Pages

Saturday, March 17, 2012

Plantang nagsusunog ng gulong tuluyang ipinasara



GUIGUINTO, Bulacan—Tuluyan ng ipinasara ang planta ng Bio-Eco Solutions Inc., sa Brgy. Tabang ng bayang ito noong Biyernes, Marso 16.

Ayon sa Environmental Management Bureau (EMB) sa Gitnang Luzon, lumabag sa batas ang nasabing planta kahit na ito at pinagbawalan na nilang magsagawa ng operasyon sa pamamagitang ng paghahain ng cease and desist order (CDO).

Ang CDO ay inihain sa Bio Eco Solutions ng EMB kasama si Gob. Wilhelmino Alvarado noong Marso 6 matapos ireklamo ng mga residente ang mabahong usok at abo na na nagmumula sa planta na nagsusunog ng lumang gulong upang makatas ang langis doon.

Ayon kay Alvarado, hindi nila papayagang magsagawa ng operasyon sa lalawigan ang anumang 
establisimyentong ng maghahatid ng banta sa kalikasan at kalusugan ng mamamayan.

“Anything that is destructive is not welcome in Bulacan,” ani ng gobernador.

Nilinaw din nihya na anumang kumpanya ay maaaring mamuhunan at magnegosyo sa Bulacan basta susunod sa itinatakda ng batas at hindi makakasira sa kalikasan.

Ang pangangalaga ng kalikasan at pagtiyak sa kalusugan ng mga Bulakenyo ay kabilang sa pitong puntong adyenda ng administrasyong Alavarado.

No comments:

Post a Comment