Pages

Thursday, December 5, 2013

Tiyakin ang katatagan ng Angat Dam laban sa 7.2 na lindol



Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.


MALOLOS—Dapat magsagawa ng pag-aaral upang matiyak ang katatagan ng Angat Dam laban sa lindol matapos yanigin ng lindol na may lakas na 7.2 ang lalawigan ng Bohol.

Ito ang payo ni Inhinyero Roderick Dela Cruz, isang dam safety expert na Bulakenyo na nakabase sa Estados Unidos.

Ang panukala ni Dela Cruz ay kinatigan ng kapitolyo dahil sa pananaw na ang Bulacan ang unang mapipinsala kapag gumalaw ang West Marikina Valley Faultline na inaasahang maghahatid ng kasing lakas na lindol na nagpayanig sa Bohol.

Bukod dito, kinatigan din ng kapitolyo ang pananaw ng mga opisyal ng National Power Corporation na hindi sapat ang isinagawang feasibility study o pagpaaral sa Angat Dam halos dalawang taon na ang nakakaraan.

Sa panayam ng Mabuhay sa Skype kay Dela Cruz noong Lunes, Oktubre 21.

Bilang isang lead dam safety engineer ng Southern California Edison (SCE) at naging bahagi ng technical working group sa planong rehabilitasyon sa Angat Dam, sinabi ni Dela Cruz na kailangang magsagawa ng cite specific seismic study sa  Angat Dam.

Importante itong seismic study dahil kailangang matiyak at matukoy natin yung
maximum credible earthquake (MCE) na maaaring makaapekto sa Angat Dam,” sabi ng inhinyero.

Ipinaliwanag niya na ang MCE ay isang pamamaran upang matukoy ang pinakalamas na posibleng lindol na magpagayanig.

Ayon kay Dela Cruz, kapag natukoy na ang pinamakamalakas na lindol, maaari ng gumawa ng mga hakba kung paano ito tutugunan, kasam rito ay ang rehabilitasyon.

“It is a design criteria we use in risk analysis on dams in the United  States, kailangan malaman natin yung MCE para doon maiakma ang disenyo sa rehabilitasyon,” sabi niya.

Ipinaliwanag ni Dela na lubhang mahalaga ang hakbang na ito dahil kung ang disenyo ng dam ay para lamang sa magnitude 6 na lindol at ang yayanig ay 7.2, tiyak na masisira ang istraktura.

“Kailangang matukoy natin ang MCE para ma-increase natin ang level ng comfortability natin na kahit lumindol ng 7.2 ay hindi tayo basta nangangamba dahil alam nating kaya nung disenyo yung lindol,” sabi ni Dela Cruz.

Bilang isang dam safety expert, sinabi ni Dela Cruz na samantalang ang mga dam ay isang mahalagang imprastraktura, ito ay naghahatid rin ng panganib dahil sa dami ng tubig na maaaring rumagasa kung sakaling ito ay masisira.
 
Engr. Dela Cruz
Sa kalagayan ng Bulacan, nagbabala si Dela Cruz na kung masisira ng lindol ang Angat Dam, raragasa ang tubig at sasagasaan mapipinsala ang lahat ng nasa direksyong dadaanan ng tubig.

“Hindi na nananakot ako, pero kailangan alam natin may mga ganitong posibilidad  ng panganib para makakilos at makapaghanda tayo,” sabi ng Inhinyero mula sa bayan ng Hagonoy.

Batay sa may naunang pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), ang Angat Dam ay nakaupo sa splay o sanga ng West Marikina Valley Faultline (WMVF).

Kung gagalaw ang WMVF, ayon sa Phivolcs, lilikha ito ng lindol na may lakas 7.2 magnitude.

Ayon kay Renato Solidum, ang WMVF ay maaaring gumalaw anumang oras.

Dahil dito, inilarawan ni Dela Cruz na ang pagkasira ng Angat Dam sanhi ng lindol ay maaari ding maganap anumang oras.

Gayunpaman, binigyang diin niya na maaaring hindi masira ang dam dahil ito ay rock and earth filled dam o gawa sa pinagpatong-patong na bato at lupa.

Batay sa sa mga impormasyong inilahad ni Dela Cruz, ang rock and earth filled dam ay karaniwang itinatayo sa mga lugar na palagiang nililindol tulad ng Pilipinas.

Dahil dito, muli niyang iginiit ang pag-aaral upang matukoy ang maximum credible earthquake.  (Dino Balabo)

2 comments:

  1. Bakit hindi inaaksyunan ng Gobyerno yan habang wala pang problemang malaki? Malaki nga ninakaw ni Napoles dapat bawiin at ilaan sa mga proyekto para s mamamayang Pilipino
    Yan talagang Pangulong Noynoy mahinang kumilos dapat pag aralan nya mabuti yan bago mahuli ang lahat Nasa huli ang pag sisisi at sisihan sa bandang huli pa lang naman Ouch!

    ReplyDelete
  2. Pres. Aquino na nmn,,db pwedeng mga local official mna ng Bulacan at mga district congressman ang mghain nito...db nmn superman c pres. Pnoy pra mtugunan lhat yan at pg aralan dahil mrami din cyang trabho...isip isip din pg me time....

    ReplyDelete