Pages

Wednesday, April 25, 2012

Mabuhay, 6 pang natatanging pahayagan, pinarangalanng PPI





MAYNILA—Pitong natatangging pahayagan,kabilang ang dalawa na nakabase sa Gitnang Luzon ang tumanggap ng parangal sa taunang Community Press Awards ng Philippine Press Institute.

Ito ay bahagi ng dalawang araw na ika-16 na National Press Forum at taunang pangkalahatang pulong ng mga kasapi ng PPI na isinagawa sa Traders Hotel Manila  kung kailang pagbubukas ay tinampukan ng keynote address ni Pangulong Benigno  noong Abril 23.

Pinangunahan naman ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang gabi ng parangal sa pamamagitan ng kanyang talumpati.

Sa 12 parangal na ipinagkaloob na nahahati sa dalawang pangunahing kategorya, namayani ang mga pahayagang nakabase sa Luzon at Mindanao matapos na humakot ng tig-limang parangal, samantalang ang dalawa ay natanggap ng pahayagang nakabase sa Visayas.

Sa kategorya ng mga pahayagang inilalathala araw-araw, ang mga nagsipagwagi ay ang
Sun.Star-Davao na sumungkit sa mga parangal na Best in Photojournalism, Best in Business and Economic Reporting, at Best Editorial Page awards; samantalang tinanggap ng Sun.Star-Cebu ang Best in Culture and Arts Reporting at Best Edited Community Newspaper awards; at ang Sun.Star-Pampanga ang nag-uwi ng Best in Science and Environmental Reporting award.

Sa kategorya ng mga pahayagang inilalathala ng lingguhan, muling nasungkit sa ikalawang sunod na taon ng pahayagang Mabuhay na nakabase sa Bulacan ang mga parangal na Best in Photojournalism at Best Edited Newspaper; iniuwi naman ng Baguio Midland Courier ang mga parangal na Best in Culture and Arts Reporting at Best in Science and Environmental Reporting; samantalang nagwagi ang The Mindanao Cross at ang Edge Davao ng Best Editorial Page at Best in Business and Economic Reporting awards, ayon sa pagkakasunod.

Bukod sa Best in Arts and Culture Reporting, ang iba pang parangal ay dati ng ipinagkakaloob ng PPI.  Ang nasabing parangal ay unang ipinagkaloob noong 1998 na noo’y tinawag na Cultural-Historical reporting award.

Ngunit ang nasabing kategorya ay itinigil sa mga sumunod na taon, at ngayon at muling binuhay at ipinagkaloob.

Kaugnay nito, dalawa pang bagong kategorya ang inilunsad para sa pagsasagawa ng taunang parangal sa susunod na taon.

Ito ay ang Best in Online Reporting at Best in Biodiversity Reporting awards.

Dahil sa paglulunsad ng dalawang bagong kategorya at muling pagbuhay sa Arts and Culture Reporting award, magiging walo ang kategoryang pagtutunggalian ng mga pahayagang kasapi ng PPI sa susunod na taon.

Ayon kay Ariel Sebellino, executive director ng PPI, ang mga parangal na Best Online Reporting at Best Biodiversity Reporting ay itataguyod ng Informational Capital Technology Ventures Inc., (ICTV), at ng ASEAN Centre for Biodiversity at ng Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit (German Agency for International Cooperation) o GIZ, ayon sa pagkakasunod.

Ang ICTV ay isang lokal na tagapaghatid ng mga produkto at serbisyong may kaugnayan sa telecommunications, media, at information technology.

Sinabi pa ni Sebellino na ang mga karagdagang kategorya sa taunang parangal ay isang palanatandaan ng patuloy na pagnanais ng PPI na higit na matapaas ang pamamahayag ng mga kasaping pahayagan nito.

Ang taunang parangal pagbibigay pagkilalal sa mga natatanging pahayagan sa nagdaang taon.

Ito ay suportado ng The Coca-cola Export Corporation, kasama ang mga pangunahing pahayagang nakabase sa Maynila tulad ng Philippine Star, Philipppine Daily Inquirer, Manila Standard Today, People’s Journal, BusinessWorld at ang Malaya Business Insight.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment