Pages

Wednesday, March 27, 2013

Maternal mortality rate nais pababain sa pamamagitan ng LBK





CALUMPIT, Bulacan—Nananatiling mataas ang bilang ng mga nanay na namamatay sa panganganak sa bansa kaya’t doble kayod ngayon ang gobyerno upang mapababa iyo at makatupad sa pamanatayang itinakda sa Millenium Development Goals (MDG).

Isa sa mga tugon ng Department of Health ay ang pagsasagawa ng Health on Wheels Program na tinaguriang  Lakbay Buhay Kalusugan (LBK) caravan.

Layunin nito na mapataas ang antas ng kaalaman ng mga magulang hinggil sa kalusugan partikular na sa mga buntis upang higit na mapapaba ang bilang ng namamatay na ina sa pangangank sa bansa.

Ang LBK na sinimulan noong 2011 ay itinataguyod ng DOH sa pakikipagtulungan ng mga lokal napamahalaan.

Ito ay nakalibot na sa 18 probinsya sa bansa kung saan ay tampok ang Health Bus o ang bus na inayos at ginagamit na mobile health clinic.

Ang pinakahuling dinayo ng LBK caravan at ng health bus ay ang Northville 9 resettlement housing area sa Barangay Iba Oeste, sa bayang ito noong  Marso 21 kung saanay mahigit 2,000 Bulakenyo partikular na ang mga nanay at mga bata ang dumalo.

Ayon kay Anthony Roda, division chief ng national center for health promotion ng DOH, layunin din ng LBK caravan ang promosyon at pagtuturo ng mga simple at praktikal na pamamaraan para sa pangangalaga ng kalusugan partikular na ng mga nanay.

“Our main purpose is to teach them basic health care like handwashing and  encourage them to follow health lifestyle after attending lectures and viewing exhibits,” ani Roda ay iginiit na ang health bus ay isang palamuti o instrumentolamang upang higit na maengganya angmga taumbayan na lumahok.

Tinukoy niya na ang pangunahing target ng LBK caravan ay mga buntis at kapapanganak lamang na na nanay.


Ito ay upang higit na mapababa ang bilang ng mga namamatay na nanay sa panganganak.

Batay sa tala ng DOH, sinabi ni Roda na umaabot sa 162 nanay sa bansa ang namamatay sa bawat 1,000 sanggol na isinisilang.

Nagpahayag siya ng pag-asa namaibaba nila ang nasabing bilang sa 52 swa bawat 1,000 sanggol na isisilang sa 2015.

Ang 2015 ang huling taon ng pagtu[pad ng bansa sa MDG.

“We are hoping to equip mothers and help them in hygiene and family planning as well,” ani Roda.

Ipinagmalaki naman kay Dr. Joy Gomez, ang  provincial public health officer of Bulacan,  ang pagtukoy ng lalawiga sa mga istratehikong lugar sa Bulacan upang pagtayuan ng mga borthing station o klinikang panganakan.

Ayon kay Gomez mailaki ang maitutulomng sa pagkakamit ng layunin ng MGD objectives ng mga pasilidad tulad ng klinikang panganakan.

Ito ay dahil sa mas malaki ang pagkakataon na maagapan ang anumang trahedya kung malalapatan agad ng lunas ang nanay sa klinika.

Batay naman sa tala ng pamahalaang panglalawigan umaabot sa 12 nanay ang nasawi sa panganganak sa lalawigan noong 2012.

Ngunit ayon kay Gomez, ang bilangnaito ay higit na mas mababa sa naitalang bilang ng mga nanay sa lalawigan sa nagdaang limang taon.

“There are 12,330 live births in Bulacan last year, and 12 of them died,” ani Gomez. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment