Thursday, October 18, 2012

Aswang sa Bulakan, pinabulaanan

Larawan mula sa sharosem.wordpress.com


BULAKAN, Bulacan—Pinabulaanan ng mga residente ng bayang ito ang kumalat na balita hinggil sa aswang kaugnay ng pagkamatay ng mga baboy at mga itik kamakailan.

Ang nasabing balita at kumalat na rin sa Lungsod ng Malolos kung saan ay may napabalita na ring gumagalang aswang sa Barangay Sabitan.

Ayon kay Dr. Roberto Ramirez ng bayang ito, hindi totoo na aswang ay may kagagawan ng ng pagkamatay ng mga baboy at biik sa Barangay Balubad noong isang linggo.

Sinabi niya na posibleng pinalaki na lamang ang tsismis upang takutin ang mga tao na lumabas kung gabi ngayong nalalapit ang halalan.

“Laging may mga ganyang balita na pinalalaki ng mga tsismis, pag may namatay na hayop, ang itinuturo ay aswang,” ani Ramirez na kandidatong alkalde sa bayang ito.

Ang kanyang pahayag ay inayunan ni Wilfredo Carpio ng Barangay Sta. Ana na nagsabing hindi na uso ang aswang sa panahong ito.

“Moderno na ngayon, di na uso ang aswang, may nananakot lang para dahil nalalapit na ang halalan at hindi dumalo ang mga tao sa mga pulong kung gabi,” ani Carpio na tatlong beses na nahalal na konsehal ng bayang ito.
Larawan mula sa blog.strangenewsdaily.net

Binigyang diin din ni Carpio na batay sa kuwento ng matatanda, ang aswang ay nambibiktima ng mga tao at hindi mga hayo katulad ng baboy at itik.

Natawa naman ang iba pang residente sa nasabing balita at pabirong sinabi na ”anong aswang, wala na nun, pero yung nang-aaswang meron.”

Ang tinutukoy nilang nag-aaswang ay mga kalalakihang naninilip sa mga kababaihan.

Sa Lungsod ng Malolos, kumalat rin ang balita na may gumagalang aswang partikular na Barangay Sabitan.

Ang balita ay ipinahatid ng mga residente sa Radyo Bulacan, isang lokal na himpilan ng radyo sa lalawigan noong Miyerkoles, Oktubre 17.

Batay naman sa naunang pahayag ng beteranong mamamahayag na si Benjamin Gamos na mas kilala sa tawag na “Tatang Ben”, ang pananakot kaugnay ng aswang ay unang ng ginamit ng mga Amerikano sa Pampanga noong dekada 50 at 60.

Sinabi ni Tatang Ben na isang operatiba ng Central Intelligence Agency ng Amerika ang nagdisensyo ng plano upang mapigilan ang pag-oorganisa ng mga Huk sa Pampanga sa pangunguna ni Luis Taruc
“Para hindi lumabas ng gabi ang mga tao at dumalo sa pag-oorganisa ng mga Huk, ginamit nung Amerikano ang konsepto ng aswang,” ani Tatang Ben.

Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng dalawang butas sa leeg ng bangkay ng dalawang hinihinalang Huk.

Nang matuklasan ang mga bangkay kinabukasan, agad na kumalat ang balita na ang mga iyon ay biktima ng aswang na naging sanhin upang matakot ang mga tao.

Sunday, October 14, 2012

Tagumpay ang unang anibersaryo ng BK Hagonoy, medical mission ikinakasa




HAGONOY, Bulacan—Matagumpay na naisagawa ang unang aniberasrayo ng Bahay Kubo ng Anak ng Hagonoy na isinagawa sa Blas Ople Building ng Hagonoy Water District noong Linggo, Oktubre 7.

Kaugnay nito, ikinakasa nila ang pagsasagaw ang isang medical mission sa darating na Oktubre 20.

Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga kasapi ng grupo na nabuo matapos ang pananalasa ng bagyong Pedring at Quiel sa bayang ito noong Oktubre 2011.

Ang Bahay Kubo ng Anak ng Hagonoy ay isa sa maraming grupong nabuo sa Facebook.com, ngunit ito ay naiiba dahil sa kahandaan ng mga kasapi na tumulong sa kanilang mga kababayan.

Sa nagdaang taon, ang grupo ay nakapagsagawa ng ibat-ibang proyekto tulad ng pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga kasaping nasalanta noong nakaraang taon, pamamahagi ng mga laruan sa mga bata.

Pamamahagi ng mga gamit sa pag-aaral ng 294 mag-aaral ng Pugad Elementary School, pangunguna sa pagkukumpuni ng Mababang Lupa Day Care sa Barangay San Agustin at pagkakaloob iskolarsip sa 10 mag-aaral sa elementarya at sekundarya.

Ayon kay Rey Torres, 53, tagapagtatag ng grupo, ang kanilang tulong ay isang maliit na pagbabahagi ng mga biyayang tinanggap mula sa Maykapal.

Si Torres na nagmula sa Barangay Sta. Monica ay kasalukuyang nakabase sa San Francisco, California sa Estados Unidos, at hindi nakadalo sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng  grupon kanyang itinataga, gayunpaman, nakapiling ang kanyang tinig sa pamamagitan ng telepono.

Siya ay nagtapos sa Hagonoy Institute at Manuel L. Quezon University kung saan ay tinapos niya ang kursong Banking and Finance noong 1980. Sa kasalukuayan 22 taon na siya sa ibayong dagat.

Sa panayam ng Mabuhay kay Torres sa pamamagitan ng facebook.com chat, sinabi niya nakita niya ang pinsalang hatid na bagyo aty baha noong nakaraang taon.

Dahil dito, minabuti niyang tumulong aty hinikayat din ang iba pang kasama sa Facebook.com, ngunit hindi lahat ay nagkaloob ng panahon at salapi upang tumulong.

 “Kabilang kami sa isang grupo noong mga oras na yun. Naging instrumento ito upang maipaabot namin ang aming tulong at suporta sa mga minamahal nating kababayan. Sa simpleng pamamaraang alam ko at sa tulong nga ilang mga kaibigan ay nagtagumpay ang aking layunin na makatulong sa aking kapwa,” ani Torres.

Idinagdag pa niya, “hindi ko na inalintana ang pagod at puyat na aking dinanas ng mga panahong iyon, sapagkat ang tunay na mahalaga sa aking puso ay ang naibahagi ko ang aking kakayahan upang tulungan ang mga nangangailangan. Lubos na kasiyahan ang aking nadama lalo pa ng malaman kong marami sa aking mga kasamahan ang aking nahikayat na makiisa at dumamay sa ating mga kababayan.”

Ngunit sa sa kabila ng kanyang pagtulong ay sinuklian ito ng pagbatikos ng ibang kasapi ng grupong dati niyang kinasasapian.

Dahil dito, minabuti niya na itayo ang Bahay Kubo ng Anak ng Hagonoy.

Sa paglalarawan ni Torres ang Bahay Kubo ay nakakahalintulad ng isang tahahan kung saan ang pamilya ay nagmamahalan.

“Sa aking pakikipagusap sa isang espesyal na tao sa aking puso, ay nagtagpo ang kapwa namin isipan sa isang magandang layunin at hangarin para sa ating mga kababayan. Dumating sa punto na napagkasunduan naming bumuo ng isang grupo na ituturing na isang pamilya, na magbubuklod sa mga kababayan nating nagnanais na makatulong sa kapwa kahit na sa simpleng pamamaraan lamang,” ani Torres.

Idinagdag pa niya na noong Ika-2 ng Oktubre 2011 naging abala sila sa pag-iisip ng angkop na pangalan ng grupo.

“Bunga ng tunay na pag-ibig na namamayani sa aming puso, at sa pamilyang nais naming mabuo ay pinili at inihayag namin ang pangalang “Bahay Kubo ng Anak ng Hagonoy.”  Munting tahanan, kung saan mo matatagpuan ang wagas na pagmamahal ng isang ina, ama, kapatid, kaibigan, kapwa at higit sa lahat ay ang dakilamng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan,” kuwento ni Torres.

Iginiit pa niya na ang “tahanang ito ay binuo ng tunay na pag-ibig, respeto at pagkakaisa. Hawak Kamay, Kapit-Bisig nating haharapin ang mga pagsubok, sama sama tayo sa iisang layunin na kailanman ay hindi sasaklaw sa anumang pansaraling interes at pakinabang. “

HALALAN SA 2013: Kapamilya’y kakampi o katunggali sa Bulacan


LUNGSOD NG MALOLOS—Tampok ang tunggalian ng mga magkakapamilya sa halalan sa susunod na taon sa Bulacan batay sa sipi ng certificate of candidacy (COC) na ipinagkaloob ng Commission on Elections (Comelec) sa Mabuhay Online.

Ang kalagayang ito ay nakakatulad ng ilang insidente sa lalawigan noong 2010.

Ngunit kapansin-pansin din sa kasalukuyan ang pagkandidato ng mag-ama sa bayan ng Norzagaray bilang alkalde at bise alkalde. Ang kalagayang ito ay unang nangyari sa lalawigan ng Nueva Ecija kung saan ay nahalal ang magkapatid na Joson bilang gobernador at bise gobernador may anim na taon na ang nakakaraan.

Kapansin pansin din ang pagkandidato bilang kongresista ng dalawang magkapatid sa magkahiwalay na distrito, samanatalang ang anak ng isa ay kandidatong konsehal sa kanilang sinilangang bayan.

Batay sa ulat ng Comelec-Bulacan, magtutunggali sina dating Mayor Edgardo “Sazo” Galvez ng Liberal Party at kanyang anak na si incumbent Mayor Paula Carla Galvez-Tan ng NUP sa bayan ng San Ildefonso sa susunod na halalan.

Mas naging kumplikado ang nalalapit na tunggalian ng mag-ama dahil nagsumite rin ng COC para sa pagka-alkalde ng nasabing bayan si Gerald Galvez, na dating pangulo ng sangguniang kabataan at nahalal ding konsehal ng bayan.
Isang tagpo sa halalan noong 2010.

Si Gerald ay anak ni dating Mayor Gener Galvez na huling nanungkulan noong 1998 sa nasabing bayan at nang babalik sa dating puwesto ay pinatay noong Hunyo 2000.

Si dating Mayor Gener ay nakatatandang kapatid ni dating Mayor Sazo, at tiyuhin ni Mayor Galvez-Tan.

Ang pagtutunggaling ito ng magkakapamilya sa bayan ng San Ildefonso ay ikinagulat ng maraming Bulakenyo, katulad ni dating Bokal Patrocinio Laderas ng Hagonoy.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Laderas na may posibilidad na dalawa mga Galvez ang posibleng umurong sa laban upang magbigay daan sa isang kapamilya.

Kaugnay nito, umuugong na ang balita na maaaring isa sa mag-ama ang uurong sa laban dahil ang tunay daw na kalaban ay si Gerald.


Ang balitang ito ay nagkahugis nang magpahayag ang isang mataas na opisyal ng koalisyong Liberal Party (LP) at National Unity Party (NUP) na hindi pa nila malaman kung sino kina Sazo at Galvez-Tan ang susuportahan ng koalisyon bilang common candidate.

Ang mga Galvez ang naghaharing pamilya sa larangan ng pulitika sa San Ildefonso mula pa noong unang bahagi ng 1990. Nasingitan lamang sila ni Mayor Enrique Viudez II noong 1998 hanggang 2001.

Matatandaan na sa halalan noong 2010 ay nagsagupa rin sa pagkakongresista ng ikatlong distrito ng Bulacan ang mag-amang Ricardo Silverio Sr., at Ricardo Jr.

Sa nasabing laban, ay kapwa sila tinalo ni dating Gob. Joselito Mendoza na nagwagi bilang kinatawan ng ikatlong distrito.

Sa bulubunduking bayan ng ng Donya Remedios Trinidad, magtutunggali naman sa pagka-mayor ang magpinsang buo na sina incumbent Mayor Ronaldo Tigas Flores (NUP) at Abogado Rustico Tigas De Belen na kandidato bilang indipendiente

Si De Belen ay ang dating hepe ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (Benro) na nagbitiw sa tunggkulin nitong Setyembre.

Bukod sa kanilang dalawa, kandidato rin bilang konsehal ng DRT ang isa nilang kaanak na si Oliver Tigas De Belen na nasa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL).

Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay nagkaroon ng mag-amang kandidato sa iisang bayan na magkatiket sa dalawang pangunahing halal na posisyon. Ito ay sina incumbent Mayor Feliciano Legazpi ng Norzagaray at ang kanyang anak na si Konsehal Arthur ng NUP.

Ang mga Legazpi ang naghaharing pamilya sa pulitika sa nasabing bayan mula pa noong 1995 ng maahalal na alkalde si Feliciano. Noong 2004, nahalal ang kanyang maybahay na si Dra. Matilde at noong 2007 ay nagbalik si Feliciano.

Ayon sa mga resident eng Norzagaray, ang pamamayani sa pulitika ng pamilya ay dahil sa mahusay na pamamahala at pamumuno ng mga Legazpi. Isang halimabawa nito ay ang pagpapataas ng taunang pondo ng bayan dahil sa maayos na paniningil ng real property tax sa mga higanteng pabrika ng semento.

Mula noong nakaraang taon, ang Norzagaray ay isa mga bayan sa lalawigan na itinuturing na kwalipikado upang maging isang lungsod dahil sa pagkakaroon ng mahigit sa P100-milyon koleksyon sa buwis sa loob ng nagdaang limang taon.

Sa hanay naman ng mg akandidatong kongresista ay nakatawag ng pansin ang sabayang pagkandidato ng magkapatid na Kinatawan Joselito Mendoza at Dr. Pedrito Canisio Mendoza sa magkahiwalay na distrito.

Si Kinatawan Mendoza ay muling kakandidato bilang kinatawan ng ikatlong distrito; samangtalang ang kanyang kapatid na si Dr. Pedrito ay kandidato ng LP sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng lalawigan.

Balik-tanaw sa halalan sa Bocaue noong 2010.
Ang ikalawang distrito ng lalawigan ay binubuo ng mga mga bayan ng Baliwag, Bustos, Pandi, Plaridel, Guiguinto, Balagtas at Bocaue kung saan nagmula ang pamilya Mendoza na ang pimnakatanyag na kasapi ay si dating gob. Josefina Mendoza-Dela Cruz na ngayon ay postmaster general ng Philippine Postal Corporation (Philpost).

Sa kabila naman ng pagkandidato ni Kinatawan Joselito sa ikatlong distrito, ang kanyang anak na si Josef Andrew Mendoza ay kandidato naman bilang konsehal sa Bocaue, ang bayang kanilang sinilangan.

Si Josef Andrew ay kandidato rin sa ilalim ng LP kasama si Mayor Eduardo Villanueva Jr.

Ang iba pang kandidato na magkapamilya ay sina Gob. Wilhelmino Alvarado at kanyang maybahay na si Kinatawan Marivic ng unang distrito ng lalawigan.

Pareho namang bokal ang hinahabol na posisyon ng magpinsang buo na sina Bokal Felix at Therese Cheryll Ople. Sila ay anak nina dating Senador Blas F. Ople at kapatid na si dating Bise gob. Bernardo Ople.

Ang kapatid naman ni Therese Cheryll na si Bernardo Jr., ay kandidatong konsehal ng Malolos.

Bukod sa kanila, may mga kandidato rin na nais ipagpatuloy ang nasimulan ng kanilang kaanak.

Sa bayan ng Calumpit, inendorso ni Mayor James De Jesus ang kanyang kapatid na si Jessie bilang kandidatong mayor sa ilalim ng NUP.

Sa Baliwag, inindorso ni Mayor Romeo Estrella ang kanyang anak na si Ferdinand bilang kandidatong alkalde sa ilalim ng bandila ng NUP; at sa Balagtas nais mapahaba ni Mayor Romeo Castro ang pananatili ng pamilya sa paghawak ng tungkulin.

Gayundin sa bayan ng Bulakan kung saan ay nakaatang sa balikat ni Mayor Patrick Neil Meneses ang responsibilidad na mapanatili ang pamilya sa pamamayani sa larangan ng pulitika na nagsimula pa noong 1956.

Sa lungsod ng Malolos, magkahiwalay naman ang partidong kinabibilangan ng magkapatid na Christian at Theodore Natividad. Bilang incumbent mayor, si Christian ay kabilang sa LP samantalang si Theodore ay kandidatong konsehal sa ilalim ng bandila ng United Nationalist Alliance (UNA).

Ang dalawa ay kapwa anak ng yumaong  Kinatawan Teodulo Natividad, ngunit magkaiba ang kanilang ina.

Saturday, October 13, 2012

STA. MARIA Complete List of Candidates


STA. MARIA
MAYOR
Barcia, Rogelio Germar, LP
Ramos, Bartolome Del Rosario, NUP

VICE MAYOR
Buenaventura, Noel Hernandez, LP
Sto. Domingo, Rico Jude Policarpio, NUP

COUNCILOR
Aguilar, Lailanie Porciuncula,LP
Barcial, Angelito Gatchalian, LP
Caguiat, Froilan, Capili, NUP
Cruz, Ma. Carina Geronimo, LP
De Guzman, Renato Jr., De Leon, NUP
Del Rosario, Mariano Jr., Juan, LP
Gino Cruz, Rosa Balonzo, LP
Lorenzo, Potenciano Lucio, NUP
Luciano, Nelson Carmelo Villaluz, NUP
Morales, Oscar Diaz, LP
Perez, Roberto Bernardo, NUP
Pleyto, Salvador Juan Jr., Guballa, NUP
Ramos, Esperanza San Gabriel, LP
Santos, Eustacio Delos Santos, NUP
Sta. Ana, Teofilo Sto. Domingo, NUP
Victolero, Marife Celestino, LP