Pages

Tuesday, February 21, 2012

3 pulis, 2 pa kinasuhan sa San Miguel murder



 
SAN MIGUEL,  Bulacan—Tatlong pulis, kabilang ang isang close-in body guard ni Mayor Roderick Tiongson ang kinasuhan ng murder dahil sa tangkang pagpatay sa isang kapitan na ikinamatay ng dalawang body guard nito.
 
Mariin namang itinanggi ni Tiongson ang pagdadawit sa kanya sa tangkang pagpatay kay Jonh “Bong” Alvarez, ang kapitan ng Brgy. Sta. Ines ng bayang ito na tinangkang paslangin noong Pebrero 6 ng hapon.
 
Nasawi sa nasabing pagtatangkang ang dalawang bodyguard ni Alvarez na sina Roelito Vidal, 52; at Josefino Alvarez, 39, samantalang ang kapitran at si Pascualito Banquillo na isa ring bodyguard ay nasugatan.
 
Batay sa sipi ng demanda, ang mga kinasuhan ay sina SPO2 Angelito Vera Cruz Liwag, PO3 Antonino Timoteo, at PO1 Alex Dayao.
 
Bukod sa kanila, dalawa ang ang kinasuhan na nakilala la,ang sa mga pangalang “Jane Doe” at “Sherwin.”
 
Batay sa kanyang sinumpaang salaysay, sinabi Alvarez na ang talong pulis ay pawang close in bodyguard ni Tiongson, ngunit itinanggi ito ng sumukong si Timoteo na nagsabing si Liwag lamang ang close-in bodyguard ng alkalde.
 
Ayon sa salaysay ni Alvarez nakita niya si Liwag habang nagpaputok ng kalibre 45 pistol at si Dayao habang pinapuputukan ng M-16 assault rife ang kanyang mga body giard.
 
Ipinahayag pa niya niya na siya ang target ng pamamaslang dahil habang nasa loob siyta ng Jessica Facial Spa sa Brgy. San Juan sa bayang ito ay tinangka pa siyang pasukin nina Liwag at Dayao.
 
Hindi nakapasok ang dalawa sa loob ng Spa dahil naikandado ni Liwag ang pinto nito, ngunit pinagbabaril pa rin ng mga pulis ang loob ng Spa.
 
Ayon kay Alvarez, kilala niya ang dalawang pulis at wala siyang atraso sa mga ito, maliban sa ang mga ito ay body ni Tiongson.
 
Iginiit pa niya na na siya ay nagdeklara na ng intension na kumandidatong alkalde sa 2013 bilang katunggali ni Tiongson.
 
Maliban naman kay Dayao, sina Liwag at Timoteo ay kapwa isinailalim sa restrictive custody sa Kampo Heneral Alejo Santos sa lungsod ng Malolos.
 
Batay naman sa salaysay ng sumukong si Timoteo, sinabi niya na hindi siya body ni Tiongson, dahil siya ay kasapi ng intelligence group ng pulisya ng San Miguel.
 
Sa kanyang salaysay, kinumpirma niya na sina Liwag at Dayao ang bumaril sa dalwang bodyguard ni Alvarez, at maging sa kapitan.
 
Ikinuwento pa ni Timoteo nab ago maganap ang pamamaslang ay nag-iinuman sila nina Liwag at Dayao sa Brgy. Poblacion ng bayang ito ng may dumating na babae ay niyaya sila sa Brgy. Sta. Rita.
 
Pagdating nila sa Jessica Facial Spa na di kalayuan sa hangganan ng Brgy. St. Trita at San Juan ay biglang bumaba sa motorsiklo pinagbabaril ang mga bodyguard ni Alvarez.
 
Sa kabilang ng pagiging pulis, hindi agad iniulat ni Timoteo ang insidente, sa halip ay umuwi sa bahay at natulog.
 
Si Timoteo ay sumuko sa Panglalawigang Tanggapan ng Pulisya sa Kampo Heneral Alejo Santos matapos na diumano’y maramdaman iya na may umaaligid na kalalakihan sa kanyang tahanan.
 
Samantala, itinanggi ni Tiongson ang pagdadawit sa kanyang pangalan dahil sa pagiging malapit sa kanya ni Liwag.
 
Iginiit niya na wala silang alitan ni Alvarez at sa kabila ng paghahayag nito ng interes na pagkandidato, sinabi niya na malayo pa ang susunod na halalan.
 
Nagpahiwatig din si Tiongson na may mataas na pulitiko at at isang heneral ng pulisya na nagnanais na sirain siya,
 
Kaugnay nito, kapansin-pansi ang pagiging tahimik ng kapulisan sa lalawigan sa pangunguna nina Senior Supt. Fernando Mendez, ang direktor ng pulisya sa lalawigan at ni Supt. Adriano Enong Jr., ang itinalagang hepe ng pulisya San Miguel.
 
Si Enong din ang itinalagang tagapamuno ng itinayong Task Force Alvarez ngunit sa kabila ng ilang pagtatangka ng mamamahayag na ito na kapanayamin siya, hindi tumugon si Enong.

No comments:

Post a Comment