang kandidatura ng isang kalalawigan.

“I am so grateful for their support despite the fact that they came from different political persuasions.  They stand ten feet tall in solidarity to support my attempt to capture a Senate seat.  The future of Bulacan is beyond politics,”  ani Villanueva.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng televangelist ang kanyang program kinabibilangan  ng tatlong “E”.

Ito ay ang ekonomiyang agresibot’ walang napag-iiwanan; Edukasyon na napapanahon; Entrepinoy na masang Pilipino ang nangunguna at nakikinabang.”

Ayon kay Villanueva ang nabanggit na plataporma ay kailangan upang higit na mabigyan ng kahulugan ang pagunlad ng ekonomiya ng bansa na ayon sa kanyan ay dahil sa programang tuwid na landas ni Pangulong Aquino.

“Mabilis ang pagunlad ngayon ng bansa, pero hindi tumatagos sa mga masa. Kailangang maramdaman ng masa ang kaunlarang pang-ekonomiya,” sabi ni Villanueva.

Bilang tagapagtatag ng  Jesus Is Lord Movement (JILM), binigyang diin ni Villaneuva ang kahalagahan ng moral leadership.

 “We need moral leadership.  The bedrock of good economics is good politics,” aniya. 

Si Villanueva nagtapos ng Bachelors of Science in Commerce major in Economics sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Bilang isang lider ng mga mag-aaral, siya ay ng pinakamatagal na nagsilbing kasapi ng PUP Board of Regents. Nagsilbi rin siyang propesor ng Economics sa PUP.

Bilang isang negosyante noong dekada 70, siya ay nagsilbing export manager ng maran Export Industries, at nagtatag ng Agape Trading company kung saan siya ay nanungkulan bilang general manager.

Sa larangan ng pananampalataya, nasubok ang katatagan ni Villanueva ng laban niya ang isang sindikato ng sa kaso ng land grabbing na kinabibilangan ng isang hukom, isang piskal, at apat na abogado na pawang nakulong.

Kasunod nito ang pagtatayo ni Villanueva ng Jesus is Lord Movement (JILM) na may 4,000 simbahan sa buong bansa, at Jesus Is Lord Colleges Foundation.

Noong 2004 at 2010, kumandidato si Villanueva bilang Pangulo, ngunit natalo.

Ang paglulunsad ng kanyang kampanya para sa halalan noong 2004 ay isinagawa sa Bulacan State university; at noong 2009 ay sa bakuran ng makasaysayang simbahan ng Barasoain bilang paghahanda sa halalan noong 2010.

Si Villanueva ay anak ng Olympian na si Joaquin Villanueva na kasal kay Maria Cruz, isang beautician na kapwa nagmula sa Bocaue.

Siya ay kasal kay Adoracion Villanueva  at sila ay biniyayaan ng apat na supling.
Ito ay sina  Eduardo Jr., Joel, Eleanor, at Edelisha.

Si Eduardo Jr., ay kasalukuyang alkalde ng bayan ng Bocaue samantalang si Joel ay nanunuparan bilang Director General ng Technical Education Skills Development Authority (Tesda).     Dino Balabo

No comments:

Post a Comment