Pages

Friday, March 16, 2012

Balagtas interchange pasisinayaan, Plaridel by-pass madadaanan na



MALOLOS CITY—Handa na ang Manila North Tollways Corporation (MNTC)  para pasinayaan ang Balagtas Interchange sa Bulacan sa Marso 20.

Ang pagbubukas ng interchange ay inaasahang magpapaluwag ng daloy ng trapiko sa Sta. Rita toll plaza sa North Luzon Expressway (NLEX); at higit na magpapaunlad sa mga bayan sa silangan ng Bulacan at Gitnang Luzon.

Ito ay dahil sa ang Balagtas Interchange ay magsisilbing panibagong daan para sa mga sasakyang nagmumula at nagtutungo sa silangang Gitna at Hilagang Luzon, at dumadaan sa 84-kilometrong NLEX.

Ayon kay Marlene Ochoa, ang vice president for corporate communications of the MNTC, ang Balagtas interchange ay bahagi lamang ng 6-kilomentrong Plaridel bypass road project.

Ang Plaridel By-pass road project ay bajhagi naman ng 24-kilometrong arterial road project  na pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang nasabing 24-kilometer arterial road project ay mag-uugnay sa NLEX sa Barangay Maasim, San Rafael Bulacan.  Ito ay pinondohanng malakayang ng halagang P3-Bilyon.

Hindi pa natatapos ang kabuuan ang arterial road project, sa halip ay anim na kilometero pa lamang ang natatapos.

Gayunpaman, sinabi ni Mayor Lorna Silverio ng San Rafael na kasalukuyan ng tintukoy ng DPWH ang mga loteng dadaanan ng proyekto sa bayan ng San Rafael.

“Baka in two years matapos na iyan, kaya mabibilis ang biyahe from San Rafael to Quezon City; mga 30 minutes na lang,” ani Silverio.

Iginiit din niya na ang proyekto ay higit na magpapaunlad sa kalakalan sa kaniayng bayan at mga kalapit na bayan.

Noong nakaraang taon, sinabi ni Silverio, umabot sa P500-M ang kabuuang puhunan na ibinuhos ng mga negosyante sa San Rafael.

Hinggil pa rin sa konstruksyon ng arterial road project sa kanyang bayan, sinabi ng alkalde na nagpahayag ng interes ng MNTC na ito pondohan.

Inayunan naman ito ni Rodrigo Franco, ang pangulo at CEO ng MNTC.

Ayon kay Franco, kung papaya gang Malakayang, nakahanda ang MNTC na pondoha ang konstruksyon ng nalalabing bahagi ng arterial road project.

Matatandaan na ang nasabig proyekto ay pinondohanng P3-B ng administrasyong Arroyo may tatlong taon na ang nakakaraan.

Ito ay sa pagsisikap ni Silverio na noo’y nagsisilbing kongresista ng ikatlong distrito ng Bulacan.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment