Pages

Wednesday, January 4, 2012

2011 TOP STORIES: #7. NEGOSYO at EKONOMIYA

BCDA's Tong Payumo (l) at North Luzon Area Business Conference held in Malolos.

New business.  Barasoain fastfood at the Barasoain bakeshop.




Ang kampanya laban sa mga daga at botyang karne ay bahagi rin ng kampanya para sa pagpapatibay ng ekonomiya ng lalawigan.

Ito ay dahil sa pananalasa sa mga pananaim ng mga daga; at ang unti-unting pagtumal ng benta ng karne baboy sa mga pamilihan na nakakaapekto sa negosyo ng mga mangangalakal, maliit man o malaki.
Isinulong naman sa North Luzon Area Business Conference na isinagawa noong Agosto sa Agatha Resort sa Tikay, Malolos ang kapakanan ng mga negosyante sa lalawigan sa pamamagitan ng pagsasatinig ng kanilang pangangailangan.

Kabilang dito ay ang kahalagahan ng pagtutuloy ng kontruskyon ng proyektong NorthRail na hanggang sa kasalukuyan ay nakatiwangwang pa rin.

Malungkot namang regalo ang ipinagkaoob ng NorthRail sa 70 kawani noong Mayo 1 ng sibakin ang mga ito sa trabaho.

Iginiit naman ng mga negosyante ang kahalagahan ng konstruksyon ng Bulacan Coastal Highway para sa higit na kaunlaran ng baybayin ng Bulacan bukod sa proteksyon laban sa hightide.

Magandang balita naman ang hatid ng Iglesia ni Cristo  (INC)sa lalawigan dahil sa bayan ng Bocaue nila itatayo ang Philippine Arena, ang sinasabing pinakamalaking dome shaped arena sa buong mundo.

Ayon sa mga opisyal ng INC, aabot sa P9-Bilyon ang kanilang gugugulin para sa nasabing proyekto  na inaasasahang matatapos sa 2014 kung kailan ipagdiriwang nila ang ika-100 taong pagkakatatag ng simbahan.

Sa kabila nito ay ang malungkot na epekto ng pagbaha sa mga pangisdaan at sakahan sa lalawigan na ayon sa PDRRMO ay umabot sa P2.5-B ang pinsala.

Bukod dito, sinabi ng mga namamalaisdaan sa lalawigan na aabutin ng isang taon bagio sila muling makabangon dahil sa pinsala sa kanilang mga dike o pilapil.

Ikinalungkot naman ng mga magsasaka ang kakulangan ng ayuda ng Department of Agriculture (DA) sa mga nasalanta ng pagbaha.

Maging ang industriya ng paputok sa lalawigan ay patuloy sa paghihingalo sa kabila ng magandang benta sa pagsalubong sa 2011.

Ito ay dahil sa malamyang pagpapatupad ng gobyerno sa mga itinatakda ng Republic Act 7183 o ang batas sa paputok.

Patuloy naman ang pagsisikap ni Rosie Decasa sa pagpapaunlad ng industriya ng paghahabi ng sombrerong buntal sa Baliuag, kung saan ay maging mga bilanggo sa Bulacan Provincial Jail ay tinuruan nila.

No comments:

Post a Comment