Pages

Tuesday, July 29, 2014

Bayanihan susi sa pagbangon sa kalamidad





HAGONOY, Bulacan—Hindi pa naiaayos ang mga kagamitang nasalanta sa loob ng kanilang tahanan ay tumulong na sa paglilis sa Pugad Elementary School sina Kagawad Ariel Dela Cruz, Renato Gregorio at Gilbert Tamayo.

Bukod dito, nasira din ang bahagi ng kanilang tahanan, partikular na si Gregorio na tuluyang nawasak ang bahay.

Agad namang namahagi ng relief good ang pamahalaang bayan ng Hagonoy sa mga Barangay ng Pugad at Tibaguin noong Biyernes, Hulyo 18 o dalawang araw matapos manalasa ang bagyong Glenda.

Ito ay ilan lamang sa mga larawan ng pagbabayanihan ng mga residente ng bayang ito upang mapabilis ang pagbangon ng mga mamamayang naapektuhan at nasalanta ng bagyo.

Bukod naman sa mga kagawad ng barangay Pugad, nakiisa rin ang mga guro,magulang, at mga mag-aaral ng nasabing paaralan sa paglilinis ng mga silid aralan na napinsala ng storm surge na hatid ng bagyo ng ito ay tumawid sa Manila Bay noong Miyerkoles.

Katunayan, suspendido pa ang klase ay nagsibalik na ang mga guro ng Pugad Elementary School noong Huwebes, Hulyo 17 sa pangunguna ng kanilang head teacher na si Jocelyn Perez.

Ito ay upang simulan ang pagsusuri sa pinsala sa paaralan at ang paglilinis.


Kinabukasan, unang araw ng klase matapos ang pananalasa ng bagyo, si Perez at pito pang guro ng paaralan ay sinamahan at tinulungan sa paglilinis ng mgamagulan, mag-aaral at opisyal ng barangay.

“Katatapos lang naming ng Brigada Eskwela, balik na naman kami sa paglilinis,” ani Perez sa panayam ng Mabuhay.

Ang tinutukoy niya ay ang isinawang Brigada Eskwelanoong Mayo o dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas.

Sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela noong Mayo, ikinuwento ni Perez ang naging sakripisyo ng bawat isa sa paglilinis, pagpipintura at pagkukumpuni ng mga silid arala, maging ng mga mesa at silya ng mga mag-aaral.

Ngunit anuman ang kanilang nagawan noong Mayo, ang mga itoay naglaho sa loob ng isang iglap noong Miyerkoles ng salpukin ng malalaking alon ang mga gusali ng paaralan at nawasak ang pader nito.

Bukod dito, nasira din ang mga bintana, maging ang mga kagamitan ng mga guro tulad ng mga mesa, silya, libro.

Maging ang computer, telebisyon, DVD player,printer sa tanggapan ni Perez ay napinsalan, kasama ang lahat ng bentilador sa siyamna silid aralan ng paaralan.

Sa kabila nito, tiniyak ng punong guro na magiging regular ang kanilang klase sa Lunes, Hulyo 21.


“Pipilitin po naming para madaling makabangon ang mga bata,” aniya.

Hinggil sa kakulangan ng mga gamit sa pagtuturo ng mga guro, sinabi niya na “kakayanin yan ng mga teacher natin.”

Bukod dito, ipinagmalaki rin niya ang suporta ng mga residente ng barangay Pugad.

Inayunan din ito nui Mary Anne Agulto, ang pangulo ng Parents Teachers Community Association (PTCA) ng nasahing paaralan.

Si Agulto ay isa sa maraming magulang na tumulong noong Biyernes sa paglilins sa paaralan.

“Nakita kokasi yungmga nanay na nagpupuntahan dito kaya sumama na rin ako,” ani Agulto na ang tahanan ay bahagya ring napinsala.

Para naman kina Dela Cruz, Gregorio at Tamayao, hindi nila maaaring pabayaan ng paaralan.

Ito ay hindi lamang sa sila mga Kagawad ng Barangay, sa halip ay bilang mga dating estudyante bukod sa ang kanilang mga anak ay doon din nag-aaral.

“Kailangang makabalik agad sa klase ang mga estudyante para magbalik sanormalang buhay,” ani Tamayo.


Inayunan din ito ni Kagawad Alfredo Lunes na ang may-bahay ay isa samga guro sa nasabing paaralan.

“Hindi naming maaring pabayaan itong school, dito kami lahat nag-aral, pati mga magulang naming ay dito rin nag-aral,”ani Lunes.

Kaugany nito, naghatid ng ngiti sa mga residente ng Pugad at Tibaguin ang ipinamahaging relief goods nina Mayor RaulitoManlapaz at Vice Mayor Pedro Santos.

Sa panayam, binigyang diin ni Manlapaz na mas binigyang prayoridad nila ang ang dalawang barangay dahil mas malaki ang naging pinsala sa mga ito.

“Maliit na tulong lang iyan para makabangon agad sila,” ani Manlapaz.   (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment