MALOLOS—
Tinupok ng apoy sa loob lamang ng halos tatlong oras noong Biyernes ang
dalawang gusali ng Immaculate Conception School of Malolos (ICSM) na sa loob ng
mahigit 70 taon ay nagsilbing bantayog sa paghubog sa mga kabataan sa lungsod
na ito.
Tinatayang
aabot naman sa mahigit P20-M ang halaga ng pinsala ng sunog na umabot ng anim
na oras bago tuluyang naapula, samantlang isang rumespondeng bumbero ang
nasugatan sa sunog na umabot ng ikatlong alarma.
Kaugnay
nito, tiniyak ng pamunuan ng ICSM na magbabalik sa klase ang may 1,600
mag-aaral nito sa loob ng dalawang linggo makaraang magpalabas ng pahayag ilang
oras matapos ang sunog.
Nag-alok
naman ng mga pasilidad ang pamahalaang lungsod ng Malolos para pansamantalang
magamit ng ng mga mag-aaral, ngunit mas
pinili ng pamunuan ng paaralan ang pasilidad ng Simbahan ng Barasoain na
kanilang isasaayos sa susunod na isang linggo.
Himala
namang nakaligtas sa sunog ang katabing Basilica Minore na noong 1899 ay
ipinasunog ni dating Heneral Antonio Luna habang tumatakas ang mga
rebolusyunaryo mula sa paparating na puwersa ng mga Amerikano.
Ang
Basilica Minore na dating kilala bilang Katedral ng Malolos,ang sentro ng
pamunuan ng Diyosesis ng Malolos sa Bulacan at Lungsod ng Valenzuela.
Ang
sunog sa ICSM ay nagsimula bandang alas-3 ng madaling araw noong Biyernes,Hunyo
13. Ang apoy nito ay nakontrol sa ganap
na alas-5:09 ng umaga at tuluyang naapula sa ganap na alas-9:14 ng umaga.
Ayon
sa security guard ng City of Malolos Water District (CMWD) na nakilalang si
Abdul Hassan, nagsimula ang sunog ng magliyab ang kawad ng kuryente sa poste sa
labas ng bakod ng paaralan.
Ito
ay agad na gumapang sa dalawang gusali at sa loob lamang ng ilang oras ay
natupok ito.
Kinatigan
ni Monsignor Pablo Legazpi, rector ng ICSM ang pahayag ni Hassan ng kanyang
sabihing mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa malakas ang hangi at yari sa
kahoy ang dalawang gusali.
Ikinuwento
niya na ang dalawang gusali ay itinayo noong 1937.
Hinggil
sapinamulan ng sunog, sinabi ni Legazpi na tuwing gabi ay ibinababa nila ang
breaker ng kuryente sa mga gusali upang walang dumaloy na kuryente.
Ito
raw ay bahagi ng kanilangpag-iingat sa dalawang matandang gusali na yari sa kahoy
na nasunog.
Nilinaw
pa ni Legazpi na kapapalit lamang nila ng mga kawad ng kuryenteng
nakainstalasyon sa gusali, bukod pa sa magkakahiwaly ang linya para sa ilaw,
bentilador at mga airconditioners upang matiyak na hindi iyon mag-o-overload.
Sa
kanyang pagtaya, aabot sa mahigit P20-M ang halaga ng ari-ariang nasunog kasama
ang limang sasakyang ginagamit para sa pagsundo at paghahatid sa mga mag-aaral.
Batay
naman sa pahayag ng Bureau or Fire Protection (BFP) walang tao sa loob ng
paaralan ng maganap ang sunog, ngunit isang rumespondeng bumbero ang nasugatan
sa pag-apula sa apoy.
Siya
ay nakilalang si FO1 Edward Sullivan ng BFP-Malolos.
Kinatigan
din ng BFP-Malolos ang mabilis na pagkalat ng apoy, kaya’t sa umpisa pa lang ng
sunog ay itinaas na nila sa ikatlong alarma ang pagtawag ng saklolo sa mga kapwa
bumbero.
Sa
kasalukuyan patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng
sunog. Dino Balabo