Pages

Wednesday, March 27, 2013

HANGING BRIDGE: P5-M gugugulin sa malawakang pagkukumpuning hinihintay


 

CALUMPIT, Bulacan—Limang milyong piso na ang inihanda ng administrasyong Aquino para sa pagpapakumpuni ng hanging bridge na nag-uugnay sa mga barangay ng bayang ito at ng bayan ng Hagonoy.

Ngunit sa kabila na matagal nang naihanda ang nasabing piondo ay hindi pa rin ito na nailalabas upang magugol sa pagpapakumpuni ng nasabing hanging bridge na muling nasira noong Marso 3.

Ayon kay Gob. Wilhelmino Alvarado, ang nasabing pondo ay mula sa pondo ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Ito ay nakakatulad ng pondo na ipagkakaloob din sana ng Malakanyang sa isa pang gobernador para sa pagpapakumpuni rin ng tulay.

Ngunit hindi rin nailabas ang nasabiong pondo dahil sa nagkaroon ng kalaban sa halalan sa Mayo ang nasabing punong lalawigan.

“Maghintay na lang tayo ng ilang panahon, marerelease na yung pondo para sa Iba hanging bridge.”ani Alvarado.

Ngunit sa pananaw ng ibang Bulakenyo,hindi na kailangan ang pondo mula sa NDRRMC upang maisagawa ang malawakang pagpapakumpuni sa Iba hanging bridge.

Ito ay dahil sa ang pondo ng pamahalaang panglalawigan para sa kalamidad ay umaabot sa mahigit P100-M bawat taon.

Ang calamity fund ng bawat pamahalaang lokal ay limang porsyento ng kabuuang pondo sa isang taon.

Batay sa impormasyong naipon ng Mabuhay,umaabot sa halos P3-Bilyon ang pondo ng kapitolyo sa taong 2012.


Batay sa mas naunang pahayag, sinabi ni Kapitan Celerino Fajardo ng Iba, Hagonoy na ang nasabing hanging bridge ay sinimulang itayo noong 1997.

Sa pananalasa ng malalim napagbahang hatid ng Bagyong Pedring noong 2011,nasira at pumalipit ang hanging bridge matapos bumalandra sa ilalim nito ang maraming waterlily na tinangay ng agos.

Noong Enero ay sinimulan ng kapitolyoang inisyal na pagpapakumpuni sa hanging bridge, ngunit nito Marso 3 at nasira ang pamakuan o girder nito sa gitna.

Dahil dito, nagsagawa ng pansamantalang pagkukumpuniang pamahalaang barangay ng Iba, Hagonoy.

Ngunit binigyang diin ni Fajardo na kailangan pa rin ang malawakang pagpapakumpuni.

Maternal mortality rate nais pababain sa pamamagitan ng LBK





CALUMPIT, Bulacan—Nananatiling mataas ang bilang ng mga nanay na namamatay sa panganganak sa bansa kaya’t doble kayod ngayon ang gobyerno upang mapababa iyo at makatupad sa pamanatayang itinakda sa Millenium Development Goals (MDG).

Isa sa mga tugon ng Department of Health ay ang pagsasagawa ng Health on Wheels Program na tinaguriang  Lakbay Buhay Kalusugan (LBK) caravan.

Layunin nito na mapataas ang antas ng kaalaman ng mga magulang hinggil sa kalusugan partikular na sa mga buntis upang higit na mapapaba ang bilang ng namamatay na ina sa pangangank sa bansa.

Ang LBK na sinimulan noong 2011 ay itinataguyod ng DOH sa pakikipagtulungan ng mga lokal napamahalaan.

Ito ay nakalibot na sa 18 probinsya sa bansa kung saan ay tampok ang Health Bus o ang bus na inayos at ginagamit na mobile health clinic.

Ang pinakahuling dinayo ng LBK caravan at ng health bus ay ang Northville 9 resettlement housing area sa Barangay Iba Oeste, sa bayang ito noong  Marso 21 kung saanay mahigit 2,000 Bulakenyo partikular na ang mga nanay at mga bata ang dumalo.

Ayon kay Anthony Roda, division chief ng national center for health promotion ng DOH, layunin din ng LBK caravan ang promosyon at pagtuturo ng mga simple at praktikal na pamamaraan para sa pangangalaga ng kalusugan partikular na ng mga nanay.

“Our main purpose is to teach them basic health care like handwashing and  encourage them to follow health lifestyle after attending lectures and viewing exhibits,” ani Roda ay iginiit na ang health bus ay isang palamuti o instrumentolamang upang higit na maengganya angmga taumbayan na lumahok.

Tinukoy niya na ang pangunahing target ng LBK caravan ay mga buntis at kapapanganak lamang na na nanay.


Ito ay upang higit na mapababa ang bilang ng mga namamatay na nanay sa panganganak.

Batay sa tala ng DOH, sinabi ni Roda na umaabot sa 162 nanay sa bansa ang namamatay sa bawat 1,000 sanggol na isinisilang.

Nagpahayag siya ng pag-asa namaibaba nila ang nasabing bilang sa 52 swa bawat 1,000 sanggol na isisilang sa 2015.

Ang 2015 ang huling taon ng pagtu[pad ng bansa sa MDG.

“We are hoping to equip mothers and help them in hygiene and family planning as well,” ani Roda.

Ipinagmalaki naman kay Dr. Joy Gomez, ang  provincial public health officer of Bulacan,  ang pagtukoy ng lalawiga sa mga istratehikong lugar sa Bulacan upang pagtayuan ng mga borthing station o klinikang panganakan.

Ayon kay Gomez mailaki ang maitutulomng sa pagkakamit ng layunin ng MGD objectives ng mga pasilidad tulad ng klinikang panganakan.

Ito ay dahil sa mas malaki ang pagkakataon na maagapan ang anumang trahedya kung malalapatan agad ng lunas ang nanay sa klinika.

Batay naman sa tala ng pamahalaang panglalawigan umaabot sa 12 nanay ang nasawi sa panganganak sa lalawigan noong 2012.

Ngunit ayon kay Gomez, ang bilangnaito ay higit na mas mababa sa naitalang bilang ng mga nanay sa lalawigan sa nagdaang limang taon.

“There are 12,330 live births in Bulacan last year, and 12 of them died,” ani Gomez. (Dino Balabo)

Saturday, March 23, 2013

Mag-asawang Alvarado kapwa unopposed sa halalan sa Mayo


 
MALOLOS—Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) noong Biyernes, Marso 22 na diniskwalipika ng Comelec En Banc ang katunggali ni Kinatawan  Marivic Alvarado sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Bulacan.

Ito ay nangangahulugan na katulad ng kanyang asawa na si Gob. Wilhelmino Alvarado,opisyal na ring walang kalaban si Kint. Marivic.

Ayon kay Abogado Elmo Duque,  ang provincial election supervisor  sa Bulacan, naglabas ng isang resolution an gang Comelec En Banc noong Pebrero 19 kung saan ay diniskwalipika si Sahiron Dulah Salim, isang retiradong opisyal ng pulisya.

Si Salim ay nagsumite ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) noong Oktubre bilang indipendienteng kandidato sa pagka-kongresista ng unang Distrito kung saan ay ang kanyang katunggali ay si Kint Marivic.

Ngunit matapos lamang ang ilang araw, nagsumite ng petisyon sa Comelec si Kint. Marivic na humihiling na madiskwalipika ang retiradong pulis.

Salim
Batay sa pagsusuri ng Conelec En Banc, sinabi ni Duque na si Salim ay idineklara bilang isang nuisance candidate.

Ito ay dahil sa pagkandidato ni Salim sa ibat-ibang posisyon sa ibat-ibang lugar mula noong 2009.

Batay sa tala ng Comelec, si Salim ay nagsumite ng kanyang CoC bilang gobernador ng lalawigan ng Jolo sa Sulu para sa halalan noong 2010.

Sa nasabing halalan ay natalo si Salim matapos makaipon ng pinakamababang bilang ng boto sa hanay ng mga kandidatong  gobernandor.

Ayon pa kay Duque nagsumite rin si Salim ng CoC noong samantaloang pina-uusapan pa pagsasagawa ng halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) noong 2010.

“Halos taon-taon at nagpa-file siya ng candidacy sa ibat-ibang lugar,” ani Duque at sinabing ang ang pinakahuli ay sa Bulacan nitong Oktubre.

Ayon sa abogado, ang pagpag-file ni Salim ng kandidatura sa ibat-ibang lugar para sa ibat-ibang posisyon ay nangangahulugan na hindi ito seryosong kandidato.

Kaugnay nito, sinabi ni Duque na kahit nadiskwalipika naq si Salim ay mababasa pa rin sa balota ang kanyang pangalan sa pagsasagawa ng halalan.


Ito ay dahil sa ang pagpapalimbag ng mga balota ay nasimulan noong Pebrero 4 at ang pagdidiskwalipika kay Salim ay naganap noon lamang Pebrero 19.

Ang pagkadiskwalipika kay Salim ay nangangahulugan na ang mag-asawang Alvarado ay opisyal ng kapwa walang katunggali sa halalan sa Mayo.

Matatandaan na noong Enero ay diniskwalipika rin ng Comelec ang mga indipendienteng kandidatong gobernador sa lalawigan na sina Jaime Almera at Ernesto Balite.

Ang dalawa ay idineklara din ng Conelec bilang mga nuisance candidates.

Ang pagkadiskwalipika sa mga katunggali ng magp-asawang Alvarado ay nangangahulugan din na sila ang kauna-unahang mag-asawa na kandidato sa panglalawigang halal na posisyon sa lalawiganna kapwa walang katunggali sa parehoing halalan.

Sa mga nagdaang halalan, halos wala namang kalaban sa kanilang magkahiwalay na pagkandidato sina dating Gob. Roberto Pagdanganan at dating  Gob. Josie Dela Cruz.

Ito ay dahil sa sinasabing mahina ang kanilang mga nakatunggali kaya’t ang kanilang laban ay tinawag na “virtually unopposed.” Dino Balabo

Friday, March 22, 2013

Anak ni Ka Blas na si Raul Ople, pumanaw


 
HAGONOY, Bulacan—Ikinalungkot ng mga Bulakenyo ang pagpanaw ni dating Bulacan Senior Board Member Raul Ople noong Huwebes ng hapon, Marso 21.

Si Raul na ikatlong anak na lalaki ni dating Senador Blas F. Ople ng bayang ito ay pumanaw sanhi ng sakit na lymphoma, isang uri ng kanser. Siya ay 59- anyos.

Ang kanyang labi ay nakaburol sa Chapel C ng Christ the King Church sa Lungsod ng Quezon.

Naulila ng dating Board Member ang kanyang maybahay na si Dolores San Juan-Ople, mga anak na sina Marc, Carlo, Danielle, at Faith; mga apo na sina Scarlet at John Gabriel; at mga kapatid na sina Luis, Blas Jr., Dalisay Ople-San Jose, Felix, Dionisio at Susan.

Si Luis ay nakabase at nagtatrabaho sa Geneva Switzerland, si Dalisay ay isang abogada, si Felix ay kasalukuyang Board member ng Unang Distrito, samantalang si Susan ang namumuno sa Blas Ople Policy Center na kumakalinga sa mga Overseas Filipino Workers.

Sa pahayag, sinabi ni Susan na pumanaw ang kanyang kuya Raul bandang alas 4:30 ng hapon noong Marso 21 sa Lung Center of the Philippines.

Sinabi niya na nakapaligid ang mga kasapi ng pamilya sa oras ng pagpanaw ng dating Board Member.

Kaugnay nito, nagpahayag ng kalungkutan angmga Bulakenyo sa pagpanaw ng batang Ople.

Ang kanilang mensahe ng pakikiramay ay karaniwang ipinabatid sa pamamagitan ng social networking site na Facebook.com.

Matatandaan na noong 1995 ay nahalal si Raul bilang Board Member ng unang Distrito ng Bulacan at nanungkulan hanggang 1998.

Bago tuluyang matapos ang kanyang termino nanungkulan siya bilang Bise Gobernadorkung saan ay humalili siya kay dating Bise Gob.Josie Dela Cruz na humalili naman kay dating Gob.Roberto Pagdanganan.

Noong 1998, kumandidato si Raul bilang gobernador ngunit tinalo siya ni Josie Dela Cruz na nahalal bilang gobernador at naglingkod hanggang 2007.

Muling nagtangka sa pulitika si Raul noong 2001 kung kailan ay kumandidato siyang kongresita ng unang distrito at isinulong at pagtatayo ng eco-zone sa Bulacan upang makalikha ng mas maraming trabaho.

Ngunit hindi siya pinalad at tinalo siya ng nooy Kint. Wilhelmino Alvarado na ngayon at Gobernador ng Bulacan. Dino Balabo