Pages

Sunday, October 7, 2012

Halos walang kalaban sina Alvarado at Fernando

<!--[if gte mso 10]> <!-->

MALOLOS—Halos nakatitiyak na ng panalo halalan sa susunod na taon ang mga kapartido nina Gob. Wilhelmino Alvarado at Bise Gob. Daniel Fernando dahil sa koalisyon ng Liberal Party (LP) at National Unity Party (NUP) sa Bulacan.

Ang nasabing koalisyon ay naging dahilan upang magbigay daan ang mga pulitikong kasapi ng ibang partido sa lalawigan.

Dahil dito, halos walang kalaban ang sina Alvarado, Fernando at mga kasama sa koalisyon sa mga panglalawigang halal na posisyon.

Gayunpaman, batay sat ala ng panglalawigang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), may mga indipendienteng kandidato na nagsumite ng Certificate of Candidacy (CoC) labhan sa grupo nina Alvarado.

Ayon kay Abogado Elmo Duque, provincial election supervisor ng Bulacan, dalawa ang makakatunggali ni Alvarado, ay gayundin si Fernando.

Ang mga nagsumite ng CoC para sa posisyon ng gobernador maliban kay Alvarado ay sina Jaime Almera at Ernesto “Kaka” Balite na kapwa nagmula sa lungsod ng Malolos.

Sa pagka-Bise Gobernador, makakatunggali ni Fernando sina Josephine Lopez at Jayson Ocampo.

Narito naman ang mga nagsipasumite ng CoC para sa pagiging bokal sa una hanggang ika-apat na distrito ng lalawigan.

Sa unang distrito, Jose Cundangan (independiente) at Grossman Dax Uy (United National Alliance, Michael Fermin, Felix Ople aty Therese Cheryl Ople na pawang kasapi ng NUP na kinabibilangan din nina Alvarado at Fernando.

Sa ikalawang distrito ay magtutunggali sina Enrique Dela Cruz at Ramon Posada na kapwa kasapi ng NUP, at si Reynaldo Trinidad na isang indipendiente.

Sa Ikatlong distrito, ang mga kandidatong Bokal ay sina Rino Castro (NUP), Ernesto Sulit (LP), Emelita Viceo (UNA), at mga indiependenteng sina Peter Alvin Violago at Carlito Bernabe.

Sa ika-apat na distrito na binubuo ng mga lungsod ng Meycauayan at San Jose del Monte, at mga bayan ng Sta. Maria, Marilao at Obando, ang mga kandidatong Bokal ay suina Enry Santos (LP), Eulogio Sarmiento III (NUP), Enrique Delos Santos Jr., (NUP), Hilario Dela Merced Jr., (Independent), Allan Rey Baluyot (Nacionalista Party), Romeo Almario at Rodolfo Alejo na kapwa indipendiente.

Para kay Alvarado at mga kapartido, ang koalisyon ng LP at NUP sa Bulacan ay isang palatandaan ng higit na pagkakaisa ng mga Bulakenyo upang higit na maisulong ang kaunlaran ng lalawigan.

Ito ay nangangahulugan din ng mas matipid na paggastos sa kampanya.

Binigyand diin din nila na ang koalisyon ng LP-NUP sa lalawigan ay namumukod tangi at kinilala nila si Executive Secretary Paquito Ochoa ng Pulilan bilang pangunahing arkitekto nito.

Ayos nga mga kandidato ng LP-NUP coalition sa Bulacan, si Ochoa ang unang nagpanukala ng pananaw na “One Bulacan” na sumasalamin sa pagkakaisa ng mga Bulakenyo.

Ito ay nangangahulugan ng pagbibigay daan sa mga nakaupo o incumbent opisyal na makapangampanya na halos ay walang kalaban

Ngunit para sa mga hindi nakasama sa koalisyon, pagabatikos ang kanilang isinatinig.

 Ayon kay Jose Rey Munsayac, isang hakbang patungo sa pagkamatay ng demokrasya sa Bulacan ang nasabing koalisyon dahil hindi nakakandidato ang nais kumandidato at hindi mabibigyan ng mas maraming pagpipilian ang mga botante sa halalan sa 2013.

No comments:

Post a Comment