Pages

Sunday, February 19, 2012

Robes suportado ng SP, pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa



MALOLOS—Suportado ng mga kasapi ng Sangguniang Panglalawigan (SP) si Bokal Romeo Allan Robes na ngayon ay nahaharap sa kasong homicide matapos mapatay ang dating boyfriend ng kanyang biyenan.

Kaugnay nito, inaasahang dadalo na mga susunod na sesyon ng SP si Robes na pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa noong Lunes, Pebrero 13.

“Naniniwala kami na ipinagtanggol lamang ni Bokal Allan (Robes) ang kanyang pamilya, dahil sinuman ang malagay sa ganoong sitwasyon ay gagawin ang ginawa niya,” ani Bise Gob. Daniel Fernando sa panayam ng Mabuhay matapos ang sesyon ng SP noong Martes, Pebrero 14.

Sa nasabing sesyon, inihain ang pagpapatibay ng isang resolusyon na nagpapahayag ng suporta ng buomng sanggunian kay Robes.

Ayon kay Fernando, bawat isa sa kanila ay nagulat sa balitang napatay ni Robes si Noel Orate, ang dating boyfriend ni Nanette Daza, ang dating kinatawan ng Lungsod ng Quezon.

Si Daza ay ina ni Jessica Daza, ang konsehala ng Lungsod ng Quezon at asawa ni Robes.  Si Jessica pitoing buwang buntis.

“Tahimik at maginoo si Bokal Allan, at nagmula sa mabuting pamilya, kaya na-shock kami sa balita,” ani Fernando.

Ito ay inayunan din nina Bokal Ramon Posadas, Michael Fermin at Felix Ople.

Katulad ng resulta ng paunang imbestigasyon ng Quezon City Police District, sinabi ng mga Bokal na nagtanggol sa lamang sa sarili at pamilya si Robes.

Batay naman sa pahayag ng pamilya Daza, pasado alas-10 ng gabi noong Pebrero 10 ng dumating si Orate sa kanilang bahay na matatagpuan sa Brgy. Teacher’s Village East sa Lungsod ng Quezon.

Medyo lasing daw si Orate at pinilit na buhaying muling relasyon sa dating kinatawan.

Ngunit tumanggi si Daza na ikinagalit ni Orate kaya nagbunot ito ng baril at nagbantang kung hindi sasama si Daza, uunahin siyang patayin kasunod ang buntis na si Jessica at si Bokal Robes.

Ayon naman sa mga source ng Mabuhay, nagkataong dumalaw si Robes at asawang si Jessica sa bahay ni Daza ng araw na iyon.

Sa oras daw ng pagbabanta ni Orate kay Daza ay nakatutuok pa ang baril nito sa ulo ng dating kongresista, kaya’t nagwala ang huli at nakahulagpos.

Sa pagkakataon ito, agad na bumunot ng baril ni Robes at pinaputukan hanggang mapatay si Orate.

Si Robes ay kusang sumuko sa mga rumespondeng pulis ng masalubong siya ng mga ito sa gate ng bakuran ng kongresista.

Siya ay sinampahan ng kasong homicide at nagpiyansa noong Lunes, ngunit hindi pa nakadalo sa sesyon ng SP ng sumunod na araw.

“Baka magpapahinga muna, medyo traumatic ang pinagdaanan niya,” ani Fernando.

Una rito, sinabi nni Fermin na walang makakapigil sa muling pagdalo ni Robes sa mga sesyon ng SP dahil hindi pa itonahahatulan.

“Hindi pa siya convited, he is welcome to join the session,” ani Fermin patungkol kay Robes.

Si Robes na nagmula sa Lungsod ng San Jose Del Monte ay unang nahalal bilang Bokal ng ika-apat na distrito noong 2010 automated elections.

Siya isa sa mga dating kawani sa Kongreso ng kanyang pinsang si Kinatawan Arthur Robes ng Lone District of San Jose Del Monte.

No comments:

Post a Comment