Pages

Tuesday, March 19, 2013

Lakbay Buhay Kalusugan caravan, dadayo sa Calumpit




LUNGSOD NG MALOLOS- Dalawang libo’t limandaang Bulakenyo ang magtitipun-tipon sa Northville, Calumpit sa Marso 21, 2013, alas-8 ng umaga para sa Lakbay Buhay Kalusugan (LBK) caravan, proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at ng Department of Health.

Ayon kay Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, layon ng nasabing promotion caravan na maitaas ang antas ng kaalaman ng mga Bulakenyo ukol sa maternal and child health care.

 “Malaki ang role ng mga kabataan at mga kababaihan lalung lalo na ang mga ina sa ating lalawigan kaya marapat na bigyang pansin ang kanilang kalusugan,” ani Alvarado.

Sinabi naman ni Provincial Health Officer Jocelyn Gomez, tampok sa LBK ang isang bus na magsisilbing consultation at examination clinic kung saan magkakaroon ng pagtuturo tungkol sa importansiya ng pre-natal check-up, birth planning, safe pregnancy and delivery, birth spacing, hand washing, child immunization, prevention of disability at health insurance.

“Bukod dito, mayroon ding interactive exhibit, storytelling sessions, entertainment shows and games on health,” ani Gomez.

Sinabi din ng gobernador na mahalagang maging prayoridad ang mga proyektong pangkalusugan upang magtuluy-tuloy ang kaunlaran ng lalawigan.

“Hindi mo matatawag na maunlad ang isang lalawigan kung hindi sapat ang mga programang pangkalusugan. Dahil dito, hindi tayo tumitigil sa pag-iisip ng mga programang pangkalusugan at pagpapatupad nito dito sa Bulacan,” dagdag ni Alvarado.

Ang Lakbay Buhay Kalusugan ay naka-angkla sa Aquino Health Agenda na pagkakaroon ng universal access sa mataas na kalidad ng pangangalagang pangkalusugan. ###

No comments:

Post a Comment