Showing posts with label diocese of malolos. Show all posts
Showing posts with label diocese of malolos. Show all posts

Thursday, March 20, 2014

Misteryosong imahe dinadagsa sa Divine Mercy Shrine

National Shrine of Divine Mercy sa Marilao,Bulacan. Larawan mula sa interaksyon.com



MARILAO, Bulacan— Dumadagsa na ang mga deboto sa Divine Mercy National Shrine sa bayang ito isang buwan bago ang kwaresma.

Ito ay dahil sa balitang kumalat hinggil sa misteryosong image na nakunan ng kakakabit lamang na mga close circuit television (CCTV) camera.

Kaugnay nito, sinabi ni Father Pros Tenorio na magsasagawa ng imbestigasyon ang Diyosesis ng Malolos upang suriin at beripikahin ang nasabing imahe. “Hindi pa namin masabing miraculous dahil ang Obispo ang
magdedeklara niyan,” sabi ni Tenorio sa isang telephone interview kahapon.

Pangungunahan ni Obispo Jose Francisco Oliveros ng Diyosesis ng Malolos ang imbestigasyon, at pagkatapos nito ay saka maglalabas ng ulat at deklarasyon. Sa kasalukuyan ay tinipon ni Tenorio ang mga materyales na susuriin kabilang ang CCTV at cellular phone footage ng misteryosong imahe.

Ang imahe ay nakunan mula alas 12 ng madaling araw hanggang alas 6 ng umaga noong Marso 3. Nakita sa CCTV footage ang larawan ng animo ay hugis ng imahe ni Hesukristo sa Divine Mercy.
 
Larawan mula sa crispypataatkarekare.com
Ang imahe na animo’y ay isang liwanag ay nakita sa isang kuwarto na walang ilaw. Hindi na muling nakita ang imahe matapos itong makunan ng CCTV noong Marso 3.

Ipinaliwanag ni Tenorio na ang 24 na CCTV camera ay ipinakabit nila kamakailan lamang bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga debotong dumarayo sa pambansang dambana kapag kuwaresma.

Kaya’t ikinagulat nila nang makunan nito ang isang larawang inilalarawan bilang “misteryoso.” Habang nalalapit naman ang kwaresma, sinabi ng pari na mapaghimala man o hindi ang imahe,ito ay nagpapaalala ng paghahanda ng sarili.

Ipinaalala niya na bukod sa pisikalna paghahanda, nararapat ding ihanda ng bawat tao ang espiritu sa nalalapit na kwaresma. Dala nito ang mensahe ng panalangin, kawang-gawa at pag-aayuno.

Nilinaw niya na ang pananalangin ay pakikipag- ugnayan sa Diyos, ang kawang-gawa ay sa kapwa tao at ang pag-aayuno ay pakikipag- ugnayan sa sarili. Idinagdag pa ni Tenorio ang pagbabalik loob sa Diyos na mapagmahal at handang magpatawad ng mga kasalanan.

Kaugnay ng balita sa misteyosong imahe,kinumpirma ni Tenorio ang pagdagsa ng mga deboto sa pambansang dambana. Sinabi niya na bigla ang pagdami ng mga debotong bumibisita bawat araw mula nang lumabas ng balita.

Nagpahayag din siya ng pag-asa na higit na marami ang dadagsa sa dambana sa nalalapit na Huwebes at Biyernes Santo. Dino Balabo

Friday, July 12, 2013

Pagkakaroon ng maraming consultant sa kapitolyo, idinepensa, legal daw




MALOLOS—Ipinagtanggol ni Gob. Wilhelmino Alvarado at iba pang opisyal ang pagkakaroon ng maraming consultant o tagapayo sa kapitolyo sa pagsasabing wala silang nilalabag na batas.

Ito ay matapos kumpirmahin nina Alvarado at Bise Gob. Daniel Fernando na umaabot sa 72 ang consultant sa kapitolyo na sumusuweldo ng P10,000 hanggang P35,000 bawat buwan.

Kaugnay nito,kinumpirma din nina Alvarado at Fernando na walang paring katoliko na nagsisilbing consultant sakapitolyo katulad ng pahayag ng Diyosesis ng Malolos.

Ang usapin hinggil samaraming consultant na pinasusuweldo ng kapitolyo ay nag-ugat sa mga ulat na lumabas sa mga pang-araw-araw na pahayagan noong Miyerkoles, Hulyo 10 na may titulong “In Bulacan, bishops and priests paid honoraria as consultants.”

Ang nasabing ulat ay mula sa opisyal na ulat na inilabas ng Commission on Audit (COA) na ang sipi ay mababasa sa website ng nasabing ahensiya.

“Walang ilegal sa pagha-hire ng mga consultant, wala kaming nilalabag na batas,”ani Alvarado sa panayam sa telepono noong umaga ng Biyernes, Hulyo 12.

Nilinaw niya na walang batas ang nagbabawal sa pagkakaroon ng mga consultant, sa halip ay nakasaad ito ng LocalGovernment Code.

Sa pahayag ng goberndor, kinumpirma niya na 72 ang consultant ng kapitolyo,katulad ng iniulat ng COA.


Inamin din niya na 52 sa mga ito ay nagsisilbing consultant niya at ang 20 ay kay Bise Gob. Fernando at Sangguniang Panglalawigan.

Ayon sa punong lalawigan, 27 sa kanyang consultant ay kanyang pinili dahil sa technical nakakayahan, samantalang ang 25 ay dahil sa kanilang propesyunal na kakayahan at karanasan.

Iginiit niya na walang batas na nagbabawal sa bilang ng kukuning consultant.

Ngunit ipinahayag niya na ang bilang ay dapat akma sa pondong nakahanda.

Inayunan din ito ni Fernando  at nina Bokal Michale Fermin at Enrique Dela Cruz.

Ayon kay Fernando, mahalaga ang pagkakaroon ng mga tagapayo sa pananaw na “two heads are better than one.”

Isa sa kanyang tinukoy na consultant ng Sangguniang Panglalawigan ay si dating Bise Gob. Aurelio Plamenco na tumatanggap ng sweldong P30,000 bawat buwan.

Batay naman sa pahayag nina Fermin at Dela Cruz, ipinaliwanag nila n ang mga consultant ay mga kontraktuwal at hindi nabibilang sa mjga empleyado ng kapitolyo.

Dahil dito,hindi raw nasasakop ng civil service regulations ang mga consultant.

Ayon pa kay Fermin,angmga consultant ay maaari lamang maglingkod hangga’t kailangan ang kanilang serbisyo.

Hinggil kay Obispo Ephraim Perez ng Christian Catholic Church, sinabi ni Alvarado na ito ay kanyang kinuha hindi dahil sa relihiyon, sa halip ay dahil sa iba pang kakayahan.


Nilanaw naman ni Dela Cruz na hindi lumabag ang kapitolyo sa separation of church and state clause ng Saligang Batas sa pagkuha kay Perez.

Ayon kay Dela Cruz, ang mga tao sa simbahan magingmga pari ay maaaring maglingkod sapamahalaan,katula dni dating Pampanga Governor Ed Panlilio na isang pari.

Iginiit paniya na ang ipinagbabawal ng separation of church and state clause sa Konstitusyon ay ang pagpabor ng isang gobyerno saisang relihyon.

Samantala, sinabi ni Father Dario Cabral na ang balita hinggil sa mga consultant ay may posibilidad na pinalaki o ginawang “sensationalized.”

Bilang tagapamuno ng Commission on Social Communications ng Diyosesis ng Malolos, sinabi ni Cabral na sindayang palakihin ang istorya sa paggmit ng mga titulong  “bishop” at “priest” sa titulo ng istorya.

Inayunan din ito ni Alvarado na nagpahiwatig na ang mga naunang lumabas na ulat ay “politically motivated.”

Iginiit niya na sa mga nagdaang administrasyon sa kapitolyo, maraming mga consultant ang kinuha ng mga dating gobernador at mas matataas pa ang pasuweldo.

“Mas mataas ang ibinibigay nilang pasuweldo sa mga consultants noon,pero mas marami kami ngayon, tapos kami ang binabatikos ngayon,” sabi ng gobernador.

Inihaqyad din  niya na apat na sa mga consultant niya ang tinanggal noong Hulyo 1 kabilang dito ang isang Gerardo Borlongan.  (Dino Balabo)

Friday, April 12, 2013

‘Team Patay’ di iboboto ng mga laykong Bulakenyo



 
MALOLOS—Lalong lumalaki ang hamon sa mga kandidatong tinaguriang “Team Patay” dahil hindi sila iboboto ng mga layko ng simbahan.

Ito ay dahil sa kanilang pagboto ng pabor sa Reproductive Health Law na ngayon ay nasa ilalim ng temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Korte Suprema.

Kaugnay nito, ibinulgar ng mataas na opisyal ng Diyosesis ng Malolos na lahat ng kongresistang Bulakenyo ay nangako kay Obispo Jose Francisco Oliveros na hindi susuportahan ang RH Bill,ngunit iisa lamang sa kanila ang tumupad sa pangako.

Ang paninindigan ng mga layko sa Diyosesis ng Malolos ay taliwas sa pananaw ng ilang puluitiko at opisyal ng Simbahang Katoliko na walang matatag na Catholic vote sa bansa.

Ang desisyon ng mga layko ay nananatiling indipendiente sa simbahan dahil hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag si Obispo Oliveros.

Gayunpaman, inaasahang sa mga susunod na araw ay maglalabas ng opisyal na pahayag ang Obispo, at ayon sa mataas na opisyal ng simbahan, malaki ang impluwensiya ng kinahinatnan ng pagpapatibay sa RH Law sa desisyon ng Obispo.

Ayon kay Father Dars Cabral, tagapamuno ng Commission on Social Communications ng Diyosesis, walang matatag na Catholic vote sa bansa.

Ito ay dahil sa ang mas nakararaming Pilipino ay nabibilang sa pananampalatayang Katoliko.

“Hindi pinag-uusapan ang Catholic vote dahil majority sa atin ay Katoliko,” sabi ni Cabral sa panayam.

Ngunit nagbabala siya na maaaring magbago ang nasabing pananaw habang nalalapit ang halalan,partikular na sa lalawigan ng Bulacana may populasyong halos 3-milyon at may rehistradong botante na umaabot sa mahigit 1.4 milyon.

Ang mga nasabing bilang ay karaniwang mga kasapi ng Simbahang Katoliko.

Ayon kay Cabral kahit hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag hinggil sa halalan ang obispo, nagbigay na ng paninindigan ang mga layko ng simbahan na hindi nila iboboto ang mga kasapi ng Team Patay o mga kandidatong pumabor sa pagpapatibay ng RH Law.

Bukod dito, inihayag ni Cabral na mula pa noong Pebrero ay nagsimula na ang voter’s education program ng Simbahan sa pamamagitan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ayon pa kay Cabral,ang mga kasapi ng PPCRV sa bawat parokya sa lalawigan ay aktibo;at ang PPCRV ng Bulacan ang nanguna sa pagsasalin sa wikang tagalong ang mga impormasyon at polyetong ipinamamahagi para sa voters education.

Inaasahang higit na darami ang susuporta sa paninindigan ng layko ng Simbahan kapag naglabas na ng opisyal na pahayag si Oliveros.

Ayon kay Cabral, kahit hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Obispo kung sino ang iboboto at hindi,malaki ang posibilidad na ang magiging mensahe ng Obispo ay may kaugnayan sa RH Law.

“There will be modification because of the influence of the RH Law, yung mga di pumanig sa paninindigan ng simbahan laban sa RH ay pinaninindigan din ng mga layko na hindi nila iboboto,” ani Cabral.

Kaugnay nito, ibinulgar din ng pari na lahat ng kongresista sa lalawigan ay nakipag-usap sa Obispo bago pagtibayin ng Kongreso ang RH Law.

Sa nasabing pag- uusap, lahat ng kongresistang Bulakenyo ay nangako sa Obispo na hindi nila susuporthan ang RH Bill.

Ngunit ayon kay Cabral tanging si Kinatawan Arthur Robes lamang ng Lone District ng San Jose Del Monte ang nanatilin tapat sa pangako sa Obispo.

Ito ay dahil sa ang iba pang kongresista sa lalawigan ay tuwirang sumuporta sa RH Law, samantalang ang iba ay umalis ng bansa bago pa magbotohan sa kongreso. Dino Balabo