Pages

Friday, January 6, 2012

2011 TOP STORIES:#1. Kalamidad







Sa taong nagdaan, sinagasa ng sunod-sunod na hagupit ng kalikasan ang Bulacan.

Masusing tinutukan ito ng Mabuhay, partikular na ang pinakamalalim na bahang naitala sa loob ng nakaraang 40-taon na nagpalubog.sa mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, at ilang bahagi ng Malolos noong Setyembre at Oktubre.

Sa nasabing pagbaha, lumutang ang malinaw na katotohanan na kapos ang kakayahan ng mga pamahalaang lokal hindi lamang sa pagtugon sa katulad na kalamidad, kundi maging sa paglaban dito.

Ilan sa malilinaw na kakulangan na dapat paunlarin ay ang paghahatid ng mga babala sa taumbayan, paghahanda ng linya ng komunikasyon, transportasyon at pagpapataas ng kakayahan ng taumbayan sa pamamagitan ng paghahatid ng dagdag kaalaman.

Ang mga pagkukulang na ito ay pinuntusan ng Mabuhay sa magkakasunod na editoryal upang ipaalala sa mga namumuno ang kanilang sinumpaang tungkulin na bigyang proteksyon ang mamamayan.

Bago tuluyang lumubog ang mga nasabing bayan at nauna ng lumbog ang mga barangay sa bayan ng San Miguel sanhi ng pagkasira ng Bulo Dam na ayon sa Sangguniang Panglalawigan ay halos P20-Milyon ang nagastos ng kapitolyo mula ng mailipat ang pamamahala nito mahigit limang taon na ang nagdaan.

Batay sa pagtaya ng Provinciual Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMC), umabot sa halos P3-Bilyon ang napinsala ng mga pagbahang hatid ng bagyo sa Bulacan sa nagdaang taon.

Kabilang dito ang pagbahang hatid ng bagyong Falcon noong Hunyo.

Bukod sa mga pinsalang ito, dalawang beses ding sinagasaan ng buhawi ang bayan ng Calumpit, bukod sa naitalang kaso ng food poisoning noong Hunyo kung saan ay halos 100 katao ang naopistal matapos ang isang birthday party.

No comments:

Post a Comment