Pages

Monday, April 14, 2014

Pulitika motibo sa pamamaslang sa chief of staff ni Bokal Fermin?




 MALOLOS—Pulitika ang nakikitang motibo ni Bokal Michael Fermin sa pamamaslang sa kanyang chief of staff na si Edwin Miranda Inocencio noong Huwebes, Abril 10.

Kaugnay nito, patuloy naman sa imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan sa pamamaslang sa biktima.

Ayon kay Fermin, ilang araw bago paslangin si Inoncencio ay nakatanggap sila ng mga pagbabanata sa buhay.

Ang mga pagbabanta at pinadaan sa pamamagitan ng text message.

Ayon sa Bokal, ang huling mapagbantang text message na kanilang natanggap ay nagsasaad ng “ito na ang huling araw mo.”

“Malaki ang posibilidad na pulitika ang motibo dahil alam ng katunggali naming sa pulitika ang aming mga galaw,” sabi ni Fermin.

Gayunpaman, wala pa siyang tinukoy na katunggali sa pulitika.


Nagpahayag din siya ng pagkabahala sa lumalalang kalagayan ng kriminalidad sa lalalwigan.

Ito ay dahil na rin sa noong Marso 25 ay pinagtangkaan din ang buhay ni Konsehala Francis Dianne Cervantes ng Hagonoy.

Si Cervantes ay himalang nakaligtas sa pamamaril sa bayan ng Paombong.

Sa kabila naman ng pahayag ni Fermin na pulitika ang motibo ng pamamaslang kay Inocencio, patuloy pa rin ang pagsasagaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Batay sa mga naunang ulat, si Inoncencio ay patungo sa bahay ni Fermin na matatagpuan sa NorthFields Subdivision sa Barangay Longos sa lungsod na ito ng harangin ng dalawang nakamotorsiklong suspek bandang alas-8ng umaga noong Huwebes, Abril 10.

Kasunod nito ay ang sunod-sunod na putok ng mula sa kalibre .45 na agad na ikinasawi ng biktima.

Ayon sa pulisya, nakasakay sa kanyang van si Inocencio na nasa kahabaan ng MacArthur Highway papasok sa gate ng subdivision ng siya ay tambangan.

Ilang saksi naman ang nasabi sa pulisya na isa sa dalawang suspek ang lumapit pa kay Inocencio matapos paputukan at muling pinaputukan upang matiyak na patay ang biktima.

Ang 40-anyos na si Inocencio ay residente ng Barangay San Sebastian sa Hagonoy

Siya ay nagsilbing chief of staff ni Fermin ng unang distrito ng Bulacan mula noong 2010.

Bilang chief of staff, si Inocencio ay ang responsible sa mga paghahanda at pagapaptupad ng mga programa ni Fermin.

Kabilang dito ay ang planong pagkandidato bilang Kongresista ng unang distrito ng Bulacan sa 2016.

Ito ay dahil matatapos na sa 2016 ang ikatlong termino ni Kinatawan Marivic Alvarado, ang maybahay ni Gob. Wilhelmino Alvarado. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment