Pages

Tuesday, December 4, 2012

Koronasyon ng Lakan at Lakambini 2012 isasagawa sa Baliwag sa Disyembre 8




PAOMBONG, Bulacan—Nakatakdang koronahan sa Sabado, Disyembre 8 ang magwawagi sa ika-16 na prestiyosong timpalak na Lakan at Lakambini ng Bulacan.

Ito ay isasagawa sa New Baliwag Gymnasium sa ganap na ika-8 ng gabi.  Ang koronasyon ng magwawagi sa 2012 Lakan at Lakambini ang Bulacan ang magsisilbing kauna-unahang gawain sa katatapos na gymnasium.

Ayon kay Jo Clemente, tagapagtatag ng Lakan at Lakambini ng Bulacan Charities Inc., (LLBCI), mabigat ang tunggalian sa ika-16 na taon ng timpalak dahil bukod sa magaganda at makikisig ang mga kalahok ay may kanya-kanyang angking talent o kakayahan.

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi lamang sa ganda, kisig at talino ang batayan ng pagpili ng mananalo.

Sinabi ni Clemente na kabilang din dito ay ang magandang ugali at katauhan ng kalahok.

Ito ay dahil sa ang magwawagi ay magsisilbi ring “ambassador of goodwill” ng lalawigan ng Bulacan.

“Katulad sa mga nagdaang taon, we want not onoy the prettiest, but the best candidate to represent Bulacan,” ani ng tagapagtatag ng timpalak na nagsilbing paunang tuntungan ng mga kabataang Bulakenyo sa pagkakamit ng higit na karangalan sa iba pang larangan.

Ang mga opisyal na kalahok sa timpalak na Lakambini 2012 ay sina Angelica Mae Gaji ng Calumpit, Cristel  Mercado ng Plaridel, Guia Paula Gutierrez ng Sta. Maria, Zairramayca Adriano ng Paombong, Rachel Navarro ng Hagonoy, Dannah Gayle Claro ng San Jose Del Monte (SJDM), Rickie Me Bernabe ng Baliwag, Bernadette Mae Aguirre ng Sta. Maria, Shaira Soriano ng Obando, Kariza De Guzman ng Pulilan, Kate Diane Moreno ng SJDM, Maria Krizza Fylle Ignacio ng Sta. Maria, Kriszha Mare Soriano ng Meycauayan, Michelle Angela Osit ng San Ildefonso, Maria Dayanara Andus ng Plaridel, Cristina Andrea Munsayac ng San Rafael, at Ma. Candice Augustine Alarilla ng Sta. Maria.

Ang mga kandidato naman sa 2012 lakan ng Bulacan ay sina Archie Santos ng Sta. Maria, Christian Allen Soriano ng Meycauayan, Emerald Pascual ng Bulakan, Rey Anthony Mempin ng San Rafael, Raymart Emeterio ng Marilao, Philip Henry Magsalin ng Calumpit, James Maverick Jose ng Bustos, Arvin Valmocina ng San Ildefonso, Aljun Torres ng Malolos, Jayson Agapito ng Sta. Maria, Jonathan Maniquis ng SJDM, Venson Alfonso ng Bocaue, Aaron Neil Borja ng SJDM, Joey Taruc ng San Ildefonso, Mark Louie Bornilla ng Plaridel, Charlie Rick Sheen Flores ng Sta. Maria, Ariel Abracero ng Meycauayan, Ian Paul Cabasag ng Balagtas, at Jay Cervantes ng Marilao.

Batay naman sa tala ng LLBCI, ang mga tinanghal na Lakan at Lakambini ng Bulacan mula 1997 ay sina Arnold Sambilay ng Calumpit at Ruby Ann Copio ng Plaridel (1997), Den Daniel Reyes ng Hagonoy at Novie Anne Principe ng Bocaue (1998), Mark Iaebo ng Meycauayan at Bernadette quiambao ng Marilao (1999), Renato Acosta ng Hagonoy (2000), Jayson Garcia ng Bocaue (2001), Christian Cruz ng San Rafael at Romina Bareyro ng Sta. Maria (2002), Oliver Salas ng Marilao at Ma. Cecilia De Castro ng San Rafael (2003), Carmencita Cruz ng Guiguinto (2004), Josey Ofracio ng Bocaue at Angelica Cardenas ng Guiguinto (2005), Carissa Villanueva ng San Ildefonso (2006), Jolas Paguia ng Guiguinto  at Katrina Moraga ng Meycauayan (2007), Jerby Dela Cruz ng SJDM at Janelle Narciso ng Meycauayan (2008), Mary Kristine ng Malolos (2009), Mark Angelo Lopez at Mary Denisse Toribio ng Baliwag (2010), Joveth Andrade ng San Rafael at Ivy Ocampo ng Paombong (2011).  (Dino Balabo)

2 comments:

  1. Pagtutuwid lamang po - Mark Ipapo at Biernadette Q. Marcelo (1999) ang tamang mga pangalan

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete