Pages

Wednesday, April 18, 2012

FUTBulakenyos, 4 pang koponan magsasagupa sa CLFL


MALOLOS—Limang koponan kabilang ang isa na binubuo ng mga Koreano sa Subic Bay ang magsasagupa sa unang season ng Central Luzon Football League na sisimulan sa Mayo 13.

Ang mga koponan ay binubuo ng FUTBulakenyos, Amihan Football Club ng Subic Bay, Subic Football Club na binubuo ng mga manlalarong Koreano, Tarlac Football School at ang Pampanga Football Club ni Larry Simon.

Ayon kay John Bayarong, ang mamamahayag na nag-organisa ng palaro, inaasahang tatagal ng tatlong buwan ang kumnpetisyon.

Bukod dito, ang mga laro ay isasagawa sa mga lalawigang may kinatawang koponan.

“We intend to promote football in Central Luzon through this league and discover talents and future sportsmen,” ani Bayarong sa isang email na ipinadala sa mamahayag na ito.

Ang unang sagupaan sa CLFL ay isasagawa sa lalawigan ng Tarlac kung saan ay maraming football field.

Ang CLFL ay ang kauna-unahang liga ng football sa rehiyon.

Kaugnay nito, ang koponan ng Bulacan na tinaguriang FUTBulakenyos ay ang itinautring na team to beat sa CLFL.

Ito ay dahil sa ang mga manlalaro ng FUTBulakenyos ay nagmula sa Bulacan State University (BulSU) at apat na sunod na taong kampiyon sa State Colleges Universities Athletic Association (SCUAA) Region III.

Ayon kay Emmanuel Robles, isang guro sa BulSU at coach ng FUTBulakenyos, siyam na kasapi ng koponan na nagwagi sa huling SCUAA-III ang nantili sa koponan.

“Graduate na iyong ibang players, but we still have the core,” ani Robles.

Iginiit pa niya na maging sa palarong Xang-Li-7-A Football Festival noong nakaraang taon ay nagkampion ang FUTBulakenyos.

Ang palarong Xang-Li ay nilalaro lamang ng pitong manlalaro sa bawat koponan, sa halip na 11.

Ito ay muling isasagawa ngayong Linggo, Abril 22 sa Pampanga Agricultural State College (PASC) sa bayan ng Magalang sa Pampanga.

Ayon kay Robles, hinati niya sa talawang koponan ang FUTBulakenyo sa kanilang paglahok sa Xang-Li.

Bukod sa dalawang koponan ng FUTBulakenyos, apat pang kponan sa Bulacan ang lalahok sa nasabing palaro.

Kabilang dito ay ang Agila Ladies FootBall Club na nagkampiyon din noong nakaraang taon ngunit ngayon ay hinati rin sa dalawang koponan.

Lalahok din sa Xang-Li Football Festival ang Bulacan Sunday United na maaaring hatiin sa dalawang koponan. 

No comments:

Post a Comment