Pages

Friday, June 28, 2013

14 na silid aralan sa CMIS natupok




MALOLOS—Dalawang araw na walang klase sa City of Malolos Integrated School (CMIS) sa Barangay Sto. Rosario matapos matupok ng apoy ang 14 na silid aralan nito noong Lunes ng madaling araw, Hunyo 24.

Nagbalik ang klase noong Miyerkoles matapos simulan ng pamunuan ang pagsasagawa ng shifting ng klase para sa mga apektadong magpaaral.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa mahigit 3.2-Milyon ang napinsalang aro-arian at pasilidad ng paaralan sa dalawang oras na sunog na nagsimula bandang alas-4:20 madaling araw.

Ang sunog ay umabot ng ikalawang alarma at naideklarang fire out makalipas ang dalawang oras.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang sunog ay nagsimula sa faculty room at mabilis na kumalat sa sa kantina at mga silid aralan ng mag-aaral sa elementarya at sekundarya.

Maging ang dalawang silid aralan ng para sa mga special education (SPED) na gamit ng mga mag-aaral na may kapansanan ay nadamay.

Ayon kay Mayor Christian Natividad, isang malaking dagok ito sa kanilang programang pang-edukasyon.

Ito ay dahil sa kasalukuyang pa lamang nilang dinadagdagan ang mga silid aralan sa mga paaralan sa lungsod na ito na sinimulan nila noong 2011.

Nasunog din ang mga kagamitan tulad ng mga computers.

Ikinalungkot din ni Reynaldo Diaz, punong guro ng CMIS ang nasabing insidente.

Ikunuwento niya sa Mabuhay na unang napansin ng dalawang security guard ang pagkundap-kundap ng ilaw sa paaralan bandang alas-4 ng madaling araw noong Lunes.

Ito ay sinundan ng pag-usok sa silid aralang itinuturing na faculty room, kaya’t agad silang tumawag ng bumbero.

Agad namang tumugon ang BFP ngunit dahil sa yari sa mga kahoy ang mga silid aralan ay umabot sa 14 na silid aralan ang natupok.

Ayon kay Diaz, nagbalik na ang mga magpaaralnoong Miyerkoles matapos ang pulong ng mga guro kung saan ay pinagplanuhan ang pagsasagawa ng klase.

Iginiit pa niya humiling na rin sila sa Department of Education (DepEd) na makapagsagawa ng klase kung Sabado.

Ito ay dahil sa 14 na silid aralan ang nabawas sa kanila ay hindi maaaring pagsabayin ang lahat ng klase, kasama na ang sa sekundarya.

Ayon kay Diaz, walang magiging pagbabago sa klase ng mga mag-aaral na nasa kindergarden at unang baitang.

Ang CMIS ay dating kilala bilang Malolos CentralElementary School kung saan ay isa sa mga pangunahing nagtapos sa nasabing paaralan ay si dating Embahador Bienvenido Tantoco.

Si Tantoco ay nagdonasyon pa ng mga kagamitan sa paaralang noong nakaraang taon kaugnay ng kanyang ika-91 kaarawan.

Bukod dito,may mga iskolar din sa nasabing paaralan ang dating embahador.

Noong 2011, binago ang pangalan ng paaralan at tinawag na CMIS dahil sapagbubukay ng klase para sa sekundarya.

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga magpaaral sa sekundarya, nagpatayo ng apat na silid aralan para sa mga ito si Natividad, sa bandang dulo ng bakuran ng paaralan.

Dahil naman sa mataas na bilang ng mgamagpaaral, ilang silid aralan para sa elementarya ang ipinagamit sa mga nasa sekundarya. (Dino Balabo)

BABALA NG DOH:“Dengue storm” paparating







MALOLOS—Maghanda po tayo, may nagbabadyang bagyo, ito ay ang dengue storm.

Ito ang babalang iniwan ni Health Assistant Secretary Eric Tayag  kaugnay ng pagsasagawa ng ikatlong Regional Asean Dengue Day sa Bulacan noong Lunes, Hunyo 24.

Ayon kay  Tayag, mapanganib ang nagbabadyang dengue storm dahil maaaring mapabagsak nito ang ekomoniya partikular na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth)

Ito ay dahil sa apat na uri ang dengue, kung saan ang type 1 ay nanalasa na sa Luzon partikular na sa Bulacan, at ang type 2 ay nasa Visayas ang Mindanao.

Ayon kay Tayag, “its just a matter of time bago makarating Luzon ang type 2 ng dengue.”

Ipinaliwanag ninya na ang isang tao na dinapuan na ng dengue type 1ay maari pang dapuan ng isa type nito

Ito ay nangangahulugan na kahit nagkadengue naang isang tao, maaari pa rin siyang magsakit hatid ng dengue type 2.

Dahil dito, iginiit ni Tayag ang paghahanda laban sa dengue dahil batay sa kanilang projection ay tataas pa ang mga dengue cases sa susunod na dalawang buwan.

Ito ay matapos ang pagdating mga mga bagyo na maaaring magbukas ng panibagong breeding ground sa mga lamok.

Ayon pa kay Tayag, umabot na sa 193 na ang namatay sa dengue sa bansa  hanggang nitong Hunyo 8. 

Noong nakaraang taon,naitalaang pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue sa Luzon, ngunit sa taiong ito, ang mataas na bilang ay naitala sa Visayas at Mindanao.

Ito ay dahil sa paglitaw ng dengue type 2 sa Visasyas at Mindanao.

Bilang paghahanda sa paglaban sa dengue,ipinayo niya ang pagsasagawa ng 4 o’clock habit o ang paglilinis sa kapaligiran, partikular nasa mga pinamumugaran ng mga lamok.

“Kailang puksain natin ang mga lamok lalona ang kiti-kiti upang  hindi tayo ang mapinsala,” sabi ni Tayag.

Ang 4 o’clock habit ay kasunod ng religious 3 o’clock habit na tinatampukan ng pagdadasal.

Sabi ni Tayag, “pagkatapos nating magdasal na sana ay huwag tayong magkasakit ng dengue, sundan agad natin ito ng aksyon.”

Hinggil naman sa epekto ng dengue storm, ipinaliwanag niya na noong nakaraang taon ay umabot sa 175,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa.

“Halimbawang 100,000 na lang ang magkasakit at sila ay kasapi ng Philhelath na nagbibigay ng P8,000 sa bawat kasaping nagkasakit ng dengue, aabot sa P800-Milyon iyon,” sabi niya.

Kung grabe naman ang sakit tulad ng severe dengue, umaabot sa P15,000 ang ibinibigay ng PhilHealth, at ayon kay Tayag kung aabot sa 100,000 ang may severe dengue, aabot sa P1.5-B an gang magagastos.

“That’s a lot of money and that is the money we don’t have,” sabi niya at iginiit na kung dadami ang maysakit ng dengue, maaaring bumagsaka ng PhilHealth. (Dino Balabo)

Alvarado to lead mass oath taking of Bulacan officials




CITY OF MALOLOS- Second termer Governor-elect Wilhelmino M. Sy-Alvarado will lead all elected officials in Bulacan as they take their oath of office on June 30 at the Bulacan Capitol Gymnasium, 7:30 in the morning in this city.

Executive Judge Maria Theresa Arcega will preside the oath taking of provincial and district level officials while Alvarado will swear into office the elected local government officials of the three cities and 21 municipalities in Bulacan.

Alvarado said the mass oath taking which is dubbed as “Sabayang Panunumpa Nagkakaisang Pamamahala para sa Lalawigang Dakila” is a perfect venue to call together all the public servants, regardless of their political affiliations to unite in leading and serving their constituents starting July 1 up to the next three years.

“Ito ay isang magandang pagkakataon upang muling hingin ang suporta ng veteran public servants lalo na ang mga bagong upong opisyal tungo sa tuluy-tuloy na pagpapatupad ng mga proyektong naka-angkla sa ating seven-point agenda,” the governor said.

Provincial Administrator Jim Valerio added that after the mass oath taking, Alvarado will also present his accomplishments and future plans for the province of Bulacan.

Saturday, June 22, 2013

3rd Regional ASEAN Dengue Day, gaganapin ng DOH sa Bulacan



Ni Shane Frias Velasco


LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan,--Umulan man o umaraw, tuluy na tuloy sa darating na Lunes ang pagdadaos ng 3rd Regional ASEAN Dengue Day sa lalawigan ng Bulacan. Pangungunahan ito ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Eric Tayag na sesentro sa kampanya na pag-ibayuhin ang 4 o’clock habit na paglilinis ng mga lugar na posibleng pinamumugaran ng lamok.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO), hanggang nitong Hunyo 1, 2013, umabot sa 960 na pinagsususpetsiyahang kaso ng Dengue ang naitala sa Bulacan na may dalawang napaulat na namatay. Ipinaliwanag naman ni Dr. Joy Gomez na bagama’t ganito ang datos ng kaso sa lalawigan ng nasabing sakit, pababa naman aniya bilang ng dinadapuan ng Dengue mula sa 299 noong Enero, 216-Pebrero, 159-Marso, 128-Abril at 104 nitong nakaraang Mayo.

Patuoy namang nagtala ng pinakamaraming kaso ng Dengue ang lungsod ng San Jose del Monte, na may pinakamataas na populasyon sa 21 bayan at tatlong lungsod sa Bulacan, na umabot sa 153. Pangalawa naman ang mga lungsod ng Meycauayan na 120, sinundan ng Malolos na 101 at 93 sa bayan ng Sta. Maria.


Nabuo ang pagdadaos ng ASEAN Dengue Day mula nang pagtibayin ng mga lider ng mga bansang kasapi sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) noong 2011, na magkaisa ang mga bansa at bumuo ng mekanismo upang mabawasan ang bilang ng mga namamatay sa sakit na Dengue. Layunin din nito na isulong ang kalinisan sa lahat ng lugar at pagkakataon lalo na ngayong tag-ulan.

Samantala, bilang bahagi ng 3rd Regional ASEAN Dengue Day, nakatakda ring magsagawa ng pagbabahay-bahay si Asec. Tayag sa isang barangay upang tiyakin na sumusunod ang mga mamamayang Bulakenyo sa 4 o’clock habit. Inaasahan din na pangungunahan ng katwuang na kalihim ang pagsayaw ng Stop, Look and Listen. 

Ani Dra. Gomez, “ ang ibig sabihin ng Stop, huminto at itapon lahat ng bagay na pinagtataguan ng lamok tulad ng mga tubig sa mga flower bases, LOOK, kapag alas 4 ng hapon, doon gawin ang mas malawak na paglilinis dahil sa oras na ito nagsisimulang mamugad ang mga lamok. At makinig,  LISTEN, sa mga ahensiya ng pamahalaan, lokal o nasyonal kung paano mas magiging epektibo pa ang paglaban sa sakit na Dengue.” (SFV/PIA-3/BULACAN)

Saturday, June 15, 2013

Magpapatuloy ang mga pahayagan sa kabila ng mga banta




LUNGSOD NG MAKATI—Tiniyak ng mga beteranong mamamahayag sa b
ansa na magpapatuloy ang operasyon ng mga pahayagan sakabila ng ibat ibang banta at sulirain.

Kabilang sa mga suliraning kanilang tinukoy na nagsisilbing hamon sa operasyon ng mga pahayagan ay ang bumababang kita mula sa advertising, tumataas na gastos sa produksyon, patuloy na pagsulong ng digital media, at korapsyon sa hanay ng mga mamamahayag.

Ang pahayag na ito ay isinatinig  ng mga beteranong mamamahayag sa bansa kaugnay ng pagsasagawa ng ika-17 Philippine Press Institute National Press Forum (PPI-NPF) na tinampukan ng pagbibigay ng taunang Community Press Awards (CPA) kung saan ay muling nagwagi ang Mabuhay ng dalawang parangal.

Ang PPI-NPF ay na isinagawa sa New World Hotel sa lungsod na ito noong Hunyo 13 hanggang 14 ay may temang “Watching the Watchdog: Re-examining ourselves.”


Ang daloy ang talakayan ay umayonsa pambungad na pahayag ni Amado Macasaet, ang tagapangulo ng PPI kung saan ay binigyang diin niya na sa pagsusuri sa sarili ng mga pahayagan at mga mamamahayag ay sinabi niyang “we have to be honest.”

Inilarawan niya ang pagsusuri sa sarili na nakakatulad ng pagsasaksak sa sarili, ngunit ito ay hindi pataydor pagsaksak sa likod, sa halip ay pagsaksak “where it hurts.”

Inihayag din niya na kung angmga himpilan ng telebisyon ay tumatabo ng bilyong piso sa mga patalastas, angmga pahayagan ay namumulot.

Inayunan din ito ni Eileen Mangubat,ang tagapaglathala at punong patnugot ng Cebu Daily  News.
 
Ayon pa kay Mangubat, bukod sa pagliit ng kita ng mga pahayagan mula sa advertisement, ay patuloy din ang pagunlad ng digital media na unti unti ring umagaw sa advertising share ng mga pahayagan.

Hinggil sa tungkulin ng mga pahayagan sa pagbabatay sa korapsyon may lungkot na sinabi ni Macasaet na “we have denied ourselves the right to talk about graft and corruption, because as profession, media is as corrupt as people working for the state or the state itself.”

Gayunpaman,binigyang diin niya na magpapatuloy ang mga pahayagan sa kabila ng mga hamong nabanggit.

 “Print (media) should make an effort to send a very loud message to broadcast (media) that we are here to stay,” ani Macasaet.

Kaugnay ng nasabing talakayan, nagsagawa rin ng presentasyon sina Ramon Tuazon ng Asian Institute of Journalism and Communications (AIJC) at Raissa Robles, isang  correspondent ng international publication at blogger.

Sa kanyang presentasyon, ipinakita ni Tuazon ang resulta ng isinagawa nilang 10 round table discussion (RTD) sa mga lungsod ng Cebu, Davao, Laoag, Manila at Naga na tinawag na “In Honor of the News: Media Reexamination of the News in a Democracy” o “The Inconvenient Truth in Philippine News Media.”

Batay sa resulta ng RTD,sinabi ni Tuazonna ang mga karaniwang pamamaraan ng korapsyon sa mga mamamahayag ay ang “envelopmental or ATM journalism;” “ attack, collect /defend, collect (AC/DC);” “ advertisements in exchange for favorable media coverage or preventing any media coverage;” “propaganda press releases;” “journalists doubling as publicists of news sources;”at “dissemination of one-sided editorial content and baseless information.”

Sa nasabing pagsasaliksik,binigyang diin ni Tuazon na ang mga pulitiko sa pambansa at lokal na posisyon ang mga natukoy na “corruptors” samantalang ang mga mamamahayag na may mataaas na posisyon ay tumatanggap ng salaping tinatawag na “retainers:” mula sa mga pulitiko, at ang mga mamamahayag  ay bahagi ng kanilang “payroll.”

Upang matugunan ang sitasyong ito, ipinanukala ni Tuazon ang mga posibleng solusyon tulad ng“ upholding the role of news media in a democracy through a presidential declaration to commemorate the role of new media for a day or a week every year;”  “enhance ethical standards of journalists and other media workers;” “capacity development;” “establishment of multi-sectoral council;” “ regulate block-timers;” “establishment of accreditation standards for print and broadcast journalists;” “social benefits for journalists and media workers;” “networking with other sectors;” “political economy of mass media;” “trainings in safety and protection;” “|continuing education;”  at  “integration of Media and Information Literacy (MIL) into the curriculum of basic and higher education institutions.”


Para naman kay Robles,inamin niya na hindi niya matiyak kung ano ang mangyayari sa mga pahayagan samga susunod na taon habang umuunlad ang digital media.

Gayunpaman tiniyak niya na ”journalists will survive” ngunit nangangailangan ang mgaito ang apat na natatanging kakayahan.

Ayon kay Robles, ang mga kakayayahang ito ay ang mga sumunsunod:

·         Ability to recognize something as “newsy.
·         ability to get the facts as completely and accurately as possible and make corrections as information comes in.
·         Ability to get the other side or the contrary view.
·         Ability to sense a pattern of events and make sense of it.  Dino Balabo