Wednesday, December 4, 2013

1 patay, 17 sugatan sa NLEx crash




MALOLOS CITY—Isa ang nasawi at 17 pa ang nasugatan matapos banggain ng isang bus ang isang dump truck sa kahabaan ng viaduct ng North Luzon Expressway (NLEx) noon Lunes ng umaga.

Ang mga biktima ay agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan, samantalang nagsanhi ng mahabang trapiko ang insidente.

Ang insidente ay kinasangkutan ng isang bus ng Philippine Rabbit na may plakang CGJ-790 at isang dump truck.

Ayon kay Benigno Valles, corporate communications manager ng Tollways Management Corporation (TMC), natumbok ng bus ang dump truck sa bahagi ng kilometer 47 sa kahabaan ng viaduct sa bahagi ng Pulilan, Bulacan
bandang alas 10:30 ng umaga noong Lunes.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, ang dump truck ay nahulog sa viaduct at may ilang biktima na tumilapon sa bukid sa ibaba ng viaduct.

Ang bus ay galing sa Angeles City at patungong Maynila nang mabangga nito ang
dump truck sa southbound lane ng NLEx viduct.

Ayon kay Valles, hinihinlang isa ang namatay sa aksidente, ngunit ayon sa mga source, isang lalaki ang kumpirmadong nasawi.

Bilang operator ng NLEx, agad na nagpatupad ng counterflow ang TMC sa northbound lane ng NLEx.

Bukod dito, nagpadala din agad ng mga crane at heavy equipment ang TMC upang mai-ahon ang dump truck na nahulog sa ibaba ng viaduct. Rommel Ramos, Dino Balabo

No comments:

Post a Comment