Pages

Tuesday, February 7, 2012

Aspiranteng mayor nmg San Miguel nakaligtas sa tangkang pamamaslang, 2 bodyguard patay

MALOLOS CITY—Isang aspirante sa pagka-alakalde ng bayan ng San Miguel at kapangalan ng baketbolistang si Bong Alvarez ang himalang nakalkigtas sa pamamaril samantalang dalawang bodyguard niya ang namatay.

Kinilala ni P/Supt. Fernando Mendez ang biktimang nakaligtas na si John “Bong” Alvarez, isang negosyante, kapitan ng Brgy. Sta. Ines at aspirante sa pagka-alkalde ng San Miguel sa susunod na taon.  Siya ay nadaplisan ng bala sa kanan braso.

Namatay naman sina  Ruel Vidal, 52, ng Brgy. Tibagan, at Josefino Alvarez ng Brgy. Sta.Ines na kapwa bodyguard ng kapitan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok si Alvarez sa Jessica Spa sa Brgy. San Juan San Miguel bandang alas-5:30 ng hapon noong Lunes ng biglang paputukan ng tatlong lalaking nakasakay sa iisang motorsiklong Yamaha Neo na kulay asul..

Agad na tinamaan si Vidal, samantalang nakipagpalitan pa ng putok sa mga suspek si Josefino.

Sa pagkakataong ito, dumating ang isa pang suspek na sakay ng isang motorsiklo at armado ng M-16.

Ayon kay Kap. Alvarez, tinadtad ng bala ng ika-apat na suspek ang pinto ng Jessica Spa upang makapasok at mapatay siya, ngunit hindi ito nagtagumpay.

Bago tuluyang lumisan ang mga suspek, naghagis pa ang mga ito ng isang Granada ngunit pumutok, at binaril sa ulo ang mga sugatang sina Vidal at Josefino.

Sa panayam kay Kap. Alvarez, sinabi niyang wala siyang kilalang kaaway, ngunit sa ulat ng pulisya, binigyang diin sa huling bahagi na si Alvarez at nagdeklara ng kandidatura bilang alklade ng San Miguel sa susunod na taon.

Kasalukuyan pang nag-iimbestiga ang pulisya upang matukoy ang motibo sa pamamaslang, ngunit isa sa kinukunsidera nila ay ang anggulo ng pulitika.

Nakarekober ang pulisya ng isang Granada at maraming basyo ng bala mula sa M-16 at kalibre .45 mula sa crime scene.

No comments:

Post a Comment