Pages

Tuesday, December 4, 2012

ANGAT REHAB: Pagpapasubasta di pa matutuloy pero handa na ang MWSS



MALOLOS—Handang-handa na ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa pagpapasubasta ng P5.7-Bilyong pagpapakumpuni sa Angat Dam.

Ngunit posibleng hindi matuloy ang pagpapasubasta sa proyekto sa taong ito dahil hinihintay pa ng MWSS ang tugon ng Korea Water Resources Corporation (K-Water) kung saan ay inaasahang makakatipid ng daang milyong piso ang pamahalaan.

Ito ay dahil sa batay sa kontrata ng K-Water na nagakabilsa isinubastang Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp), maglalabas sila ng pondo para sa pagpapakumpuni ng Angat Dam.

Noong nakaraang taon, nagwagi sa pagpapasubasta sa Arhepp ang K-Water, ngunit pinigilan ito ng Korte Suprema na kamaikailan lamang ay naglabas ng pinalna desisyon na pumabor sa K-Water.

 “We are ready to rock and roll because all are planned, but we have to wait for little bit more time,” ani Arkitekto Gerardo Esquivel, ang administrador ng MWSS sa panayam ng Mabuhay.

Sa panayam sa telepono ng noong Linggo, Nobyembre 25, sinabi ni Esquivel na na hinihintay na lamang nila ang tugon mula sa K-Water.

 Ayon kay Esquivel, bilang winning bidder sa Arhepp, bahagi ng kontrata ng K-Water ang paglalabas ng pndo para sa pagpapakumpuni ng istraktura ng dam.

Inamin ng administrador ng MWSS na malaki ang matitipid ng pamahalaan sa gastusin sa pagpapakumpuni sa dam kapag inilabas ng K-Water ang pondo.

 “Doon sa P5.7-Billion na inallocate ni Presidente sa Angat rehab, naghanda kami ng P100-Million to P200-M for installation of instrumentations. But I was told that K-water has set aside at least $10-Million for the upgrading of instrumentations in Angat Dam,” ani Esquivel.

Idinagdag pa niya na ang pondong inihahanda ng K-Water para sa rehabilitasyon ng Angat Dam ay gugugulin para sa mga weather instruments sa paligid ng Angat Dam.

Bukod rito, magpapadala rin ang K-Water ng mga inhinyerong dalubhasa sa pangangalaga sa dam.

“We are not worried on the possible delay in the bidding and actual rehabilitation because we are expecting more good things to come out of it,” ani Esquivel.

Hinggil naman sa mga payo ni Inhinyero Roderick Dela Cruz, sinabi ni Esquivel na malaking tulong ito sa kanila partikular na sa pagpapakumpuni sa dam.

Si Dela Cruz ay isang dam safety expert mula sa bayan ng Hagonoy na kasalukuyang nagtatrabaho sa Southern California Edison sa Amerika.

Si Dela Cruz ay nagbalik sa bansa noong Nobyembre 11 at muling nagbalik sa Amerika noong Nobyembre 25.

Ang dalawang linggong pananatili ni Dela Cruz sa bansa ay hatid ng Balik-Scientist Program ng Department of Science and Technology (DOST).

Ang pagbabalik ni Dela Cruz ay hiniling ni Gob. Wilhelmino Alvarado upang makapabigay ng ekspertong pananaw sa proyekto.  Nagsilbi ring tagapayo ni Alvarado si dela Cruz hinggil sa dam safety mula noong nakartaaang taon.

 Ito ay ginugol niya sa pagsusuri sa isinagawang pag-aaral ng Tonkin and Taylor International para sa pagpagpapatibay ng Angat Dam.

Kabilang sa mga resulta ng pagsusuri ni Dela Cruz ay ang rekomendasyon na dagdag ng pagsusuri ng mga dalibhasa sa dam at sa kukumpunihing bahagi nito.

Ayon kay Dela Cruz, “it is important that they conduct sa peer review of the project from dam safety experts in the US.”

Ayon kay Dela Cruz, ang mga dam safety experts sa US na kasama niya ay may mahabang  karanasan sa pagsasagawa ng proyekto para sa pagkukumpuni ngh dam.

 Idinagdag pa niya na “this is the first time the Philippine government will rehabilitate a dam, and it is important that the government fully understand what to do.”

Para kay Esquivel, hindi matatawarana ng kontribusyon ni Dela Cruz sa proyekto, partikular na ang mga payo nito sa pagsasagawa ng pagkukumpuni.

 “Engineer Dela Cruz provided us with good points and even provided us the avenue to contact his fellow experts in the US,” aniya.

Sinabi ni Esquivel nagpadala na siya ng liham sa US Bureau of Reclamation upang magpadala ng mga dam safety expert sa bansa na magsusuri sa proyekto bilang bahagi ng panukala ni Dela Cruz na peer review.

Inaasahang darating ang mga dam safety experts sa bansa sa susunod na taon. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment