Pages

Saturday, March 2, 2013

PLARIDEL-BUSTOS BYPASS: P163-M natipid sa proyekto ikinagalak ni PNoy


Makikita si PNoy matapos pasinayaan ang Plaridel-Bustos by-pass road.


BOCAUE, Bulacan—Ikinagalak ni Pangulong Benigno Aquino III ang malaking pondong natipid ng Department of Public Works and Highways sa pagpapatupad ng dalawang proyektong pinasiyaan niya sa Bulacan noong Biyernes, Marso 1.

Ang kagalakan ng Pangulo hindi niya naisatinig, ngunit nabakas ito sa kanyang ngiti at pangunguna sa pagpalakpak habang nagsasagawa ng project briefing si Public Works Undersecretary Alfredo Tolentino sa tulay ng bayang ito.

Ang project briefing ay isinagawa matapos pangunahan ng Pangulo ang inaugural drive sa 14 na kilometrong phase 1 ng Plaridel-Bustos by-pass arterial road project; at bago isagawa ang pasinaya sa pinalapad na tulay sa bayang ito noong araw ding iyon.

Kapansin-pansin naman na walang kasamang kandidatong senador ng Liberal Party ang Pangulo sa pagpapasinaya sa dalawang proyektong naglalayon na mapaluwag an gang daloy ng trapiko sa lalawigan, na naghatid din ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng MacArthur Highway habang isinasagawa ang briefing at pasinaya sa tulay.

Ayon kay Tolentino, ang Plaridel Bypass ay may kabuuang habang 24-61 kilometro mula sa North Luzon Expressway (NLEX) hanggang Barangay Maasim sa bayan ng San San Rafael.

Ang unang bahagi nito ay may habang 14.675 kilomentro mula NLEX hanggang sa bayan ng Bustos.

Ang nasabing bahagi ay pinondohan ng halagang P706.544-Milyon, ngunit ang nagstos lamang ay P593-M, o halos P113-M na katipiran.
Project briefing sa Bocaue bridge.

Ayon kay Tolentino, umabot sa P163-Milyon ang natipid sa nasabing proyekto, ngunit sa huling pagbisita ni Secretary Rogelio Singson ay may ipinadagdag na tambak sa mga tulay na nagkahalaga ng P50-M.

Bukod dito, ang proyekto ay natapos noong  Nobyembre 21, 2012 o tatlong buwan bago matapos ang itinakdang araw upang iyon at tapusin.

Ang mga kalagayang ito ay ikinagalak ni Pangulong Aquino kaya’t siya ay napapalakpak sa pagsasagawa ng briefing ni Tolentino.

Hinggil naman sa pinalapagd na tulay ng Bocaue, sinabi ni Tolentino na maaga rin iyong natapos at nakatipid sila ng halos P4-M.

Ang kabuuang pondong nagugol sa tulay ng Bocaue ay P57.416-M, ngunit ang kabuuang pondong inihanda roon ay P61.593-M.

”Ito po ang epekto ng inyong kampanyang tuwid na daan, kaya tuwid ang bidding pati implementasyon,” Tolentino.

Iginiit pa niya na ang ikalawang bahagi ng Plaridel By pass na may habang 10 kilomentro ay sisimulang isubasta sa Marso 5.

Kasama sa konstruksyon ng ikalawang bahagi ng Plaridel bypass ay ang tulay na may habang mahigit sa isang kilometro na tatawid sa Ilog Angat sa pagitan ng mga bayan ng Bustos at San Rafael.

Ito ay tinatayang matatapos sa unang tatlong buwan ng 2016.

Ngunit ayon kay Tolentino, kung ang nasabing proyekto ay isasagawa ng walang tigil sa loob ng 24 oras sa bawat araw, matatapos iyon bago magtapos ang 2015.

“Mahigit pos a 40 porsyento ng trapiko ang mababawas sa kahabaan ng Cagayan Valley Road dahil sa Plaridel Bypass,” dagdag pa niya. Dino Balabo

No comments:

Post a Comment