Pages

Tuesday, January 15, 2013

Enero 23, deklaradong holiday sa Bulacan




Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang Enero 23 kada taon bilang “Araw ng Republikang Filipino, 1899” bilang pag-alaala sa pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 533 na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. nitong Enero 9, 2013, ginawa ng Pangulo ang deklarasyon upang kilalanin ang naturang araw bilang isang mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng bansa.

Kamakailan lamang ideneklara rin ni Pangulong Aquino ang nabanggit na petsa bilang isang special non-working holiday sa lalawigan ng Bulacan upang bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ipagdiwang ito.

Matatandaan na noong Enero 23, 1899, pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas na kilalang rin bilang Malolos Republic sa simbahan ng Barasoain, lungsod ng Malolos.

Ito rin ang kauna-unahang malayang republika sa buong Asya.

Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas. (CLJD/VFC-PIA 3)

No comments:

Post a Comment