Pages

Sunday, February 10, 2013

Senate bid ni Bro. Eddie ilulunsad sa kapitolyo ng Bulacan



Bro. Eddie Villanueva



MALOLOS CITY—Ilulunsad ni Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas ang kanyang kandidatura bilang senador sa kapitolyo ng Bulacan ngayon umaga (Martes)

Ang paglulunsad ay inihayag ni Villanueva sa palatuntunang Diyos at Bayan na isinahimpapawid ng GMA TelevisionNetwork noong Lunes ng madaling araw.

Ito ang ikatlong kampanyang pampulitika ng televangelist matapos ang dalawang sunod na pagkatalo bilang Presidente sa halalan noong 2004 at 2010.

Sa huling kandidatura ni Villanueva, inihayag pa niya niya na hindi na siya muling kakandidato sa halal na posisyon.

(Narito ang videlo clip ng pahayag ni Bro. Eddie matapos bumoto noong 2010 sa Bunlo, Bocaue.)  http://youtu.be/21FJ6oMHRTo?t=13s

Ngunit noong Lunes ng madaling araw, sinabi ni Villanueva na “On February 12, I will kick-off my campaign at the steps of the Bulacan capitol building with the political leaders of the province.”

Ito ay matapos na palitan ni Villanueva sa kandidatura bilang Senador si Israel Virgines ng Bangon Pilipinas noong Disyembre.

Sa kanyangpahayag, sinabi ng televangelist na mas mkalaki ang tsansa niyang manalo dahil sa hindi lang isa sa halip ay 12 senador ang ihahal.

Iginiit pa niya na mas malawaka siyang suporta ngayon, partikular na sa lalawigan ng Bulacan na may mahigit sa 1.4 milyong rehistradong botante.

Bukod dito, sabi niya na nagkaisa ang mga lider pulitiko sa lalawigan at nagpahayag ng pagkakaisa upang suportahan siya.

“Nagkaroon ng solidarity ang mga political icons sa Bulacan dahil sa desisyon kong ireperesent ang mga sagigilid na mamamayan sa Pilipinas,” ani Villanueva.

Kinumpirma naman nina Mayor Christian Natividad ng Lungsod na ito at Mayor Feliciano Legazpi ang suporta kay Villanueva, maging si Bokal Michael Fermin.

Maging ang iba pang kandidatong bokal tulad nina Jose Cundangan at Dax Uy  at provincial coordinator ng Bayan Muna sa Bulacan na si Joey Munsayc ay nagpahayag ng suporta kay Villaneuva.

Ayon sa mga nagapahayag ng suporta, napapanahon na muling magkaroon ng kinatawan sa Senado ang Bulacan dahil ang huling Bulakenyong senador na nanungkulan ay ang yumaong si Senate President Blas F. Ople.

Matatandaan na noong 2004 ay inilunsad ni Villanueva ang kanyang kandidatura bilang Presidente sa Bulacan State University quadrangle, at noong  Agosto 2009 ay sa bakuran ng makasaysayang simbahan ng Barasoian. 

No comments:

Post a Comment