Pages

Tuesday, December 4, 2012

DAYAW 2012: Katutubo’y kapanalig ng pamahalaan sa paghubog ng pamayanan


MALOLOS—Hindi lang benepisaryo ng reporma ng pamahalaan ang mga katutubo, sa halip ay kaagapay sa paghubog ng pamayanang nagbibigay sa halaga sa kanilang karanasan.
 

Ito ang buod ng mensahe ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagbubukas ng tatlong araw na Dayaw 2012 Festival sa lungsod na ito noong Martes, Nobyembre 27.

Ang nasabing mensahe ay binasa ni dating Senador Jamby Madrigal na nagsilbi bilang tagapamuno ng Committee on Cultural Communities ng Senado sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Batay sa pahayag ng Pangulo, mas maraming katutubo ngayon ang katulong sa paghubog ng mga polisiya’t batas ng mga pamahalaang lokal sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng mga konsehong panglehislatura.

Bukod dito, ang mga katutubo ay may kinatawan din sa mga pambasang konseho sa pamamagitan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Ayon sa Pangulo, “at the national level, the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) is represented in human development and poverty reduction cluster and in the Mining Industry Coordinating Council (MICC) which ascertained that their voices are heard.

Binigyang diin niya na ang kalagayan ng mga katutubo ngayon ay salungat sa dating kalagayan ng mga ito sa panahon ng dating administrasyon.

Sinabi ng Pangulo na sa nagdaang administrasyon, ang mga katutubo ay nagamit sa pulitika, kaya’t sa halip na maisulong ang kapakanan ng mga ito ay mas napahalagahan ng NCIP sa kanilang mga desisyon ang interes ng kanilang among pulitiko.

“Kaya gusto nating maalis ang corrupt practices sa ating society at gobyerno para mabigyan ng mgandang pagkakataon ag mga IP brothers and sisters at di maiwan sa tuwid na daan,” ani ng Pangulo sa mensaheng ipinabasa kay Madrigal.

Nagpahayag din ng tiwala ang Pangulo sa kasalukuyang pamunuan ng NCIP at iginiit na ang mga namumuno rito ay higit na nakakaunawaan sa kalagayan at pangangailangan ng mga katutubo.

Sa kanyang pahayag, kinilala ng Pangulo ang kahalagahan ng mga katutubo sa pamayanang Pilipino ng kanysng sabihin na “from Luzon to Mindanao,our culture and beliefs are shaped by the many tradition of the IP, our very history as a free people find roots to in the principle that our ancestors lived by.”

Hinggil namans a pagdiriwang ng tatlong araw na Dayaw Festival sa Lungsod na ito, sinabi niya na , “ “today, through song, dances and festivities, we celebrate these practices mirroring values which are passed on by generations of Filipinos to another.”

Idinagdag pa niya na, “as the largest gathering of Filipino tribes and indigenous groups this Dayaw festival brings us closer as a people. It is by celebrating our diversity that we honor those who came before us and empower all people by recognizing their own identity, their pride and instill a deeper appreciation for our heritage which we know is vital if we are to move forward as a nation.  It is by remembering our heritage that we move closer to the elusive essence of our national identity.”

Kaugnay nito, sinabi ni Felipe De Leon, tagapangulo ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) na marami ang matutunan sa mga katutubo ng mga Pilipinong naninirahan sa mga kapatagan.

Nagpahayag din siya ng kalungkutan sa mababang pagtingin ng ng mga taga-kapatagan sa mga katutubong karaniwang nakatira sa kabundukan.

Ito ay dahil sa ang karaniwang pananaw ng mga taga-kapatagan sa mga katutubo ay nakahihigit o nakalalamang sila sa mga ito.

“We are very wrong, IP groups are wiser that us.  They have culture that we don’t know.  They should be our teachers because their wisdom dates back from generations,” ani De Leon.

Bilang tagapamuno ng NCCA n apangunahing organisador ng Dayaw 2012 Festival, sinabi ni De Leon na napapanahon upang unawain ng mga taga kapatagan ang mga katutubo upang makilala at matutunanan ang makulay na nakaraan ng samabayanang Pilipino. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment