Pages

Monday, June 18, 2012

Alvarado, tinanghal na Ulirang Ama



LUNGSOD NG  MALOLOS- Pinarangalan si Gob.Wilhelmino M. Sy-Alvarado bilang isa sa mga Ulirang Ama para sa taong 2012.

Kasama ni Alvarado sa kategoryang government service sina Nueva Ecija 4th District Representative Rodolfo W. Antonino, Butil Party-list Representative Agapito H. Guanlao, Albay 3rd District Representative Reno G. Lim, Cainta (Rizal) Mayor Ramon A. Ilagan, at Puerto Princesa City Mayor Edward S. Hagedorn.

Ipinagkaloob ito ng National Mother’s Day and Father’s Day Foundation, Incorporated sa Centennial Hall ng Manila Hotel noong Linggo kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day.
Sinabi naman  ni Customs Commissioner Rozzano Rufino “Ruffy” Biazon, bilang kinatawan ni Pangulong Benigno S. Aquino III, na kinikilala ng punong ehekutibo ang mahalagang papel ng mga ama ng tahanan sa pagtataguyod ng bansa.

 “Every single Filipino family must be a role model to raise a descent and good family life. We will see to it that no one will be neglected of benefits and concern from the government,” wika ng pangulo sa kanyang mensahe.

Kabilang sa mga tumanggap ng parangal sina Jose Pepito DG. Manio, Sotero Romualdo Esguerra, at  Bernardo Canlas Pamintuan, Justice Isaias P. Dicdican, Prosecutor General Claro A. Arellano, at Judge Florencio S. Arellano (Law and Judiciary), Dr. Nestor F. Venida (Medicine and Allied Sciences), Ramon A. Diaz (Arts and Culture), Alan Lagos Allanigue at dating Congressman Adolfo ‘Gerry’ R. Geronimo (Media and Journalism), Criminal Investigation and Detection Group chief Police Director Samuel Pagdilao Jr. (Law Enforcement)at Victor Bunuan ValdepeƱas, Rodolfo Toledo Yaya, Cornelio P. Mapa, and Roberto Reyes Laurel (Business and Industry).

Iginawad naman ang Ulirang Ama ng Tahanan kay Leopoldo Lagadia Jaramiel, at ang Ulirang Ama ng Angkan kina  Floro R. Yabyabin at Angelo David Hizon Jr.

Thursday, June 14, 2012

Payo sa susunod na Punong Mahistrado:Huwag didikit sa pulitiko

Abogado Tomas Martin, dating gobernador; at Abogado Jun Samonte

LUNGSOD NG MALOLOS—Hindi dapat dumikit ang susunod na Punong Mahistrado sa mga pulitiko upang matiyak ang pagiging malaya.

Ito ang isa sa mga payo ng 91-taong gulang na si Abogado Tomas Martin sa Judicial Bar Council na kasalukuyang tumatanggap ng nominasyon sa nilitis at pinatalsik na dating Punong Mahistrado Renato Corona ng Kataas-taasang Hukuman ng bansa.

Ang payo ni Martin na dating gobernador ng Bulacan ay kanyang inihayag sa mamamahayag na ito noong Huwebes, Hunyo 7 kaugnay ng taunang Gawad Bunying Abogadong Bulakenyo kung saan ay isa siya sa mga tumanggap ng parangal.

Ang nasabing parangal ay ipinagkaloob ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Bulacan chapter sa pangunguna ni Abogado Cecilio “Ted” Villanueva na nagmula sa bayan ng Hagonoy.

Bilang isang abogado sa nagdaang 63-taon, sinabi ni Martin na di dapat dumikit sa mga pulitiko ang susunod na Punong Mahistrado, bukod pa sa dapat maging malapit ito sa taumbayan; at dapat ay nauunawaan ang batas.

“He must be independent, he cannot be dictated by politicians, at hindi dapat dumikit sa mga pulitiko,” ani ni Martin na nagsilbing gobernador ng Bulacan noong 1958 hanggang 1963.

Ang payo ni Martin ay nakakahalintulad ng payo ni dating Executive Judge Oscar Herrera sa mga hukom sa Bulacan kaugnay ng paghatol sa mga election protest noong 2001.

Ang payo noon ni Herrera na ngayon ay Mahistrado ng Sandiganbayan sa mga kapwa hukom ay “stop fraternizing with politicians.”

Sunday, June 10, 2012

Ika-3 panalo itinala ng Futbulakenyos, Amihan nanalo rin




MALOLOS—Itinala ng Futbulakenyos ang ikatlong sunod na panalo sa Central Luzon Football League (CLFL) noong Sabado, Hunyo 9 ng talunin ang Tarlac Football Club sa iskor na 3-1.

Ang labanan ay naganap sa Bulacan Sports Complex sa lungsod na ito kung saan ay iilan ang nanood.

Kaugnay nito, itinala ng Lighthouse Amihan FC ang unang panalo sa ikalawang laro ng talunin nila sa iskor na 8-0 ang Pampanga FC sa larong isinagawa sa Bren Z. Guiao Sports Complex sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga noong Linggo, Hunyo 10.

Muling magsasagupa ang apat na koponan sa Linggo Hunyo 17.  Ang Futbulakenyos at Tarlac FC at maglalaban sa Tarlac, samantalang ang Amihan at Pampanga FC ay maglalaban sa Brent International  School sa Subic Bay Freeport sa Zambales.

Sa kasalukuyan, nangunguna ang Futbulakenyos na nakapagtala ng talong sunod na panalo, ang Amihan at Tarlac FC at kapwa may tig-isang panalo at talo, samantalang ang Pampanga FC ay wala pang naipanalo sa tatlong sunod na laro.

“Sayang, hindi nakita ng mga Bulakenyo ang unang laro at panalo namin sa home field,”ani Emmanuel Robles, playing coach ng koponan ng Bulacan matapos ang larona ginanap sa Bulacan Sports Complex sa Barangay Sta. Isabel ng Lungsod na ito.

Ito ay dahil sa hindi pa nagiging popular sa mga Bulakenyo at magng sa ibang bahagi ng Gitnang Luzon ang larong football.

Simple ang basehan ng panghihinayang ni Robles. Tinalo na nilang ang lahat ng tatlo pang koponang kasali sa CLFL, ang kuna-unahang amateur football league sa rehiyon.

Bukod dito, hindi rin nakita ng mga Bulakenyo ang walang humpay na pananalasa ng Futbulakenyos noong Sabado.

Sa unang 45 minuto ng laro, hindi na tinigilan ng Futbulakenyos ang pag-atake sa goal ng Tarlac FC.

Matapos ang unang 45 minuto, nakapagpasok ng dalawang goal ang Futbulakenyos kumpara sa isa ng Tarlac FC.

Sa ikalawang 45 minuto ng laro, mas pinag-gting ng Futbulakenyos ang pag-atake kaya’t ang bola ay halos hindi nalayo sa kalahati ng football field sa panig ng Tarlac FC.

Gayunpaman, pinaigting din ng Tarlac FC ang depensa, kaya’t isa lamang ang naipasok ng Futbulakenyos sa ikalawang 45 minuto ng laro.

Ilan sa mga natatanging pagkakataon sa ikalawang 45  minuto ng laro ang halos 10 beses na pagtatangka ng Futbulakenyo na ipasok ang bola sa goal ng Tarlac FC.

Nagningning din ang kabataan at bilis ng mga manlalarong Bulakenyo na karaniwang  nagmula sa Bulacan State University (BulSU).

May mga pagkakataon na nagpapaikot-ikot sa tatlong manlalaro ng Tarlac FC ang sang manlalaro ng Futbulakenyos.

Ayon kay Robles, maganda ang ipinakita ng kanyang mga manlalaro, ngunit kailangan pa ang dagdag na pagsasanay upang mas maraming bola ang maipasok sa goal ng kalaban.

Bentahe yung bilis at kabataan ng Futbulakenyos, pero kailangan pang dagdagan,” ani Robles at sinabing may nalalabi pa silang talong laro para sa second round ng liga.

Sa Pampanga, itinala ng Lighthouse Amihan FC ang unang panalo ng talunin nila ang Pampanga FC sa iskor na 8-0 noong Linggo ng hapon Hunyo 10.

Ayon kay John Bayarong, coach ng Amihan FC na nakabase sa Lungsod ng Olongapo, isang goal lamang ang naipasok nila sa unang 45 minuto ng laro.

Ngunit higit nila pinagbuti sa ikalawang 45 limang minuto kung kailan ay nakapagpasok sila ng pito pang goal.

Sa kasalukuyan,a ng Amihan FC ay may 1-1 panalo talo, samantalang ang Pampanga FC ay wala pang panalo sa tatlong sunod na laro.

Ang una talon g Amihan FC ay natamo sa Futbulakenyos  noong Mayo 20 sa pagbubukas ng CLFL sa Tarlac. (Dino Balabo)

Friday, June 8, 2012

Independence Day Jobs Fair



 Tiniyak ni DOLE-Bulacan director Leilanie Reynoso na aabot sa 2,000 Bulakenyo ang mabibigyang ng trabaho sa pagsasagawa ng isang jobs fair sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain sa Hunyo 12 kaugnay ng pagdiriwang ng ika-114 na guning taon ng Araw ng Kalayaan.

Araw ng Kalayaan sa Barasoain pangungunahan ni PNoy



LUNGSOD NG MALOLOS- Pangungunahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang pagdiriwang ika-114 taong anibersaryo ng  Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na gaganapin sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain sa Hunyo 12 sa lungsod na ito.

Ipinahayag ito ni Dr. Maria Serena I. Diokno, tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines, sa isinagawang Talakayang Bulakenyo na inorganisa ng Philippine Information Agency at Provincial Public Affairs Office (PPAO) sa Hiyas ng Bulacan Convention Center.

Sinabi pa ni Diokno na simple ngunit may dignidad ang gagawing programa kung saan pasisimulan  ito sa marangal na pagtanggap kay Pangulong Aquino sa ganap na ikawalo ng umaga. Susundan ito ng sabayang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa  dambana ng unang Pangulo ng Republika na si Hen. Emilio Aguinaldo.

Idinagdag pa niya na ang tema ng pagdiriwang sa taong ito na “Kalayaan: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan”ay alinsunod sa mithiin ng administrasyong Aquino na maitaguyod ang mabuting pamamahala na malaya mula sa anumang uri ng kurapsyon.

Sinabi naman ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na ito ang unang pagkakataon na ang pinakamataas na opisyal ng bansa ang dadalo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa makasaysayang Simabahan ng Barasoain.

“It’s about time that the historic events and significance of Barasoain church will be recognized. Kung wala ang Barasoain Church ay hindi magkakaroon ng ratification and declaration ng independence sa Kawit, Cavite on June 12, 1898. Sa simbahang ito nilikha ang unang Saligang Batas na siyang nagsilang sa demokrasya sa rehiyon ng Asia at Africa,” ani ng gobernador.

Pinuri rin ni Alvarado ang MalacaƱang sa pagbibigay ng lubos na pagpapahalaga sa mga makasaysayang pangyayaring naganap sa Malolos at inaasahan niyang ito na ang panahon upang mabigyang katuparan ang kahilingan ng mga Bulakenyo na opisyal na ideklara ang Enero 23 –anibersaryo ng Unang Republika- na isang okasyon na dapat sariwain sa buong bansa.

“Kung ang Baguio ay kilala sa Bulaklak ng Panagbenga at ang Pampanga ay tanyag naman sa kanilang makukulay na parol, ang dakilang lalawigan ng Bulakan ay maitatanghal naman na lalawigan ng mga bayani,” wika pa ng punong lalawigan.

Ayon kay PPAO chief Maricel Santos-Cruz at Provincial Tourism Officer Sonny Cristobal, magkakaroon din ng  job fair at  medical mission na matatagpuan sa gilid ng Simbahan ng Barasoain bilang bahagi ng Araw ng Kalayaan.

Tinatayang 450 pulis, 100 sundalo at 200 miyembro ng Presidential Security Group ang ipadadala sa lugar na ito upang matiyak ang seguridad ng publiko.

Wednesday, June 6, 2012

Mga natatanging abogado pararangalan ng IBP-Bulacan


Abogado Jun Samonte (kaliwa) at mhga korona impeachment trial.  (Larawang kuha ni Deneese Cortez)

 MALOLOS—Pangungunahan ng bagong mahistrado ng Korte Suprema at isang kasapi ng prosekusyon na naglitis kay Punong Mahistrado Renato Corona ang mga abogadong pararangaloan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Bulacan Chapter.

Ito ay isasagawa sa Hiyas ng Bulacan Pavillion ngayong Hunyo 7 ng gabi.

Bukod sa dalawa, pararangalan din IBP-Bulacan ang Bulakenyong abogado na itinalaga sa Court of Appeals, at ang mga bagong abogado kabilang ang nanguna sa bar examination noong nakaraang taon na ang resulta ay inilabas nito Pebrero.

Ayon kay Abogado Ted Villanueva, pangulo ng IBP-Bulacan, ang parangal ay isang pagkilala sa mga natatanging kasapi ng IBP.

Ito ay naglalayon din na maipakita sa mga kasapi ang posibleng maging modelo sa larangan ng pagiging manananggol.

Abogado Ted Villanueva sa tanggapan ng IBP-Bulacan. (kuha ni Paul Malililin)
“This will coincide with the reception for our new members and it is a good opportunity to introduce to them members that can be their models,” ani Villanueva.

Kabilang sa mga pararangalan ay si Associate Justice Estela Bernabe ng Korte Suprema na nagmula sa paglilingkod sa Makati RTC.

Si Bernabe ay nagmula sa bayan ng Plaridel, at kapatid ni Abogado Zoilo Perlas, ang Regional Election Director ng Commission on Elections (Comelec) sa Gitnang Luzon.

Ayon kay Villanueva, maging si Abogado Renato Samonte, ang dating pangulo ng IBP-Bulacan ay bibigyan din ng parangal.

Si Samonte ay kabilang sa mga abogadong naglitis kay Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Sa nasabing paglilitis, si Samonte ang nagsagawa ng cross examination kay Lito Atienza, ang dating alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Ang iba pang bibigyan ng pagkilala ay sina dating Executive Judge Renato Francisco, at ang papalit sa kana na si Executive Judge Maria Teresa Mendoza-Arcega.

Si Francisco at itinalaga na sa Court of Appeals (CA).

Bibigyan din ng pagkilala ang nagretirong si Abogado Gerry Geronimo na nagsilboing panglalawigang taga-usig o fiscal; at ang mga bagong huwes sa RTC na sina Liza Marie Tecson, Cita Jose-Clemente, at Victoria Ruiz.

Para sa paglilingkod pampamayanan, bibigyang pagkilala si Abogado Jesus Ricardo Degala na isang konsehal ng Lungsod ng Malolos.

Ang mga pamilya naman na may kasaping tatlong abogado ay bibigyan din ng pagkilala, maging ang mga kasapi ng IBP-Bulacan sa loob ng mahigit 30 taon.  Kabilang dito si dating Gob. Tomas Martin na nagtapos ng abogasya sa Ateneo De Manila University.

Ang mga bagong abogado namang bibigyan ng pagkilala ay sina Raul Atadero at Sherwin Tugna.

Si Atadero na nagmula sa Lungsod ng Meycauayan ay tinanghal na bar topnotcher matapos ilabas ang resulta ng eksaminasyon noong Pebero; samantalang si Tugna ay kinatawan ng Citizens’ Battle Against Corruption (Cibac) Party-list.  (Dino Balabo)

Monday, June 4, 2012

Desisyon ng Senado ikinagalak sa Bulacan

Ang larawang ito ay mula sa www.truthonair.com


MALOLOS—Ikinagalak ng mga abogado at Bulakenyo ang desisyon ng Senado na tanggalin sa pwesto si Renato Corona bilang punong mahistrado matapos ang may limang buwang paglilitis na natapos noong Martes, Mayo 29.

Ang nasabing desisyon na bumura sa pananaw ng mga partidong kinasasapian ng mga senador ay nagpapatunay na ang lahat ay pantay-pantay sa mata ng batas, na ayon sa mga opisyal ay magbibigay daan para sa mas mapanagutang pamamahala.

Batay sa resulta ng makasaysayan pagboto ng 23 senador, 20 ang bumoto ng “guilty” na nangangahulugan ng pagpapatalsik kay Corona, samantalang tatlo naman ang bumoto para siya absuweltuhin.

Ayon sa mga tagamasid, ang botong 20-3 ay “overwhelming” o sobra sa inasahan, dahil ang kailangan lamang ay 16 na boto mula sa mga senador upang mapatalsik si Corona, at walo naman upang siya manatili sa puwesto.

Ayon kay Abogado Harry Roque ng Center for International Law, natutuwa siya sa desisyon ng senado dahil naging malinaw na ang hindi makatotohanang statement of assets, liabilities and net worth (SALNs) ay isang impeachanble offense o batayan sa pagpapatalsik sa tungkulin.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Roque na ang desisyon ng Senado ay nagpapakita na“ the rule of law works that no one including the Chief Justice is above the law.”

Inayunan ito ng Integrated Bar of the Philippines-Bulacan Chapter sa pangunguna ni Abogado Ted Villanueva.

Iginiit ni Villanueva na ang posisyon ng IBP-Bulacan sa desisyon ng Senado ay maituturing na isang bukang liwayway sa hudikatura at pamamahala ng katarungan sa bansa.

Gayundin ang pahayag ni Abogado Christian Natividad, ang alkalde ng lungsod na ito na nagsabing, “this is just a start.”

“We can expect people to clamor for more transparency on every public servant,” ani ng alkalde.

Iginiit pa niya na ang desisyon ng Senado ay makaaapekto di lamang sa sistema ng hudikatura, kungdi maging sa sistema ng pamamahala sa bansa.

“It is a new and positive era in accountability and integrity in Philippine governance,” sabi ni Natividad.

Inayunan din ito ng mga Bulakenyong tulad nina Hermie Del Rosario ng Marilao, Isagani Giron ng Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan, Fortunato Dionisio ng Radyo Bulacan, at Bokal Ariel Arceo.

Binigyang diin nila na kanilang kasiyan sa pagsasantabi ng mga senador sa paninindigan ng kanilang mga partido, sa halip ay binigyang pansin ang sentimyento ng mamamayan.

“It’s clear that politics can prevail over party principle,” ani Del Rosario.

Ipinaliwanag naman ni Abogado Jesus Ricardo Degala na mas matimbang ang pagiging political proceeding kaysa judicial proceeding sa paglilitis kay Corona.

Ipinaliwanag niya na ang impeachment ay ang pinakamabilis na paraan upang papanagutin at mapatalsik ang punong mahistrado na inakusahan ng paglabag sa batas.

“The senators are right in giving a guilty verdict. It tells the world that the chief justice must be a model in following the letter and spirit of the law,” ani Degala na isa ring konsehal ng lungsod ng Malolos.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng kagalakan ang Diyosesis ng Malolos sa resulta ng paglilitis at sinabing patuloy nilang ipananalangin ang bansa at ang mga namumuno.

“We welcome the decision of the Senate and move on to attend to important business of building a better Philippines. We continue to pray for good government because we deserve a better life. We are all humbled by this situation.

No one is above the law, we keep praying for Corona,” ani Fr. Dario Cabral, ang tagapangulo ng Commission on Social Communications ng diyosesis.

Matatandaan na noong Sabado, Mayo 26 ay inihayag ni Obispo Jose Francisco Olivero na ipananalangin ng diyosesis ang mga Senador upang kasihan ng Banal na Espiritu at mabigyan ng malinaw na kaisipan para sa pagbibigay ng hatol kay Corona.

Ayon kay Oliveros mahalaga ang paggabay ng Banal na Espiritu sa pagdedesisyon ng mga senador upang maipakita ang katotohanan.

Hinggil naman sa mga mamamayan, ipinayo ng obispo na anuman ang naging desisyon ng Senado ay dapat tanggapin ito upang mamayani ang pagkakaisa.

“The impeachment trial has divided us, sana ay huwag tayong maging partisan at sa halip ay magkaisa,” ani ng Obispo.

Noong Lunes, sinabi ni Joel Villanueva, director general ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) na dapat ibatay ng mga senador ang kanilang desisyon sa ebidensya at sentimyento ng mamamayan.

Bilang kasapi ng partylist Citizens Battle Agaisnt Corruption (Cibac) na isa sa mga lumagda sa isinampang impeachment laban kay Corona, ipinahayag ni Villanueva ang paninindigan na ang punong mahistarado ay dapat walang bahid dungis at hindi pinagdududahan ng mamamayan.

Sunday, June 3, 2012

Jessie King Lacuna handa na sa London Olympic


Photo by Merlie Leandicho Santos


MALOLOS—Kumpirmado ng makakalahok sa Oondon Olympics sa Agosto ang Bulakenyong manlalangoy na si Jessie Khing Lacuna.

Dahil dito, abala si Lacuna sa mga paghahanda para sa kanyang pagtatangka na makapag-uwi ng medalya.

Sa isang email na ipinadala ng manlalangoy sa mamamahayag na ito noong Sabado, Hunyo 2, ipinahayag niya na isang malaking karangalan na maging kinatawan ng bansa sa Olympics na isinasagawa tuwing ika-apat na taon.

Gayunpaman, inamin niya na ang kanyang pananabik ay may kahalong kaba.

“First, I need to handle the pressure,  kasi yan yung pinaka big deal,” ani Lacuna at iginiit pa na, “after that the fitness, also need to add some new routines.”

Sa edad na 18-taong gulang, si Lacuna ang itinuturing na pinakamabilis na manlalangoy sa bansa ngayon.

Ito ay matapos niyang basagin sa 2010 Singapore National Age Group Swimming Championships ang rekord ng manlalangoy na si Miguel Molina na naitala sa 2007 Thailand SouthEast Asian Games.

Ayon kay Lacuna, matagal niyang pinangarap at inasam ang maging kinatawan ng bansa sa Olympics.

Sinabi niya na”pagkakataon ko na ito na ibigay ang lahat ng aking makakaya.”

Hinggil sa kanyang napipintong pakikipagtunggali sa mga pinakamahuhusay na manlalangoy sa buong mundo, nagpahayag ng positibong pananaw ang Bulakenyong manlalangoy.

 “It’s the Olympics, anything can happen,” aniya.

Para naman sa mga kabataang manlalaro, ipinayo niya na pagbutihin ang pagsasanay at laging makinig sa payo ng mga coach o tagapagsanay.

“If you want to achieve your dreams and goals, train hard and listen to you coach.  Don’t stop believing in yourself,” aniya.

Idinagdag pa niya ang simpleng paalala na, “dapat masaya ka sa ginagawa mo.”

Sa katatapos na Philippine Sports Commission National Games na isinagawa sa Lungsod ng Dumaguete noong huling linggo ng Mayo, muling humakot ng limang medalyang ginto si Lacuna.

Namayani siya sa 100-meter butterfly, 100 meter freestyle,400 meter at 1,500 meter freestyle; at 200 meter medley.


Si Lacuna ay isinilang ay lumaki sa bayan ng Pulilan kung saan siya natutulong lumangoy sa swimming pool sa batang edad.

Ayon sa kanyang ama na si Marcelo, tatlong buwan pa lamang si Jessie ng lagyan nila ito ng floating arm ban sa braso sa swimmingh pool.

Sa pagkakataong iyon, napansin ni Marcelo na panay sikad sa tubig ng anak, kaya’t unti-unti niya itong tinuruang lumangoy.

Sa edad na limang taon, ang batang Lacuna ay isinali sa panglalawigang paligsahan sa paglangoy bilang “saling pusa.”

Ngunit sa kabila ng kanyang batang edad ay tinalo niya ang mga manlalangoy na mas matanda sa kanya.

Ang problema ay nang hingin at hanapin ng batang Lacuna ang medalyang kanyang napanaluhan.

Ayon sa kanyang ama, matagal din niyang ipinaliwanag sa anak na hindi siya talaga kasali sa paligsahan, sa haliup ay isang “saling pusa.”

Nang sumunod na taon, hgindi napigil ang batang Lacuna sa paglahok sa mga paligsahan, at sa pagkakataon na iyon ay opisyal na siyang kasali.

Mula noon, hindi na tumigil ang batang Lacuna sa paghakot ng medalya sa bawat paligsahang sinalihan. (Dino Balabo)