Pages

Tuesday, December 4, 2012

Kasambahay Bill lalagdaan ni PNoy bago matapos ang taon




MALOLOS—Umaasa si Kinatawan Joseph Victor Ejercito ng Lungsod ng San Juan na malalagdaan ang Kasambahay Bill o Domestic Workers Act ni Pangulong Aquino bago matapos ang taon.

“Magandang Christmas gift ito sa mga kasamabahay natin,” ani ng kinatawan na nakapanayam ng Mabuhay Online sa kanyang pagbisita sa lungsod na ito noong Miyerkoles, Nobyembre 21.

Iginiit niya na anumang oras ay maaaring lagdaan ng Pangulo ang Kasambahay Bill dahil nakapasa na ito sa Bicameral Congress o pinagsanib na pulong ng Kongreso at Senado.

Bilang pangunahing may akda ng panukalang batas sa Kongreso, sinabi ni Ejercito na halos 2-Milyong kasambahay sa bansa ang makikinabang sa nasabing panukalang batas.

Kung magiging batas, itatakda nito ang standardize salary sa mga kasambahay bukod sa regular working hours, regular na day off, at pagkakataon na makapag-aral at mabigyan ng PhilHealth.

Ayon sa panukalang batas, ang mga kasamabahay sa kalakhang Maynila ay tatanggap ng minimum na sweldo na P2,500 bawat buwan, samantalang ang mga nasa lungsod at primera klaseng munisipalidad sa labas ng kalakhang Maynila ay tatanggap ng suweldong P2,000.

Ang mga kasambahay sa mga mas segunda klaseng munisipalidad ay tatanggap ng suweldong P1,5000 ayon sa panukala ni Ejersito.

Iginiit ng kinatawan na hindi niya matiyak kung ilang porsyento ng kanyang panukalang batas ang magiging bahagi ng bata sna lalagdaan ng Pangulo.

“I am not sure, but there is a possibility that my version of the bill will be adopted,” sabi niya.

Ayon pa sa kinatawan,ang Domestic Workers Act ay makakatuggon din sa mga kaso ng human trafficking.

Ito ay dahil sa ipinagbabawal sa batas ang pag-e-empleyo ng ng kasambahay na mababa sa 15 taong gulang.

Hinggil naman sa kontrobersyal na Reproductive health Bill, sinabi ni Ejercito na hindi pa siya nakakapadesisyon kung ano ang kanyang magighing posisyon.

Ito ay dahil sa tinitimbang pa niya ang magkasalungat ng posisyon ng kanyang ama’t ina.

Sinabi niya na ang kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada ay pabor sa RH Bill, ngunit ang kanyang ina ay salungat dito.

“You can see why I am still divided on the issue of RH Bill,” sabi ng kinatawan.

Gayunpaman, sinabi niya na patuloy niyang pinag-aaralan ang binagong bersiyon ng nasabing panukalang batas at sa mga susunod na araw ay maglalabas siya ng kanyang posisyon. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment