Pages

Wednesday, March 14, 2012

“Love from Taiwan” ipamamahagi ng embahador sa Hagonoy at Calumpit


MALOLOS- Pangungunahan ni Ambassador Raymond L.S. Wang, kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office ang pamamahagi ng bigas na tinawag na “Love from Taiwan” sa ika-15 ng Marso sa Calumpit at Hagonoy, mga pinakaapektadong bayan na sinalanta ng mga bagyong Pedring at Quiel.

Sinabi ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na nagpapasalamat ang Bulacan sa donasyong ipagkakaloob ng People’s Republic of China (Taiwan).

“Malaking tulong ito para sa mga talaga namang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo, at
nagpapasalamat tayo na bagaman ilang buwan na ang nakalilipas ay patuloy pa rin ang mga tulad ng Taiwan na nagpapadala ng tulong para sa atin,” ani Alvarado.

Ayon kay Jim Valerio, Panlalawigang Tagapangasiwa, dalawang libong supot ng bigas na naglalaman ng tig-sampung kilo ang ipamamahagi sa dalawang libong apektadong pamilya mula sa mga nasabing bayan.

Sa ganap na ika-3:20 ng hapon, darating si Ambassador Wang sa Kapitolyo at tutuloy sa
Hagonoy Central School sa Barangay Sto. Niño para sa seremonyal na pamamahagi ng bigas
kasama sina Gob. Alvarado at Bise Gob. Daniel Fernando. Pagkatapos nito, tutuloy naman sila sa Calumpit Covered Court sa Barangay Poblacion upang mamahagi din ng bigas.

Susundan ito ng maikling programa sa Hiyas ng Bulacan Pavilion kung saan masasaksihan ang isang cultural presentation, gayundin ang iba pang gawaing makapagpapakilala sa lalawigan.

“We’re hoping that this occasion will also further strengthen our ties with them,” dagdag pa ng gobernador.

No comments:

Post a Comment