Pages

Sunday, February 19, 2012

SHOWTIME: Producers, ipatatawag ng SP, ipinakokondena


MALOLOS—Ipatatawag ng Sangguniang Panglalawigan (SP) ang mga producer ng Show Times, isang game show sa ABS-CBN Channel 2, matapos na imungkahing kondenahin ang nasabing palatuntunan.
Ito ay dahil sa pagbubulgar ni Bokal Enrique Dela Cruz na tinawag ng isasa mga host ng Showtime ang bayan ng Baliuag bilang “bayan ng mga baliw” at ang Baliuag University (BU) bilang “paaralan ng mga baliw.”
Ayon kay Bise Gobernador Daniel Fernando, dapat ipaliwanag ng mga producers at editor ng nasabing palatuntunan ang pagbibigay ng masamang imahe sa bayan ng Baliuag.
 “Hindi natin palalampasin ito, karangalan nating mga Bulakenyo ang nakataya dito,” ani Fernando sa panayam ng Mabuhay matapos ang sesyon noong Martes, Pebrero 14.
Gayunpaman, nanatiling malumanay ang pahayag ni Fernando sa kabila ng panawagan ni Dela Cruz na kondehanin ng SP ang “Show time.”
Ayon kay Dela Cruz, isang insulto para sa mga mamamayan ng Baliuag at ng lalawigan ang mga pahayag ng artistang si Anne Curtis sa isang segment ng “Showtime.”
 “Tinawag nila ang Baliuag bilang bayan ng mga baliw at ang  Baliuag University paaralan ng mga baliw.  Hinihiling kong kondenahin ng Sangguniang ito ang Show Time,” ani ng Bokal na nagmula sa bayan ng Baliuag.
Iginiit pa niya na bilang isa sa mga tagahanga ng Showtime, masamang imahe ang inilarawan nitong imahe ng Baliuag.
Binigyang diin niya na ang Baliuag ay bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas dahil sa nasabing bayan isinagawa ang kauna-unang halalan sa bansa.
Bukod dito, ang Baliuag ay isang first clas municipality at may pinakamaraming bangko, paralan at shopping mall sa lalawigan.
Ang BU naman ay kinikilala ng  Commission on Higher Education (CHED) dahil sa mataas na kalidad na edukasyon na hatid sa mga mag-aaral.
Ayon kay Dela Cruz, ang BU ay isa sa mga kauna-unhang pribadong pamantasan sa Gitang Luzon na binigyan ng autonomy at deregulated status ng CHED.

No comments:

Post a Comment