Pages

Tuesday, December 4, 2012

Dating kongresista inakusahang nanutok ng baril, ipinagtanggol ng asawa





SAN RAFAEL, Bulacan—Idinepensa ni Mayor Lorna Silverio ang kanyang asawa na si dating Kinatawan Ricardo Silverio na inakusahan ng panunutok ng baril sa tatlong menor de edad. 

Ayon kay Mayor Lorna, may simoy ng pulitika ang akusasyon sa kanyang 82-taong gulang na asawa at iginiit na ang usapin ay ginagamit ng kanyang kalaban sa pulitika upang mabaling atensyon mula sa anak nito na sangkot naman sa diumano’y pambubugbog sa isang 14-taong gulang na binatilyo noong Nobyembre 2.

“It politically motivated because they are trying to convince the family of children to file charges against my husband,” ani Mayor Lorna patungkol kay Cipriano Violago Jr., ang kasalukuyang bise alklade ng bayang ito.

Si Violago ay ang nag-iisang katunggali sa pagka-alkalde ni Mayor Lorna.

Ang ka-tiket naman ni Violago ay si Edison Veneracion na diumano’y kumausap sa pamilya ng tatlong batang naaktuhan ni dating Kint. Ricardo Silverio na naliligo sa kanyang palaisdaan Barangay Banca-banca ng bayang ito.

Sa panayam, sinabi ni Mayor Lorna na umamin sa kanya ang magulang ng tatlong kabataan na kinausap sila ni Veneracion hinggil sa kaso.

“This is an unfortunate event, some people are trying to use the children to earn more political capital,” ani ng alkalde.

 Igiiniit niya na noong Nobyembre 2 ay nasangkot ang anak ni Violago na si Bokal Mark Cholo Violago sa pambubugbog sa isang 14-anyos na binatilyo.

Noon namang nakaraang buwan, tatlong tauhan ng mga Violago ang nasangkot sa pamamaslang sa kay Renato Ignacio, ang nakababatang kapatid ng isang pulis na pinaslang din matapos na diumano’y makasagutan ang Bokal sa isang sabungan sa Baliuag.

Sa panayam naman sa mga mamamahayag noong Lunes, Nobyembre 19 ay inamin ni dating Kinatawan Silverio na nagpaputok siya ng baril ng makita ang tatlong kabataan na nakalusong at naliligo sa kanyang palaisdaan.

Ngunit itinanggi niya ang akusasyong tinutukan niya ng baril ang mga ito,.

Ipinaliwanagng dating kinatawan na kaya siya nagpaputok ng baril ay upang matawag ang pansin ng mga bata at makasusap niya.

Ito ay upang makausap din niya ang mga magulang nito na pagbawalan sa paliligo ang mga bata sa palaisdaan.

Ayon sa dating kinatawan, iniingatan lamang niya na mapahamak ang mga kabataan sa palaisdaan ng tilapia.

Ito ay dahil sa malalima ng tubig doon at may posibilidad na malunod ang mga bata.

Ayon pa sa dating kinatawan, nakahanda siyang harapin ang anumang kasong isasampa laban sa kanya.

Ang dating kinatawan ay nagsilbing pinuno ng Toyota Philippines noong dekada 60 hanggang 70 at kinilala bilang isang pangunahing industrialist sa bansa.

Noong 1992, siya ay unang nahalal na kinatawan ikatlong distrito ng Bulacan at naglingkod hanggang noong 2001.

Nahalal din siyang alklade ng San Rafael at naglingkod sa nasabing posisyon hanggang noong 2010 kung kailan ay muli silang nagtangka sa kumandidatong kongresista ngunit hindi pinalad na manalo. (Dino Balabo at Rommel Ramos)

No comments:

Post a Comment