Pages

Tuesday, December 4, 2012

Malaki ang tsansa ni Erap na talunin si Mayor Lim sa Maynila


MALOLOS—Kung ang mga huling survey ang pagbabasihan, malaki ang tsansa ni dating Pangulong Joseph Estrada na talunin ni Alfredo Lim, ang kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Maynila.
  
Ayon sa anak ni Estrada na si Kinatawan Joseph Victor Ejercito, malaki ang lamang ng kanyang ama sa survey laban kay Lim.

“My father has a very good chance, maganda ang resulta ng mga survey, kung minsan ay 60 to 40 o kaya ay 65 to 35 percent in his favor.  Malaki ang tsansa na manalo,”  sabi ni Ejercito na kasalukuyang kinatawan ng Lungsod ng San Juan sa kalakhang Maynila.

Si Ejercito ay nakapanayam ng Mabuhay noong Miyerkoles, Nobyembre 21 matapos  bumisita kay Gob. Wilhelmino Alvarado.

Sa kabila naman ng lumalaking tsansa ng dating Pangulo na magwagi bilang alkalde ng Maynila, inamin ng kinatawan na noong pinaplano ng kanilang ama na muling kumandidato ay nagpahayag sila ng paqgtutol ni Senador Jinggoy Estrada, ang kanyang kapatid sa ama.

“Gusto namin ni Senator Jinggoy ay magpahinga na lang siya, kasi he had his vindication last election when he receive at least 10-Million votes,”  ani ng kinatawan na nagpaplanong kumandidatong senador.

Sa kabila naman ng kanilang pagtutol ay umayon na rin sila sa kagustuhan ng kanilang ama.

Ito ay dahil sa kasalukuyang kalagayan ng Lungsod ng Maynila.

“Manila is a decaying city, napag-iwanan ng Makati, Quezon City at ng Mandaluyong.  Lahat ay umunlad, maliban sa Maynila,” ani ng kinatawan mula sa Lungsod ng San Juan.

Binigyang diin niya na ang Lungsod ng Maynila ay nagdurusa sa maling pamamahala na naging dahilan upang mabaon ito sa utang na ngayon ay umaabot na sa P3.5-Bilyon.

“It is very sad, Manila has P3.5-Billion in debt and have to borrow P1-B just to pay for the expenses for the remainder of the year,” sabi ni Ejercito.

Tiniyak niya na kapag nahalal na alkalde ang kanyang ama ay babaguhin nito ang Maynila.

“Dapat mabigyan ng sigla ang Maynila at buhaying muli ang Maynila para maging pround tayo,” ani ng kinatawan.

Iginiit pa niya na hindi problema ang pagiging dating alkalde ng kanyang ama sa Lungsod ng San Juan.


Ito ay dahil sa Tondo, Mynila isinilang ang dating Pangulo, ngunit sa lungsod ng San Juan nagsilbing alkalde simula noong huling bahagi ng dekada 60. (dino balabo)

No comments:

Post a Comment