Pages

Monday, June 10, 2013

Banta ng digital age sa pahayagan at mamamahayag susuriin sa PPI-NPF


MALOLOS—Ano ang kapalarang naghihitay sa mga pahayagan at lokal na mamahayag sa ilalim ng digital age?


Ito ay isa lamang sa mga katanungang bibigyang kasagutan sa ika-17 National Press Forum na pangungunahan ng Philippine Press Institute (PPI) sa ika-49 na taong pagkakatatag nito bilang pambansang samahan ng mga pahayag.

Ang NPF na may temang “"Watching the Watchdog: Re-examining Ourselves" ay isasagawa sa  New World Hotel sa Lungsod ng Makati sa Hunyo 13 hanggang 14.

Ito ay tatampukan ng taunang Community Press Awards kung saan ay bibigyang parangal ang mga natatanging pahayag sa bansa.

Ayon kay Ariel Sebillino, executive director ng PPI, ang ika-17NPF ay magtatangkang suriin ang pamamahayag sa bansa, maging ang mga posibleng kapalaran ng mga lokal na pahayagan.

Ito ay binigyang diin pa ni Amadomacasaet sa huling pulong ng PPI Board of Directors.

 "We need to be critical of ourselves too," ani macasaet, ang tagapaglathala ngpahayang Malaya at tagapangulo ng PPI.

Hindi rin inilihim ni Macasaet ang kasalukuyang kalagayan ng mga mamamahayag sa bansa.

Sinabi niya na “there are those who corrupt and those who are being corrupted."

Sa kalagayang ito,higit na nagkakaroon ng kahulugan ang tema ng NPF sa taong ito dahil hindi lamang ang journalism ethics ang sinasakop nito kungdi maging ang posibleng kalagayan ng mga pahayagan sa harap ng onlinemedia at iba pang kumpetisyon.

Ang taunang NPF ay lalahukan ng mga patnugot ng may 70 kasaping pahayag ng PPI,mga kinatawan ng ibat-ibang embahada, mga guro at mag-aaral ng pamamahayag, opisyal ng gobyerno at non-government organizations, at mga negosyante.

Kabilang naman samga panaunhing tagapagsalita ay sina Vergel Santos, pangalwang tagapangulo ng PPI, Dean Rolando Tolentino ng University of the Philippines' College of Mass Communication (UPCMC), Ramon Tuazon ng  Asian Institute of Journalism and Communication (AIJC),  Raissa Robles, isang foreign correspondent at popular na journalist-blogger; Rowena Paraan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Malou Mangahas ng Philippine Center on Investigative Journalism (PCIJ), at Marites Vitug ng Rappler.  Dino Balabo

No comments:

Post a Comment