Pages

Sunday, December 23, 2012

INGAT-PAPUTOK: Benta inaasahang hihina dahil sa kalamidad, ngunit umaasa ring makakabawi





BOCAUE, Bulacan—Umaasa ang mga kasapi ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association, Inc., (PPMDAI) na kikita at makakabawi sila benta ng paputok sa taong ito.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Gob. Wilhelmino Alvarado ang pagsasagawa ng isang inspeksyon sa barangay Turo ng bayang ito noong Huwebes, Disyembre 13 kung saan binigyang diiin niya ang kampanyang Ingat paputok ng pamahalaang panglalawigan.

Ang inspeksyon ay ikalawa sa loob ng talong araw matapos magsagawa ng inspeksyon ng Bureau of Fire Protection sa nasabing lugar noong Martes, na hindi naman ikinatuwa ng mga nagtitinda ng paputok.

Ito ay dahil dumadalas ang pagsasagawa ng magkakahiwalay na inspeksyon ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na ayon sa mga nagsisipagtinda ay isang “papogi” lamang upang ipakitang nagsisipagtrabaho ang mga ito.

Ayon kay Maricel Santos-Cruz, hepe ng Provincial Public Saffairs Office (PPAO), ang mga inspeksyon ay bahagi nbg kampanya ng pamahalaan na mapataas ang anatas ng kaalaman ng mga taumbayan hinggil sa ligtas na paggamit ng paputok.

Ngunit para sa mga nagsisipagtinda, nakakasagabal sa kanilang pagtitnda ang magkakahiwalay na inspeksyon ng ibat-ibang ahensiya.

Inayunan ito ni Vimmie Erese, ang pangulo ng PPMDAI.

Ayon kay Erese, na malaki ang posibilidad na bumabang muli ang kanilang benta sa taong ito.

Gayunpaman, nagpahayag siya ng pag-asa na “baka mabawi rin kahit puhunan lang.”

Bilang pangulo ng PPMDAI, sinabi ni Erese na kinikilala nila ang kalagayan ng bansa ngayon na katula dnoong nakaraang taon ay sinalanta rin ng bagyo, partikular na ang Mindanao.

Sinabi niya na dahil sa kalamidad may posibilidad na humina ang kanilang benta dahil sa mas binibigyang prayoridad ngayon ng mga tao ang pagtulong sa kanilang kaanak at kaibigan na makabangon sa pinsalan ng kalamidad na hatid ng bagyong Pablo.

Gayunpamn, sinabi niya na umaasa sila na mabebenta pa rin ang kanilang mga produkto lalo na kung seryosong ipatutupad ng gobyerno ang batas na sumasaklaw sa ipinagbabawal o naglalakihang paputok, bukod pa sa mga smuggled o ipinuslit sa Bureau of Customs.

Nilinaw din ni Erese na dapat tugisin ng pulisya ang mga gumagawa at nagbebenta ng mga naglalakihang paputok, bukod pa sa mga nagbebenta ng smuggled products.

Iginiit niya na ang mga naglalakihan o oversized na paputok ang karaniwang nagiging sanhi ng pagkasugat o kamatayan.

Inayunan din ito ni Gob. Alvarado nna nag-atas sa panglalawigang pulisya sa pamumuno ni Chief Supt. Noli Talino na magsagawa ng regular na inspection at pagbabantay sa paputok.

Tiniyak din ni Alvarado ang kaligtasan ng mga mamimili sa pag-aatas sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDDRMO) na maglagay ng trak ng bumbero at ambulansiya di kalayuan sa barangay Turo.

Ito ay upang makatugon agad ang mga ito kung sakaling magkaroon ng insidente.

Inatasan din ng punong lalawigan ang PPAO na magpamahagi ng mga polyeto upang maipaliwanag sa taumbayan ang ligtas na paggamit ng paputok.

Samantala sinabi ng mga nagsisipagtinda sa bayang ito na dapat ay magkaisa ang mga ahensiya ng pamahalaan sa pagsasagawa ng inspeksyon, sa halip na magkanya-kanya.

Ito ay bilang tugon sa hiwalay na inspeksyon ng BFP noong Martes kung saan ay may sinasabing mga paglabag ang ilang tindahan, ngunit wala namang hinuli o ipinasarang tindahan.

Ito ay dahil sa tanging ang pulisya lamang ang maaaring manghuli at magpatupad ng batas partikular na sa mga ilegal na paputok.

Matatandaan na noong nakaraang taon, maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsagawa ng sariling inspeksyon sa mga tindahan sa bayang ito. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment