Pages
▼
Wednesday, January 4, 2012
2011 TOP STORIES: #6. Kalusugan
Ang pagtiyak sa kalusugan ng bawat Bulakenyo ay isa sa pangunahing layunin ni Gob. Alvarado kaya’t sunod-sunod ang ipinatupad na proyekto.
Kabilang dito ay ang malawakang kampanya laban sa dengue, ngunit sa kabila nito ay patuloy ang pagkakaroon ng mga insidente.
Naglunsad din ng kampanya laban sa rabies ang kapitolyo. Ang dalawang kampanya ay sinangkapan pa ng libreng gamot at hospitalisasyon
Ayon sa kapitolyo, naging dahilan ito upang lalong tumaas ang naitalang kaso ng dengue at rabies sa lalawigan, ngunit ang lalawigan din ang sinasabing may pinakamataas na recovery rate ng mga pasyente dahil agad na nalapatan ng lunas.
Bukod dito,binuksan din ng kapitolyo ang dialysis center at cancer center sa bulacan Medical center kung saan ay maliit lamang ang binabayan ng mga pasyente dahil sa subsidiyang ipinagkakaloob ng kapitolyo.
Upang higit namang mapalawak ang serbisyong pangkalusugan ng kapitolyo, inihahanda na ang pagpapatayo ng dagdag na mga districty hospital sa Obando, Plaridel, Angat, Norzagaray, at Pandi.
Sinimulan na rin ang rehabilitasyon ng Emilio G. Perez Memorial District Hospital sa Hagonoy na katulad ng Calumpit District Hospital ay lumubog sa baha noong Setyembre at Oktubre.
Sa bayan ng Bulakan, natapos ang konstruksyon ng dagdag na pasilidad ng Gregorio Del Pilar District Hospital.
Bukod naman sa dengue at rabies, isa sa insidenteng humamon sa kakahayan ng mga duktor sa lalawigan ay ang insidente ng food poisoning sa Calumpit noong Hunyo kung saan ay halos 100 katao ang naospital.
Biloang pagtugon din sa mga posibleng sakit na hatid ng mga daga at botyang karne, naglunsad din kampanya laban sa mga ito ang pamahlaang panglalawigan.
Sa kampanya laban sa mga dagang pumipinsala sa kabukiran, mahigit sa 100,000 daga ang napatay; samantalang daan-daang kilo ng botyang karne ang nahuli sa lalawigan.
No comments:
Post a Comment